Lunes, Abril 10, 2017

10 restaurants mula Japan at PH, pasok sa Asia’s 50 Best Restaurants

Ni Florenda Corpuz


Napanatili ng Gallery Vask in ang titulong “The Best Restaurant in the Philippines.” 
(Kuha mula sa Asia’s 50 Best Restaurants 2017, sponsored by S.Pellegrino & Acqua Panna)

Inanunsyo na ang Asia’s 50 Best Restaurants 2017 na inisponsoran ng S.Pellegrino & Acqua Panna kung saan kabilang ang 10 restaurants mula sa Japan at Pilipinas sa isang awards ceremony na ginanap sa W Hotel sa Bangkok, Thailand kamakailan.

Siyam dito ang mula sa Japan: Ang Tokyo-based Narisawa na nasa ika-anim na pwesto at nananatiling best Japanese restaurant sa limang magkakasunod na taon; Nihonryori RyuGin sa ika-pitong pwesto, Den sa ika-11, L’Effervescence sa ika-12, Florilège sa ika-14, Quintessence sa ika-18, Sushi Saito sa ika-26, Hajime sa ika-34 at Takazawa sa ika-50.

Nakapasok din ang Gallery Vask sa Maynila sa ika-35 na pwesto at napanatili ang “The Best Restaurant in the Philippines” na titulo.

Itinanghal na Asia’s Best Pastry Chef si Kazutoshi Narita na pinaghusay ang galing sa mga restaurants ng Joël Robuchon sa New York, Las Vegas at Tokyo. Sa kabubukas pa lamang na Esquisse at Esquisse Cinq sa Tokyo, pinagsama niya ang “delicate artistry of Japanese cuisine with the nuances and creative flair of French pâtisserie.”

Napanalunan naman ng Den, Tokyo ang kauna-unahang Art of Hospitality Award Asia.

“Rising 26 places to No.11, Den delights in surprising and entertaining its guests, making it a worthy recipient of the inaugural Art of Hospitality Award in Asia. The approach is playful, personable and inventive, reflecting the personality of Den’s chef-owner, Zaiyu Hasegawa,” pahayag ng mga organizers ng Asia’s 50 Best Restaurants.
           
Ang listahan ay ginawa mula sa mga boto ng Asia’s 50 Best Restaurants Academy, isang maimpluwensiyang grupo na kinabibilangan ng may mahigit sa 300 lider sa restaurant industry sa Asya. Ang panel sa bawat rehiyon ay binubuo ng mga food writers at critics, chefs, restaurateurs at nirerespetong ‘gastronomes’.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento