Linggo, Oktubre 7, 2018

Low-carb diets under scrutiny in new study for connection to increased mortality risk


“Low-carb diets that replace carbohydrates with protein or fat are gaining widespread popularity as a health and weight loss strategy. However, our data suggests that animal-based low carbohydrate diets might be associated with shorter overall lifespan and should be discouraged.”

Ito ang pahayag ni Sara Seidelmann, Brigham and Women’s Hospital clinical-research fellow at lead author ng bagong pag-aaral, ang “Dietary carboyhydrate intake and mortality: A prospective cohort study and meta-analysis” na inilathala kamakailan sa The Lancet Public Health kung saan natuklasan ng mga siyentipiko na ang pangkalahatang pag-iwas sa carbohydrates ay hindi nakabubuti sa kalusugan sa katagalan.

Challenging a popular trend

Sikat na sikat sa karamihan sa Europe at North America ang mga low-carb diets gaya ng Paleo, Ketogenic, at Atkins diet na aniya ay mas epektibo sa pagbabawas ng timbang kumpara sa mga low-fat diets; at nakatutulong sa magandang kundisyon ng blood sugar, blood pressure, blood triglycerides, at high-density lipoprotein cholesterol na nakapagpapababa ng pagkakaroon ng ilang klase ng mga sakit.

Kadalasan kasi sa low-carb diets, mas pinapaboran nito ang pagkain ng animal protein at fats at higit na nililimitahan o tinatanggal talaga ang carbohydrate sa pagkain gaya ng prutas, gulay, cakes, sugary drinks, at lalo na ang starchy foods na pasta, cereals, rice, bread, at potatoes. 

Sa pag-aaral, siniyasat ang 15,428 adults (45–64 years-old) mula sa apat na komunidad sa Amerika (enrolled between 1987 – 1989) sa Atherosclerosis Risk in Communities (ARIC) study ayon sa kanilang dietary habits (what foods, how much, how often).

At sa loob ng 25-taong follow-up period, nadiskubre na mahigit 6,000 sa mga partisipantes ang pumanaw. Napag-alaman na ang mga may high-carb diets sa kanila ay mas mahaba pa ang buhay nang tatlong taon kaysa sa mga may low-carb diets. At ang mga may moderate carb consumption naman ay dinaig ang mga may low-carb diets nang apat na taon.

Replacing meat with plant-based fats and proteins

“If one chooses to follow a low carbohydrate diet, then exchanging carbohydrates for more plant-based fats (avocados, nuts) and proteins (soy products, lentils), it might actually promote healthy ageing in the long term,” ang paliwanag pa ni Dr. Seidelmann.

Aniya, ang mas mababa sa 40 porsyento (energy intake from carbohydrates) ay itinuturing nang low-carb, dagdag pa riyan na may mga diets na mas binababaan pa ito nang hanggang 20 porsyento o mas mababa pa. Sa kabilang banda naman, ang 70 porsyento at higit pa ay high-carb na.
Parehas na pwedeng makapagpataas ng mortality risk ngunit ang high-carb ay higit na mas mababa ang antas kumpara sa low-carb. 

Mula rito, tinukoy ng mga siyentipiko na ang 50-55 porsyento (moderate) ng energy intake na mula sa carbohydrates ang pinakamainam na estado.

Inamin naman ng mga siyentipiko na may limitasyon pa rin ang pag-aaral sapagkat nagbase ito sa self-reported data at sa pagsukat nito sa naturang dietary patterns sa umpisa at pagkaraan ng anim na taon lang na posibleng nagbago sa mga sumunod na taon.

Naniniwala naman si Ian Johnson (nutrition researcher, Quadram Institute Bioscience), bagaman hindi siya kabilang sa pag-aaral, na mahalaga ang “carb quality” at hindi lang “carb quantity.” 

“There is nothing to be gained from long-term adherence to low-carb diets rich in fats and proteins from animal origins. Most should come from plant foods rich in dietary fiber and intact grains rather than from sugary beverages or manufactured foods high in added sugar.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento