Linggo, Abril 3, 2016

Pinoy designer Kim Gan, ibinida ang mga disenyo sa Sakura Collection

Ni Florenda Corpuz


            Tangan ni Rommel Manlangit ang litrato ng designer na si
Kim Gan sa finale walk kasama si Yu Takahashi. (Kuha ni Din Eugenio)

Itinanghal ang mga obra ng Filipino fashion designer na si Kim Gan sa nagdaang Sakura Collection 2015-16 na ginanap sa Akarenga Red Brick House noong Marso 5.

Ibinida sa runway ng Japanese-Filipino actress at model na si Yu Takahashi kasama sina Miss World Japan 2015 finalists Natsuki Robertson at Himawari Yamashita ang mga disenyo ni Gan na napili ng Sakura Fashion Board na maging kinatawan ng Pilipinas.

“Kim is very proud to represent the Philippines here in Japan for the Sakura Collection because this is good venue to showcase the Filipino artistry and creativity in the world stage,” sabi ng creative director na si Rommel Manlangit na naging kinatawan ni Gan sa palabas.

Hindi nakarating si Gan sa Japan dahil sa karamdaman.

Bukod kay Gan, lima pang magagaling na fashion designers mula sa mga bansa sa ASEAN ang naimbitahan na sina Justin Chew ng Malaysia, Thim Pisith ng Thailand, Ha Linh Thu ng Vietnam, Sabrina Goh ng Singapore at Sofie ng Indonesia.

Nagtapos si Gan ng Interior Design sa University of Santo Tomas at nag-aral ng practical education in arts and fashion sa Tokyo dahil sa kanyang pagkamangha sa kultura at aesthetics ng Japan. Binuksan niya ang kanyang fashion company na “Gakuya” sa Corinthian Gardens Clubhouse noong 2009.

Nakilala si Gan sa international scene nang mailathala sa Vogue Italia ang kanyang mga gowns. Kabilang sa mga sikat na personalidad na kanyang nabihisan ay sina Miss Universe 2012 Olivia Culpo at Miss Philippines Universe 2014 Mary Jean Lastimosa.

Layon ng Sakura Collection na itaguyod ang craftsmanship culture ng Japan at pagyamanin ang cultural exchange sa mga bansa sa Asya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento