Rinnoji Temple |
Isa sa mga
pinakapopular na destinasyon ng mga lokal at dayuhang turista sa Japan ang
Nikko. Matatagpuan sa Tochigi Prefecture, isa itong ancient town na puno ng mga
makasaysayang lugar kabilang ang “World Heritage site of the Shrines and Temples
of Nikko.”
Tuwing panahon ng
tagsibol ay namumulaklak ang mga puno ng cherry blossom dito kung saan ang iba
ay lampas 300 na taon na ang edad. Sa paglalakad dito mula sa istasyon ay masisiyahan
na ang mga turista sa mga nakamamanghang flower show sa paligid.
Mula Abril 6 hanggang
30 ay isasagawa rito ang Nikko Cherry Blossom Festival kung saan bukod sa
naggagandahang cherry blossom ay mae-enjoy ng mga tao ang espesyal na
confectionary na gawa mula sa cherry blossoms. Sa ibang bahagi ng lugar ay napapailawan
ang mga cherry blossom tuwing gabi na lumilikha ng kahanga-hangang tradisyonal
na Japanese atmosphere.
Cherry
blossom spots
Ang weeping cherry
blossom tree sa Takada family house ay isa sa mga popular na spots dito kahit
na matatagpuan sa isang pribadong lugar. Tinatayang nasa 370 na ang edad nito
na mamumulaklak mula sa kalagitnaan hanggang huling bahagi ng Abril.
Ang Kokuzoson temple
na itinalagang cultural property ng Tochigi Prefecture ay tahanan ng isa pang weeping
cherry tree na ang edad ay nasa 350 taon na mamumulaklak mula sa kalagitnaan
hanggang huling bahagi ng Abril.
Ang “Kongo-zakura”
cherry tree sa Rinno-ji Temple ay nakarehistro bilang natural monument na
namumunga ng puting bulaklak mula pink buds na mamumulaklak mula sa huling
bahagi ng Abril hanggang sa unang mga araw ng Mayo.
Recommended
shops
Meiji-no-yakata Cake
Shop. Ito ay matatagpuan sa harap ng Tobu Nikko station. Nagbebenta rito ng cakes,
tarts at cookies. May café sa 2nd floor nito. Ang mga pound cakes at
cheesecakes na gawa na may cherry blossoms ay mabibili tuwing spring.
Yubatei Masudaya. Pamoso
ang restaurant sa kanilang yuba (tofu skin). Nagbukas ito sa publiko noon pang Meiji
period. Matatagpuan ito limang minuto mula sa istasyon. Kabilang sa full yuba
course ang cherry blossom deserts na matitikman lamang tuwing spring.
Ganso Nisshodo. Mahigit
sa 80 taon nang bukas ang tindahan na ito kung saan makakabili ng kankintsuba
na gawa sa salted cherry tree leaves sa sweet bean paste.
Nikko Kanaya Hotel
Craft Lounge. Bukas sa publiko noon pang 1873, mae-enjoy ng mga bisita ang
masarap na cherry blossom parfait dito tuwing Nikko Cherry Blossom Festival.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento