Ipinapakita ang mga post na may etiketa na novel. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na novel. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Pebrero 5, 2019

English version ng ‘The Frolic of the Beasts’ ni Yukio Mishima inilabas muli


Ni Jovelyn Javier




Inilathala kamakailan ng Vintage International ang maikling nobela na pinamagatang “The Frolic of the Beasts” ni Yukio Mishima, isa sa mga tinaguriang ‘greatest avant-garde Japanese writers of the 20th century’ at ito ang kauna-unahang pagkakataon na mababasa ang naturang nobela sa English mula nang orihinal na  inilathala ito noong 1961.

Sa kumbinasyon ng thriller, historical at psychological fiction, umani ng magagandang reviews ang nobela sa nakakabighaning kwento nito ng isang love triangle sa pagitan ng isang literary critic at isang babaero na si Ippei Kusakado, si Kōji na estudyante ni Ippei, at ang misteryosong si Yuko, ang asawa ni Ippei.

Isang istorya ng pag-ibig pagkaraan ng giyera

Isang parody ang nobela ng 14th century Japanese Noh play na pinamagatang Motomozuka” na tungkol din sa isang love triangle kung saan dalawang lalaki ang magmamahal sa babaeng si Unai.

Hindi matapos-tapos ang pagtatagisan ng dalawang ginoo para makuha ang kamay ni Unai dahil sa palaging patas ang kinalalabasan. Sa gitna nito ay naiipit si Unai sa isang mahirap na sitwasyon na kalauna’y nagtulak sa kanya para magpatiwakal. At dulot ng matinding kalungkutan sa pagkawala ng babaeng kanilang minamahal, sinundan ng dalawang lalaki ang kapalaran ni Unai.

Ngunit sa kwento ni Mishima, inilarawan itong ‘updated and modernized’ kumpara sa naging source material nito, subalit nananatili pa rin itong konektado sa orihinal na kwento ayon sa tema. Samantala, ang pagkakasalaysay naman nito ay pabaliktad.

Nakikitaan ang kwento nito ng mga paksa ukol sa kapalaran, malayang kalooban, at materyalidad habang nagpapakita rin ito ng magagandang eksena sa kung paanong ang mga maliliit na bagay ay nakakaapekto sa buhay ng mga tao.

Isang batikang manunulat

Lumaki sa isang samurai family si Mishima, na ang tunay na pangalan ay Kimitake Hiraoka, kaya’t maaga siyang namulat sa mahahalagang alituntunin gaya ng katapatan sa Emperador. Nagtapos sa School of Jurisprudence ng Tokyo Imperial University (University of Tokyo) noong 1947, inilathala niya ang kanyang unang akda na “The Forest in Full Bloom” (1944) ngunit nakilala siya dahil sa “Confessions of a Mask” (1949).

Maliban sa 33 plays na isinulat niya, nagawa niya ang short story collections na “Death in Midsummer” (1953) at “Acts of Worship” (1965); mga nobelang “Thirst for Love” (1950), “The Temple of the Golden Pavilion” (1956), “Forbidden Colors” (1951), “After the Banquet” (1960), “The Sound of Waves” (1954), at “The Sailor Who Fell From Grace with the Sea” (1963).

Kinikilala si Mishima sa kanyang obra maestro na “Sea of Fertility” tetralogy na binubuo ng mga nobelang “Spring Snow” (1969), “Runaway Horses” (1969), “The Temple of Dawn” (1970), at “The Decay of the Angel” (1971).

Kilala rin si Mishima bilang actor, model at director at marami na sa kanyang mga obra ang isinalin sa pelikula.

At bilang makabayan, itinatag niya ang “Tatenokai” at sinubukang magsagawa ng kudeta na tinatawag na “Mishima Incident” para ibalik ang kapangyarihan ng Emperador ngunit nabigo siya.

Pumanaw si Mishima sa pamamagitan ng “seppuku” (ceremonial suicide)  noong 1970 sa edad na 45-taong-gulang.

Miyerkules, Nobyembre 14, 2018

Kyoko Nakajima debuts Naoki Prize-winning novel ‘The Little House’ in English


Ni Jovelyn Javier


“A delightful and cleverly plotted novel in the form of memoirs written by a maid about her days working for a family in prewar Japan.

Ito ang pagsasalarawan ng Nippon.com sa nobela ni Kyoko Nakajima na pinamagatang “The Little House” (Chiisai ouchi). Inilunsad ang English edition nito kamakailan na mula sa translation ni Ginny Tapley Takemori at Darf Publishers.

Una itong inilathala noong 2010 ng Bungeishunju at ginawaran ng Naoki Prize sa 143rd edition ng naturang literary award sa parehas na taon.

A gentle, nostalgic perspective of the refined middle-class life

Sa loob ng 336 na pahina, sinusundan ng nobela ang kwento ni Taki Nunomiya, isang live-in housemaid na nagtatrabaho sa pamilya Hirai sa isang European-style na bahay na may kulay pula at hugis tatsulok na bubong sa Tokyo. 

Inaalala ni Taki ang mga panahong kasama nito ang mga miyembro ng pamilya noong unang bahagi ng Showa era (1926–89) kung saan tumataas na ang tensyon ngunit hindi pa ito pangkalahatang nasa estado ng giyera.

Kaabang-abang din ang huling bahagi ng nobela na magsisiwalat sa isang malaking sikreto pagkatapos pumanaw ni Taki, na magbubunsod sa mga mambabasa na makaramdam ng pagkagulat at gugustuhing balikan ang emosyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.

Nagkaroon na rin ng film adaptation ang nobela na parehas ang pamagat noong 2014 sa direksyon ni Yoji Yamada at tampok sina Takako Matsu, Haru Kuroki, Hidetaka Yoshioka, Satoshi Tsumabuki, Chieko Baisho, at Takataro Kataoka.

Itinampok ang pelikula sa 64th Berlin International Film Festival kung saan ginawaran si Haru Kuroki ng Silver Bear – Best Actress.

Master of style and technique

Ayon kay Ian McDonald, isa sa mga naging translators ni Nakajima, ang klase ng pagsusulat niya ay inilarawan nitong “deceptively simple prose.” At karamihan sa kanyang mga karakter at lokasyon naman ay base sa sariling karanasan – pangangalaga sa isang magulang na may dementia sa “Nagai owakare” (A Long Goodbye, 2015) at pakikitungo sa isang nakababatang kapatid sa “Kirihatake no endan” (2010).

Ipinanganak sa Suginami, Tokyo noong 1964 sa mga magulang na propesor at translator ng French literature sa Chuo University at Meiji University. Nagtrabaho siya bilang editor sa isang publishing firm hanggang sa naglagi siya sa Amerika ng isang taon bago bumalik sa bansa noong 1997 at nag-umpisang maging freelance writer.

Taong 2003 nang ilunsad niya ang kanyang debut novel sa “Futon” na base sa modern classic ni Katai Tayama na parehas ang pamagat at naging nominado ito sa 2003 Noma Literary New Face Prize.

Nasundan ito ng dalawang nobela at anim na short story collections bago siya nakatanggap ng grant para sa International Writing Program mula sa University of Iowa Center for Asian and Pacific Studies.

Pagkatapos manalo sa Naoki Prize 2010, sunud-sunod ang parangal na natanggap ni Nakajima para sa Izumi Kyoka Prize 2014 (When My Wife was a Shiitake), Shibata Renzaburo Prize 2015 at Kawai Hayao Story Prize 2015 (One-Horn), at Chuo Koron Literary Prize 2015 (A Long Goodbye).

Kabilang din sa kanyang mga obra ang “Ito no koi” (Ito’s Love, 2005), “Heisei dai-kazoku” (One Big Family in the Heisei Era, 2008), “Pasutisu: Otona no Arisu to Sangatsu Usagi no ochakai” (Pastis: A Grown-Up Alice and the March Hare Have Tea, 2016) at selected works nito sa English na “Go, Japanese!” (Granta 114, March 2011), “Things Remembered and Things Forgotten” (Granta 127, April 2014) at “When My Wife Was a Shiitake” (Words Without Borders, March 2015).

Regular naman na mababasa si Nakajima sa opinion essays nito ukol sa kultura at pulitika sa Mainichi Shimbun.





Linggo, Oktubre 7, 2018

English edition of Haruki Murakami’s newest novel ‘Killing Commendatore’ is coming to bookshelves this October


Ni  Jovelyn Javier


“A tour de force of love and loneliness, war and art — as well as a loving homage to “The Great Gatsby” — “Killing Commendatore” (Kishidancho Goroshi) is a stunning work of imagination from one of our greatest writers.”

Nagbigay ng unang sulyap kamakailan ang The New Yorker sa website at magazine issue nito ng isang bahagi ng pinakabagong nobela na inaabangan ngayong tagsibol mula sa internationally acclaimed bestselling author na si Haruki Murakami – ito ay pinamagatang “The Wind Cave.”

Nakatakdang ilunsad ang English edition ng naturang nobela ngayong darating na Oktubre 9 ng New York-based publisher na Knopf Doubleday. Mula sa pagsasalin nina Philip Gabriel at Ted Goossen, design cover ni Chip Kidd; ito ay binubuo ng 704 na pahina (hardcover).
Kasabay naman na ilalabas ang ebook at audiobook versions sa parehas na araw, samantalang ilulunsad naman ang paperback nito sa Oktubre 30.

A circle of mysterious circumstances

“There are three types of emotional wounds: those that heal quickly, those that take a long time to heal, and those that remain with you until you die.”

Ito ang pagsasalarawan ni Murakami sa The Wind Cave sa panayam ng The New Yorker,  kaugnay ng pangunahing character-narrator ng nobela habang tinatalakay nito ang mga alaala niya mula sa kanyang kabataan kasama ang nakababatang kapatid na babae na si Komi at ang biglaang pagpanaw nito.

Dagdag pa ng manunulat, “I think one of the major roles of fiction is to explore as deeply and in as much detail as possible the wounds that remain. Because those are the scars that, for better or for worse, define and shape a person’s life. And stories – effective stories, that is – can pinpoint where a wound lies, define its boundaries (often, the wounded person isn’t actually aware that it exists), and work to heal it.”

Sentro ng nobela ang isang thirty-something na lalaking portrait painter mula sa Tokyo, iniwan ng asawa at humantong sa isang mountain home ng isang bantog na artist na si Tomohiko Amada.

Dito ay madidiskubre niya ang isang nakatagong painting, at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay magbubukas ito ng mga misteryosong kaganapan. Para maisara niya ito, kinakailangan niyang kumpletuhin ang isang paglalakbay na may kaugnayan sa iba’t ibang bagay at tao sa kanyang paligid.

Relentless echoes and homages to other works

Kilala si Murakami sa mga reperensiya niya ng iba’t ibang klase ng obra na makikita sa kanyang mga nobela. At dito sa Killing Commendatore, tampok naman ang “Alice’s Adventures in Wonderland” ni Lewis Carroll, “The Great Gatsby” ni F. Scott Fitzgerald, at mga opera na “Don Giovanni” ni Wolfgang Amadeus Mozart kung saan hango ang pamagat nito at “Bluebeard’s Castle” ni Béla Bartók.

Dagdag naman ni Murakami sa The New Yorker, sa panayam ni Deborah Treisman, ang orihinal na inspirasyon ng nobela ay tunay na nagmula sa “Tales of Spring Rain” (Harusame Monogatari), isang koleksyon ng 10 kwento noong Edo period na obra ni Akinari Ueda.

Aniya, tungkol ito sa isang mummy na muling nabuhay. Bahagi ang koleksyon na ito ng “yomihon” genre (described as moralistic, with few illustrations, more text emphasis, characters of witches and fairy princesses) ng literaturang Japanese, na itinuturing na isa sa mga pangunahing kontribusyon ng Japan sa pangkalahatang early modern literature.

“For a long time, I’d been thinking of expanding that story into a full-length novel. I’d also been wanting to write something that would serve as a homage to The Great Gatsby,” ang pagtatapos ni Murakami sa panayam.

Nakatakda naman na dumalo si Murakami sa The New Yorker Festival sa Oktubre 6 para sa isang diskurso kasama si Treisman.