“My God. I feel better than winning championships. This is
crazy, man, it’s crazy.”
Ito ang sinasambit ni NBA legend Kobe Bryant sa backstage
habang hindi nito maialis ang tingin at ngiti sa golden statuette sa kamakailan
awarding ceremony ng 90th Academy Awards pagkatapos hirangin ang
“Dear Basketball” na best animated short film, na siya rin kauna-unahang
pagkakataon para sa isang NBA player na magawaran ng ganitong parangal.
Kasama ni Bryant na tumanggap ng parangal si Disney
animator Glen Keane bilang animator at director ng animated short film, na
unang parangal din nito sa Oscars. Si Keane ay ang isa sa mga animators sa
likod ng “Aladdin,” “Beauty and the Beast,” at “The Little Mermaid.”
The ‘Black Mamba’ scores at the
Oscars
Nagretiro man ang dating Los Angeles Lakers superstar sa
basketball, sa mundo naman ng storytelling siya ngayon namayagpag. Patunay na
hindi lamang pala sa basketball ang talento ni Bryant.
Base ang naturang animated short film sa isang sulat
na ginawa ni Bryant para sa The Players Tribune noong 2015, bilang pormal na
pag-anunsyo sa kanyang noo’y nalalapit na pagreretiro sa basketball.
“Dear
Basketball, from the moment I started rolling my dad’s tube socks and shooting
imaginary game-winning shots in the Great Western Forum, I knew one thing was
real: I fell in love with you.”
Ito ang isang bahagi ng madamdaming sulat ni Bryant sa
kanyang pagsasalarawan sa malalim
na pagmamahal niya sa basketball, na nag-umpisa sa murang edad – mula sa
kanyang mga noo’y matayog na pangarap bilang bata hanggang sa 20-taong
mataginting na karera.
Aniya, nakuha niya ang ideya na gawing short film ito
dahil sa kanyang 11-taong-gulang na anak na si Gianna, na sinabi sa kanyang, “Dad, you always tell us to go after our dreams, so man up.”
Maliban sa panulat ito ng NBA legend, siya rin ang nag-salaysay nito at executive producer ng Dear Basketball. Tampok din
ang musika nito mula kay award-winning composer John Williams. Produksyon naman
ito ng Believe Entertainment
Group, Kobe
Inc., at Glen Keane Productions,
distribusyon ng Gunpowder & Sky at go90.
Nag-debut release ang animated short film sa Tribeca Film
Festival nitong nakaraang taon.
Second career in TV and film: Succeeding
off the court
“I wake up in the morning, I can’t wait to write, I can’t
wait to get to the studio.”
Naniniwala ang sports superstar na ang pagkilalang
tinanggap niya sa Oscars ay kumpirmasyon na marami pa siyang kayang gawin, na
ngayo’y sa labas na ng basketball court. Bagaman nakatanggap ng dismissive
comments noon si Bryant nang sinabi niyang gusto niyang maging isang
storyteller pagkatapos magretiro, ‘di pinanghinaan ng loob si Black Mamba.
“As basketball players, we’re told to shut up and dribble.
I’m glad we did a little bit more than that. The hardest thing when you start
over, you have to quiet the ego and begin again. You have to learn the basics
of things,” ang pagbabahagi ni Black Mamba sa kanyang acceptance speech.
Nagsalita rin siya ng Italian habang pinapasalamatan din
ang kanyang asawang si Vanessa at tatlong anak na babae at sinabing “You are my
inspiration” sa kanyang pamilya.
Nagbigay din siya ng kredito kina Oprah Winfrey at
writer-producer Shonda Rhimes sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman sa industriya
ng entertainment. “When you have mentors like that in your life, everything tends
to work itself out,” ang dagdag pa nito.
Nagpaabot naman ng mga pagbati ang mga kaparehas nitong
Hall of Famers na sina Magic Johnson, Bill Russell, Shaquille O’Neal, gayon din
ni LeBron James at ang Los Angeles Lakers sa Twitter.
Abala rin si Bryant bilang writer, producer, presentor ng
“Detail,” isang ESPN series kung saan aanalisahin niya ang mga detalye ng isang
game, gayon din ang isang series of novels.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento