“New technology is not only changing
our lives. It is also changing our brains.” – Dr. Gary Small
Marami sa atin ngayon ay labis na
nakadepende na sa mga electronic devices gaya ng smartphone, game console,
tablet, laptop at iba pang pinapatakbo ng teknolohiya o sa madaling salita ay
mga “digital natives.”
Bagaman normal na itong bahagi ng
pang-araw-araw na pamumuhay ng sinuman dala ng kahalagahan nito sa trabaho at
modernong lipunan, may nagbabadyang hindi magandang epekto ang sobra-sobrang
paggamit ng mga digital devices, partikular na sa kalusugan ng pangkaisipan.
Growing concern
Tinawag ang kundisyon na ito na
digital dementia. Binuo ang termino ni German neuroscientist Manfred Spitzer sa
kanyang aklat na may parehas na pamagat. Ayon dito, inilalarawan ng digital
dementia kung paanong ang sobrang paggamit ng teknolohiya ay nagiging dahilan
ng paghina ng cognitive abilities. Dagdag pa nito, ang paghina ng cognitive
abilities at behaviour patterns na dulot ng digital dementia ay maihahalintulad
sa mga mayroong psychiatric condition, head injury at maging drug addicts.
Kabilang din sa mga senyales nito ang laging makakalimutin, walang
konsentrasyon, irritable, pagbabago ng interpersonal behaviour, lack of
empathy, poor human contact skills, attention deficit, emotional disturbance, at
short-term memory dysfunction.
Aniya, nawawalan din ng balanse ang utak at nagkakaroon ng pinsala
sa kanang bahagi nito dahil sa mga nabanggit na sintomas.
Massive Internet, social
media use and common effects
Ipinahayag ni Dr. Small (UCLA
psychiatrist) na nasa bansa kamakailan para sa 5th annual Herbalife
Asia Pacific Wellness Tour, ang pagkabahala nito sa namamayaning heavy digital
dependence sa mga kabataan ngayon.
“People who are too attached to
electronic gadgets could create a generation of less emphatic individuals,”
aniya.
Patuloy na lumalaki ang pagkabahala ng mga eksperto
sa digital dementia, lalo na’t karamihan ng mga kabataan ngayon ay lumalaki sa
modernong mundo ng teknolohiya, na sa murang edad pa lang ay exposed na sa
paggamit ng iba’t ibang digital devices.
Ayon naman sa “Digital in 2016” report ng 30 bansa tungkol sa oras
na ginagamit ng mga tao sa social media na mula sa We Are Social, isang Singapore-based
social media agency, pinatunayan ng mga Pinoy na social media capital nga ang
bansa nang itinakda nila ang pinakamataas na 3.7 oras bawat araw sa social
media, 3.3 sa Brazilians, 3 oras sa UAE, 1.1 sa South Koreans, at .3 sa
Japanese.
Sa Taiwan, sa isang pag-aaral nitong isang taon na binuo ng mahigit
500 office workers sa edad na 25 – 45 na gumagamit ng kanilang devices ng anim
hanggang 10 oras bawat araw, 78 porsyento ang sumang-ayon na nakakasama ang
sobrang paggamit nila ng devices, 60 porsyento ang madalas makalimot ng mga
gamit, at 52 porsyento ang nakakalimot ng personal na mga plano.
“Over-use of smartphones and game devices
hampers the balanced development of the brain,” pahayag ni Byun Gi-won, isang
doktor sa Balance Brain Center – Seoul.
Ito ang higit na pinatunayan ng isang
Herbalife study sa mga kabataan na nasa edad 13-taong-gulang na hinati sa
dalawang grupo: ang isa nagpunta sa isang nature camp nang limang araw at bawal ang paggamit ng
digital device at isa ay patuloy na gumamit ng devices ng hanggang anim na oras
bawat araw. Ang resulta, may magandang pagbabago sa emotional at social
intelligence ng mga batang nagpunta sa nature camp.
Active simple solutions
Kailangan natin magkaroon ng digital detox paminsan-minsan sa loob
ng isang linggo o ilang oras bawat araw. Unahin ang pagpapagana sa isip at
pagko-concentrate para alalahanin ang mga bagay. Bigyan ng oras ang pagbabasa ng
aktuwal na libro at hindi pagbabasa gamit ang tablet o e-reader dahil mas
pinapatibay nito ang memory retention.
Pwede rin mag-aral ng bagong lengguwahe para ma-challenge ang iyong
isip at siguradong mas magiging matalas ang iyong kaisipan. Kung interesado
naman sa musika, mag-aral ng bagong instrumento dahil kinakailangan nito ang
paggamit ng parehong bahagi ng utak kaya’t mayroong balanse. At siyempre maging
aktibo, lumabas at mamasyal o makipagkwentuhan sa kaibigan ng harapan dahil
dito mas tumataas ang blood flow at pinapabilis ang pagdala ng mga mahalagang
brain nutrients.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento