Maria Colico |
Hindi na bago
ang mga Pilipina na kinikilala sa ibang bansa dahil sa kanilang husay sa pagkanta
at pag-arte. Natural sa mga Pilipino ang pagiging talentado tulad nina Lea
Slaonga, Rachel Ann Go, Aicelle Santos, Mark Bautista at marami pang iba na
nakapagtanghal at hinahangaan sa pandaigdigang entablado.
Isa si Maria
Colico sa mga Pilipino na masigasig na gumagawa ng pangalan sa Japan bilang
isang aktres at modelo.
Ilan sa mga
palabas at commercial na kanyang ginawa ay ang “Sekai Nihonjin Tsuma,” “Senmo Bengoshi 99.9,”
“Anata Wo Kyouhakushimasu,” “Todome No Kisu,” “Tantei Midarai,” “Unbelievble,”
“Benesse,” “Las Vegas Honda CM,” 2018 Exile the Second MV,” at “2018 AKB 48 Ja
BaJa MV.”
Aminado si Maria,
na nanalo rin bilang Mrs. Philippines-Japan, na hindi madaling pumasok sa
Japanese showbiz industry dahil sa may prosesong sinusunod dito. Subalit, hindi
pinanghinaan ng loob si Maria at sa halip ay nagtiyaga siyang mag-audition.
“I always do
auditions. There is no such things as connection or favoritism. We can never
choose a role. I am really thankful that I fit the role most of the time
because of my looks especially my skin color and aura,” pahayag ni Maria sa
panayam ng Pinoy Gazette.
Aniya, kakaiba
ang showbiz industry ng Japan dahil sa maraming mga ipinagbabawal na sa umpisa
ay nahirapan siyang sundin ngunit kinalaunan ay naintindihan at nakasanayan na
niya.
“I can say it’s
very strict and very opposite from Philippine showbiz. There’s a lot of rules
such as not talking to the celebrity and any of the cast that have higher roles
than you. We even cannot get closer to them. Staring at them is not allowed too
because they might feel scared and uncomfortable. At first, I feel so choked
and I didn’t enjoy it because of too much limits but in the long run, I finally
understand why. It’s really about getting used to it and understanding the
culture,” kwento pa ni Maria na pangarap na makatrabaho sina Vin Diesel at
Tyrese Gibson.
Masaya si Maria
na hindi siya nawawalan ng proyekto at sa katunayan ay mayroon siyang gagawin
na pinamagatang “I Am Not A Bird” sa ilalim ng Happy-Sad LLC at Twenty First
City Inc.
“It will be
shown in Hollywood, California and I will be working with some big celebrities.
I can’t say more details for now because it is still confidential and ongoing.
I am really excited and can’t wait to be done!”
Hindi inakala ni
Maria na makakapasok siya sa ganitong uri ng industriya. Noong 2002,
nagtatrabaho siya bilang sales lady sa isang boutique shop sa Daikanyama. Mayroon
siyang naging kaibigan na isang celebrity na nagsabi at naghikayat sa kanya na
subukan ang showbiz sa Japan. Mayroon din nagbigay sa kanya ng calling card
mula sa Avex Platinum Production, na isa sa mga kilalang music publishing
company sa Japan.
Ang karanasang
iyon ang naging inspirasyon ni Maria na sumubok sa pag-arte at pagmomodelo. Lumabas
siya bilang modelo sa commercial ng Denny’s Restaurant at doon na nagsimula ang
kanyang karera sa Japan.
Bilang isang
Pinay, hindi nakakalimot si Maria na tumulong sa Filipino community sa
pagbabahagi ng kanyang mga talent.
“I am joining
some charity events, sports fest, beauty pageants, Philippines Festival…What I
think I can contribute to my community is to show my talents especially
singing. This is what usually people request me to do it during events and
radio shows.
“And I think
another thing that I can do for the community is to be a good model as a God
fearing person, show some good morals and being an inspiration as I was a
former Mrs. Philippines-Japan,” ani Maria.
Nais ni Maria na
maging inspirasyon sa kapwa Pilipino na patuloy na mangarap at tuparin ang mga ito
kahit na gaano kahirap.
“Don’t ever give
up on what you want to be and what you want to have. Our dreams are not
impossible as long as we will do our best, fight for it, strive hard and keep
on trying. Failure is a normal thing and it is a good experience for our growth
as a human. Age doesn’t matter. Age must not be the reason for you to stop
dreaming.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento