Miyerkules, Oktubre 10, 2018

Magical potions come alive at a pop-up cocktail experience in New York and London


Ni Jovelyn Javier


Ipinagdiwang sa pagsisimula ng Setyembre ng mga tagahanga ng “Harry Potter” ang “Back to Hogwarts Day” sa King’s Cross Station sa London kung saan sinorpresa pa ng mga bida ng nalalapit na “Fantastic Beasts 2” movie na sina Jude Law at Eddie Redmayne ang mga tagahangang nagtipun-tipon dito.

Ngunit tuluy-tuloy pa ang selebrasyon ngayong buwan hanggang sa winter season dahil sa pagbubukas kamakailan sa New York ng fantasy-themed pop-up cocktail making experience na The Cauldron.

Matatagpuan ang The Cauldron sa 2nd floor ng Bavaria Bierhaus sa Stone Street, Financial District ng Lower Manhattan mula Setyembre 12 – Disyembre 31. Mabibili ang tickets nito sa thecauldron.io/nyc na nasa $44.99 (off-peak) at $54.99 (peak) at nagtatagal ang klase ng isang oras at 45 minuto.

A magical cocktail experience through science

The idea that magic is real and just inaccessible to ordinary people is a concept that resonates with a generation of fantasy fans. Our goal is to use science, the magic of our world, to make that dream real.”

Sa pagpasok ng mga guests, bibigyan sila ng robes at interactive magic wand na kanilang gagamitin para maglagay ng Poetic Meade, isang honey wine na nakikita sa mga kwento ng mitolohiya sa kanilang cauldron.

Gaya ng potions class sa Harry Potter, mayroong workstations na may cauldrons, mixing utensils at fresh/bottled potion-making ingredients para makagawa ng dalawang klase ng drinkable potions na nag-iiba ng kulay, umuusok, at bumubula.

“The potions behave in different ways according to what you put in them and how you make them. It basically stems from molecular mixology,” ang paliwanag ni co-founder David Duckworth, isang molecular mixologist at cocktail experience designer sa panayam ng Business Insider.

Dagdag pa niya, “We use a lot of different ingredients in our drinks but we’re sticking with traditional things – elderflower, lavender, and we also have a flower native from Indonesia which has its own magical properties.”

Makakakuha rin ng beer gamit ang magical wand sa tinatawag na “tree of life.” Mayroon din silang sariling plants at herbs gaya ng basil, thyme, mandrake, at monkey jars na ginagamit bilang mga sangkap. Available rin ang alcohol-free, gluten at vegan options ngunit dapat ay nasa legal drinking age ang mga guests.

Bringing magical lore to life

Mula sa tagumpay ng unang pop-up sa London kung saan tumakbo ito ng limang buwan na dinaluhan ng mahigit 15,000 guests, ibinabalik muli ang naturang experience rito sa ikalawang beses na gaganapin sa Elephant & Castle mula Setyembre 26 - Enero 31 ng susunod na taon at makakabili ng tickets sa thecauldron.io/London.

Nag-umpisa bilang Kickstarter project mula kay Matthew Cortland, isang dating reading teacher na ngayo’y technology entrepreneur, noong Hunyo 26 nang nakaraang taon na araw din ng ika-20 anibersaryo ng Harry Potter para noo’y maglikom ng pondo para sa Cauldron Wizarding Pub & Inn.

Aniya, sa kumbinasyon ng teknolohiya at Internet of Things na tinawag niyang “Magic of Things,” ay gagawa ng isang pub kung saan maisasabuhay ang mga konsepto ng magic ng mga fantasy novels at wizarding universes sa inspirasyon ng mga obra nina J.K. Rowling, C.S. Lewis, at J.R.R. Tolkien.

Ngunit dahil hindi nito naabot ang target funding, naisipan ni Cortland na i-rebrand ito bilang pop-up at saka lumipat sa London mula Dublin kung saan niya nakilala sa London Cocktail Week si Duckworth.

Sa kabila nito, inamin ni Cortland na nasa plano pa naman ang naunang proyekto. “Eventually, we would like a permanent pub that’s for locals and tourists alike that’s based kind of in the Soho area. But for now, we are validating the idea to show that it has traction and people like it. This is kind of the midway point in between that journey,” ang dagdag pa nito sa Business Insider.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento