Ni Jovelyn
Javier
“A tour de force of love and loneliness, war and art — as
well as a loving homage to “The Great Gatsby” — “Killing
Commendatore” (Kishidancho Goroshi) is a stunning work of imagination
from one of our greatest writers.”
Nagbigay ng unang sulyap kamakailan ang The New Yorker sa
website at magazine issue nito ng isang bahagi ng pinakabagong nobela na
inaabangan ngayong tagsibol mula sa internationally acclaimed bestselling
author na si Haruki Murakami – ito ay pinamagatang “The Wind Cave.”
Nakatakdang ilunsad ang English edition ng naturang nobela
ngayong darating na Oktubre 9 ng New York-based publisher na Knopf Doubleday.
Mula sa pagsasalin nina Philip Gabriel at Ted Goossen, design cover ni Chip
Kidd; ito ay binubuo ng 704 na pahina (hardcover).
Kasabay
naman na ilalabas ang ebook at audiobook
versions sa parehas na araw, samantalang ilulunsad naman ang paperback nito sa
Oktubre 30.
A circle of mysterious circumstances
“There are three types of emotional wounds: those that heal
quickly, those that take a long time to heal, and those that remain with you
until you die.”
Ito ang pagsasalarawan ni Murakami sa The Wind Cave sa
panayam ng The New Yorker, kaugnay ng
pangunahing character-narrator ng nobela habang tinatalakay nito ang mga alaala
niya mula sa kanyang kabataan kasama ang nakababatang kapatid na babae na si
Komi at ang biglaang pagpanaw nito.
Dagdag pa ng manunulat, “I think one of the major roles of
fiction is to explore as deeply and in as much detail as possible the wounds
that remain. Because those are the scars that, for better or for worse, define
and shape a person’s life. And stories – effective stories, that is – can
pinpoint where a wound lies, define its boundaries (often, the wounded person
isn’t actually aware that it exists), and work to heal it.”
Sentro ng nobela ang isang thirty-something na lalaking portrait
painter mula sa Tokyo, iniwan ng asawa at humantong sa isang mountain home ng
isang bantog na artist na si Tomohiko Amada.
Dito ay madidiskubre niya ang isang nakatagong painting, at
sa hindi sinasadyang pagkakataon ay magbubukas ito ng mga misteryosong
kaganapan. Para maisara niya ito, kinakailangan niyang kumpletuhin ang isang
paglalakbay na may kaugnayan sa iba’t ibang bagay at tao sa kanyang paligid.
Relentless echoes and homages to
other works
Kilala si Murakami sa mga reperensiya niya ng iba’t ibang
klase ng obra na makikita sa kanyang mga nobela. At dito sa Killing
Commendatore, tampok naman ang “Alice’s Adventures in Wonderland” ni Lewis
Carroll, “The Great Gatsby” ni F. Scott Fitzgerald, at mga opera na “Don
Giovanni” ni Wolfgang Amadeus Mozart kung saan hango ang pamagat nito at
“Bluebeard’s Castle” ni Béla Bartók.
Dagdag naman ni Murakami sa The New Yorker, sa panayam ni
Deborah Treisman, ang orihinal na inspirasyon ng nobela ay tunay na nagmula sa
“Tales of Spring Rain” (Harusame Monogatari), isang koleksyon ng 10 kwento
noong Edo period na obra ni Akinari Ueda.
Aniya,
tungkol ito sa isang mummy na muling nabuhay. Bahagi ang koleksyon na ito ng
“yomihon” genre (described as moralistic, with few illustrations, more text
emphasis, characters of witches and fairy princesses) ng literaturang Japanese,
na itinuturing na isa sa mga pangunahing kontribusyon ng Japan sa pangkalahatang
early modern literature.
“For
a long time, I’d been thinking of expanding that story into a full-length
novel. I’d also been wanting to write something that would serve as a homage to
The Great Gatsby,” ang pagtatapos ni Murakami sa panayam.
Nakatakda
naman na dumalo si Murakami sa The New Yorker Festival sa Oktubre 6 para sa
isang diskurso kasama si Treisman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento