Sina President Donald Trump at Prime Minister Shinzo Abe sa isang joint press conference sa Akasaka Palace, Tokyo, Japan noong Nobyembre 6, 2017. (Kuha ni Andrea Hanks/White House) |
Nakatakdang lumipad
sa Estados Unidos sa Abril si Japanese Prime Minister Shinzo Abe upang
makipagpulong kay U.S. President Donald Trump tungkol sa iba’t ibang isyu na
may kinalaman sa North Korea at nuclear weapon and missiles program nito.
Ito ay matapos
na tanggapin ni Trump ang imbitasyon ni North Korean leader Kim Jong-Un na
makipagkita sa darating na Mayo, na ayon kay South Korea National Security
Office head Chung Eui-yong.
Sa isang tawag
sa telepono, nagkasundo ang dalawang lider ng Japan at U.S. na patuloy na hikayatin
ang North Korea na itigil na ang kanilang nuclear weapon and missiles program
na tinututulan ng maraming bansa.
Naniniwala rin
si Abe na ang ginawang hakbang ng North Korea na maging bukas sa pakikipag-usap
kay Trump ay isang senyales na maaaring mag-iba na ang desisyon ng North Korea
tungkol sa kanilang ipinapatupad na programang nuclear.
“I agreed with
President Trump that (this development) is the result of Japan, the United States
and South Korea, together with the international community, having continued to
put a high level of pressure on North Korea,” pahayag ni Abe.
“The solid
position of Japan and the United States — that we will continue to put maximum
pressure on North Korea until it takes concrete actions toward the complete,
verifiable and irreversible abandonment of its nuclear (weapons) and missiles —
is absolutely unwavering,” dagdag pa nito.
Tinalakay din
nina Abe at Trump ang ginawang pagdukot ng North Korea sa ilang Japanese
nationals noong 1970s hanggang 1980s. Nakiusap si Abe kay Trump na tulungan siya
upang maresolba ang isyung ito sa North Korea.
“I want to work
even more closely with President Trump to resolve various issues related to
North Korea, such as its nuclear weapon and ballistic missile programs and the
abduction of Japanese nationals,” giit ni Abe.
Matatandaan na
ilang beses nang kinondena ng Japan ang mga isinasagawang nuclear missile tests
kung saan nakadirekta ito sa Japan. Noong nakaraang Setyembre ay isang missile mula
sa North Korea ang bumagsak sa karagatan ng Hokkaido.
“The
Self-Defense Forces detected and tracked the missile perfectly from launch
through landing,” ani Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga noong Setyembre.
“We didn’t intercept
it because no damage to Japanese territory was expected,” dagdag pa nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento