Sikat
na destinasyon ang La Union lalo na kapag summer para sa mga gustong mag-beach,
mag-surfing o kaya mag-relax sa presko at malamig na tubig ng mga matatayog na
talon. Subalit, hindi na lang ang mga ito ang pwedeng ma-enjoy tuwing summer
dahil nariyan din ang mga grape farms sa Bauang.
Kadalasang
iniisip na ang mga grape vineyards ay matatagpuan lamang sa mga malalamig na
lugar sa Europe at America; ngunit ngayon ay hindi na kailangang lumayo pa.
Bagaman nitong 2014 lamang nang unang lumawak ang kaalaman ng publiko sa matagal
nang presensiya ng mga vineyards sa La Union, unti-unting nakagawa ng pangalan
ang La Union bilang “grape capital ng Pilipinas.”
Lomboy Farms
Itinuturing
na kauna-unahang grape farm sa bansa ang Lomboy Farms na pinangangasiwaan ng
binansagang “Philippines’ King of Grapes” na si Avelino Lomboy na sinimulan
niya noong 1972.
Matatagpuan
ito sa Barangay Urayong sa Bauang, La Union na nagsimula lamang sa pamamagitan
ng 20 grape cuttings na galing Cebu na itinanim sa 25-ektaryang lupain. Ngayon,
may 3,000 square meters na ang lawak ng vineyard at hindi na lang mga ubas ang
inaalagaan dito kundi pati na rin ang guapple at dragon fruit.
Aniya,
mas matatamis ang mga ubas tuwing tag-init kaya naman pinakamainam ang dumalaw
dito sa pagtatapos ng Marso hanggang Mayo para siguradong matatamis ang mga
ubas na mapipitas.
Mayroon
ditong Php100 na entrance fee at Php350 ang grape-picking kada kilo. Maganda
rin itong pagkakataon para masuportahan ang agri-tourism sa pagtangkilik ng mga
produktong gawa sa ubas at guapple gaya ng grape wines at jams, gayon din ang
iba pang produkto ng mga taga-La Union para sa iuuwing souvenir at pasalubong.
Bukas
ito mula Lunes-Sabado (7am-4pm) at Linggo (7am-3pm). Maaari nang mag-reserve ng
slots at group tours sa Lomboy Farms, makipag-ugnayan lamang sa Lomboy Farms
Facebook paage o tumawag sa (072) 705-2105.
Gapuz Grapes Farm
Tinatawag
na “The Porch Life” ang Gapuz Grapes Farm na pinayabong ni Joe Gapuz noong 2010
at nagmula naman sa Lomboy ang kanilang unang cuttings. Bukas ito 7am-6pm
araw-araw at pwedeng kontakin ang farm sa kanilng Gapuz Grapes Farm Facebook
page at sa numerong 0915-778-4594.
Wala
ritong entrance fee ngunit kung nais kumuha ng larawan sa vineyard ay mayroong
Php20 fee at Php250 bawat kilo naman ang ubas na maaaring bilhin o kaya ay pitasin.
Makakabili rin dito ng mga grapes cuttings, nariyan din ang farm consultation,
demo at seminars sa farm.
Swak
naman ang sumali para sa mga mahihilig kumain sa boodle fight na isa rin sa
patok na dinadayo rito sa Gapuz Grape Farm. Para sa 10 katao ay may bayad itong
Php1, 500.
Calica Grapes Farm
Unang
makikita naman ang Calica Grapes Farm pagdating sa Bauang-Caba boundary arch at
malapit sa kalsadang patungo sa isang
baybayin. Pinapangasiwaan ito ng mag-amang Virgilio at Jenee Calica na
nagsimula noong 2010.
Bukas
din ito araw-araw mula 6am-7pm at walang entrance fee. Bagaman ang harvest
season ay nagaganap tatlong beses sa isang taon, maiging magtanong sa farm sa
pamamagitan ng kanilang Calica Grapes Farm LaUnion Facebook page o tumawag sa 0907-905-0303.
Manguerra Grapes Farm
Matatagpuan
naman kalapit ng Gapuz ang Manguerra Grapes Farm na bukas sa publiko araw-araw
mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-sais ng hapon. Makipag-ugnayan para sa inyong pagbisita sa
Manguerra Grapes Farm Facebook page o sa 0909-446-0152/0907-858-6784.
Mula
Maynila, mag-bus (Partas, Florida o Fariñas) na biyaheng Laoag o
Vigan. Apat hanggang anim na oras ang biyahe at may pamasahe mula Php401-Php450
at bumaba sa boundary arch ng Bauang at Caba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento