Miyerkules, Oktubre 10, 2018

‘Kawaii Kabuki Play’ tampok sa Sanrio Puroland



Isa ang Sanrio Puroland o kilala rin sa tawag na Hello Kitty Land sa pinakapopular na theme parks hindi lamang sa Japan kundi sa buong mundo. Sa katunayan, isa ito sa mga madalas na dinarayo ng mga dayuhang turista. Nito lamang 2017, umabot sa 800,000 turista ang pumunta sa naturang parke.

Upang lalo pang maengganyo ang karamihan na bumisita sa Sanrio Puroland ay inilunsad ang “Kawaii Kabuki Play,” na tampok ang tradisyonal na kultura ng Japan at ang masasabing “kawaii” o cute culture, sa Marchen Theater.

Simula nang ilunsad ito nitong Marso, marami ang nagkagusto sa naturang pagtatanghal dahil sa magandang interpretasyon nito ng “Momotaro,” na isang popular na kwentong-bayan sa Japan. Kahanga-hanga rin ang naggagandahang costumes na kumbinasyon ng damit ng kabuki na mayroong disenyo na Hello Kitty.

“We would love Hello Kitty fans from around the world to enjoy this unique and original musical, which blends for the first time, the traditional Japanese art of Kabuki Theater with the ‘KAWAII’ (cute) nature of the characters,” pahayag ni Aya Komaki, Director ng Sanrio Entertainment Co. Ltd.

Dagdag pa ni Komaki, orihinal at natatangi ang itinatanghal na musika kaya naman kadalasan ay punung-puno ang Marchen Theater ng mga manonood dahil sa agad itong naging paboritong puntahan ng mga turista.

“We are simply delighted with the warm and encouraging reception of the new Marchen Theatre show. Our aim at all times is to give our visitors a unique experience that uplifts the spirit through the warmth and kindness that our Puroland characters embody in their very own ‘kawaii’ ways. We feel that that new Kawaii Kabuki is helping much to achieve that,” ani Komaki.

Ikinukunsidera bilang “Mecca of Sanrio Characters,” itinayo ang Sanrio Puroland noong 1990 ng Sanrio Entertainment Co., Ltd., na apat na beses ang laki sa Nippon Budokan.
“The concept of the theme park is communication, to have fun by meeting Hello Kitty, to make a fun memory inside the theme park and to feel ‘kawaii.’ Sanrio Puroland is for everyone, not just for children and female visitors. We also have Sanrio male visitors “Sanrio danshi” (Sanrio boys).”

Ilan sa mga paboritong atraksyon sa Sanrio Puroland ang Sanrio Character Boat Ride, na tumatagal ng 10 minuto na pagliligid sa Sanrio World; My Melody & Kuromi – Mymeroad Drive, kung saan maaaring magmaneho gamit ang Eco Melody Car at maaari rin kumuha ng litrato; at ang Gudetama Land, na lugar para sa mini-games at photo spots.

Tampok din ang Lady Kitty House, kung saan maaaring makita ang pribadong lugar ni Hello Kitty, ang hardin nito, Japanese tea room, dress tower at iba pa. Nariyan din ang Rainbow World Restaurant kung saan maaaring kumain ng pasta, ramen at curry.

Matatagpuan sa Tokyo, nagkakahalaga ang ticket ng ¥3, 300 para sa mga matatanda at ¥2,500 para sa mga bata tuwing Lunes hanggang Biyernes habang nasa ¥3,800 para sa mga matatanda at ¥2,700 para sa mga bata tuwing Sabado at Lingo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento