Miyerkules, Oktubre 10, 2018

Shibuya’s favorite izakaya Toritake brings its famous yakitori at UP Town Center



“Through the different innovations in Japanese cuisine, yakitori has been prepared and served in Japan in many various ways, but Toritake remains loyal to traditional Japanese eating.”

Ito ang pahayag ni Yusuke Teruya, director at executive chef ng Toritake, sa panayam ng Breakfast Magazine ukol sa pagbubukas kamakailan ng sikat na Shibuya izakaya place sa UP Town Center sa Quezon City, na siya ring kauna-unahang branch ng Toritake sa labas ng Japan.

Dumating sa bansa si Teruya para sanayin ang mga staff at pangasiwaan ang operasyon ng restaurant para masigurado ang authentic yakitori dishes kung saan ito kilala. Hindi naman kataka-taka ang pagkakapili ng ‘Pinas bilang unang international branch ng Toritake, aniya, isa ang mga Pinoy sa mga pangunahing banyagang customers sa Shibuya.

Swak na swak ito sa mga Pinoy na mahilig sa manok at anumang inihaw na pagkain. Kaya’t sabihan na ang mga kaibigan o kamag-anak para ‘di na kailangan pang dayuhin ang Shibuya para sa katangi-tangi at big servings ng yakitori at grilled dishes ng nag-iisang Toritake.

The popular hole-in-the-wall since 1963

“As traditional as it gets – open-air dining areas and the smell of charcoal mingling with cigarette fumes,” ang pagsasalarawan naman ng Spot.ph sa set-up ng Toritake sa Shibuya.
Mula sa mga salitang “tore” (chicken) at “tare” (bamboo), kapag pinagsama ay nangangahulugang “chicken on bamboo sticks,” kaya ang pangunahing menu nito ay mga chicken dishes. 

Mula nang magbukas ito noong 1963 sa Shibuya, napanatili nito ang tradisyonal na izakaya setting, gayon din ang istriktong 55-taong tradisyon ng pamamaraan nito sa pag-iihaw ng manok at pagpili ng mga piling-piling sangkap.

Ngayon, isa na ito sa pinakamatagal na izakaya ng Japan at dahil sa pagiging dining hotspot nito sa loob ng mahabang panahon sa parehas na mga residente at mga turista, naging tatlong palapag na ang open-air izakaya na bantog sa kasiglaan ng ambiance nito sa mga kumakain, umiinom at naninigarilyong customers.

Bagaman hindi kasing-casual ang set-up ng Toritake sa UP Town Center dahil sa mall location nito, aniya, mayroon pa rin namang presensiya ng ilang “izakaya elements” – ang open kitchen nito at display ng Japanese whisky at sake bottles.

Crispy ajishio and smoky savory tare

At dahil din nasa mall ito, gumagamit ng electric grills sa halip na charcoal grills. Ani Erika Lim na senior marketing manager ng Toritake Philippines sa Spot, “We put charcoal inside the grill so we still get that charcoal taste and smell.”

Ngayon, medyo kakaunti pa ang menu ng Toritake kumpara sa Shibuya, ngunit dagdag pa ni Lim, “We plan to include chicken liver and gizzards, soon, as well as alcoholic drinks beer, Japanese whisky, sake, and highballs. We just want to be sure we can keep the quality consistent before we can think of adding more.”

Sa kabila nito, sigurado naman na mapupunan ito ng kakaibang sarap ng iba’t ibang grilled chicken dishes na gaya rin ng nasa Shibuya lalo na’t metikuloso ang sinusunod na pamantayan sa paggawa nito.

Aniya, kinakailangan na laging dalawang kilogramo ang bigat ng karne at higit sa lahat hindi ito frozen para magarantiya ang “tender, tastier, and juicier yakitori.”

Pwede rin mamili sa dalawang klase ng marinate – “ajishio” (salt and pepper) na malutong ang pagkakaluto na gaya ng sa fried chicken at “tare” (special yakitori glaze) na may smoky-savory-juicy barbecue flavor.

Ilan lamang sa inirerekomenda ang Toritake special soup (chicken broth, with mushroom, nori, chicken strips, quail egg, veggies) at potato salad bilang appetizers; supersized na chicken karaage; momoyaki (grilled quarter chicken); chicken ketchup rice; tsumire (chicken meatballs stuffed in bell pepper slices); yakitori rice bowl (good for two); chicken wings; chicken skin yakitori; chicken tail yakitori; at ang signature grilled chicken yakitori (served in various chicken cuts like chicken breasts, chicken hock).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento