Ang mga nanalong chefs at restaurateurs sa ginanap na Asia’s 50 Best Restaurants awards ceremony na ginanap sa Wynn Palace, Macao kamakailan. (Kuha mula sa Asia’s 50 Best Restaurants 2018) |
Kinilala na ang Asia’s
50 Best Restaurants 2018 na inisponsoran ng S. Pellegrino & Acqua Panna
kung saan kabilang ang 11 restaurants mula Japan sa isang awards ceremony na
ginanap sa Wynn Palace, Macao kamakailan.
Umakyat sa pangalawang
pwesto ang Den mula sa pang-11 pwesto noong nakaraang taon at itinanghal na “The
Best Restaurant in Japan” kapalit ng five-time title holder na Narisawa na nasa
pang-anim na pwesto ngayong taon.
Kabilang din sa Top 10
ang Florilège (No.3) at Nihonryori RyuGin (No. 9). Newcomer naman ang Tokyo-based
Il Ristorante – Luca Fantin (No. 28). Nakasama rin sa listahan sa unang
pagkakataon ang La Cime (No.17) sa Osaka at nakakuha ng Highest New Entry
Award.
Pasok din sa listahan
ang L’Effervescence (No. 20) na ginawaran ng Sustainable Restaurant Award, Sushi
Saito (No. 27), Hajime (No. 34) sa Osaka, Quintessence (No. 38) at La Maison de
la Nature Goh (No. 48) sa Fukuoka.
Ginawaran naman ng Chefs’
Choice Award ang acclaimed chef na si Yoshihiro Narisawa. Sa loob ng dalawang
dekada, nakamit ni Narisawa ang respeto mula sa kanyang mga kasamahan sa
pamamagitan ng kanyang “refined dishes and ability to blend French cooking
techniques, employ sustainable practices and honour Japanese culinary
traditions.”
Samantala, ginawaran
naman ang Filipino restaurant na Toyo Eatery sa Maynila ng Miele One To Watch
Award. Ang parangal ay ibinibigay sa isang restaurant na hindi kabilang sa
listahan ng Asia’s 50 Best list ngunit kinikilala bilang “rising star of the
region.”
Ang listahan ay ginawa
mula sa mga boto ng Asia’s 50 Best Restaurants Academy, isang maimpluwensiyang
grupo na kinabibilangan ng may mahigit sa 300 lider sa restaurant industry sa
Asya. Ang panel sa bawat rehiyon ay binubuo ng mga food writers at critics,
chefs, restaurateurs at ‘gastronomes.’
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento