Ni
Florenda Corpuz
Antoinette Jadaone, Dan Villegas at Jericho Rosales kasama si Hiroyuki Yamamoto (moderator) sa symposium na ginanap sa National Museum of Art, Osaka kamakailan. (Kuha ni Din Eugenio) |
Pinasaya ng aktor na si Jericho
Rosales ang kanyang mga tagahanga sa Osaka nang siya ay bumisita sa lungsod
para daluhan ang 11th Osaka Asian Film Festival (OAFF) kung saan
ipinalabas ang kanyang pinakabagong pelikula na “Walang Forever.”
Pinangunahan ni Echo ang pagdalo sa
festival kasama ang direktor na si Dan Villegas at screenwriter na si
Antoinette Jadaone. Katambal niya rito ang aktres na si Jennylyn Mercado.
“To be here at OAFF means a lot to
us because this is a proof that our film is special,” saad ng magaling na aktor
na hindi ininda ang karamdaman para lamang makadalo.
Dumalo rin ang tatlo sa isang
symposium na ginanap sa National Museum of Art, Osaka kung saan mas
naipaliwanag nila ang tema ng kanilang pelikula at naibahagi ang kultura at
kalagayan ng industriya sa Pilipinas.
“It’s my first time to attend a
festival as a director so I’m really happy to be invited here by OAFF,” ani
Villegas na dumalo rin noong nakaraang taon bilang producer naman ng pelikulang
“That Thing Called Tadhana.”
Bigo man ang “Walang Forever” pati
na rin ang “Sleepless” ng first time director na si Prime Cruz na maiuwi ang Grand
Prix (Best Picture Award) na nasungkit ng Korean movie na “My Sister, The Pig
Lady,” ay nakuha naman ng mga ito ang paghanga at respeto ng mga hurado at
manonood mula Japan at iba pang bansa sa Asya.
Mainit din na tinanggap ang “Honoy
Thy Father” na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz sa direksiyon ni Erik Matti na
ipinalabas sa Special Programs (New Action! Southeast Asia) section ng OAFF.
Samantala, namasyal din si Echo sa
mga popular na tourist spots sa Osaka tulad ng Umeda Sky Building at Dotonbori
kung saan siya nakasalubong ng mga tagahangang OFWs. Tuwang-tuwa ang mga ito na
makita ang idolong aktor na masaya namang nagpaunlak ng litrato.
“Thank you for the support. I know
how hardworking OFWs are. Mahal ko kayo,” sabi ni Echo sa mga ito.
Ang Osaka Asian Film Festival ay
taunang film festival na may temang “From Osaka to All of Asia!” Layon nitong
pasiglahin ang ekonomiya ng lungsod at palakasin ang turismo nito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga manonood na makapanood ng
mahuhusay na pelikulang Asyano at suportahan ang mga Asian filmmakers at
filmmaking sa lungsod.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento