Inilunsad kamakailan ang opisyal na pagpapakilala sa
mas modernong edisyon ng makasaysayang Nokia 3310 sa taunang Mobile World
Congress (MWC) sa Fira de Barcelona, Spain na isang global exhibition ng mga
pangunahing manufacturers sa mobile industry.
Agaw-eksena ang pagbabalik ng tinaguriang “greatest
phone of all time” na unang inilunsad
noong Setyembre 1, 2000, 17 taon na ang nakakaraan simula nang baguhin ng
naturang handset ang mobile phone industry.
Nakabenta ang 12th
bestselling phone model in history ng mahigit sa 126 milyon na units sa halagang £129.99 hanggang sa naging phased-out nito noong 2005.
Una itong mabibili sa United Kingdom ngunit wala pang
siguradong petsa bagaman may mga balitang lalabas ito sa Mayo.
A modern classic
reimagined
Ipinasilip din ang bagong Android at HD screen,
aluminum-designed smartphones – Nokia 6 (5.5-inch screen, Dolby Atmos, double
speakers), Nokia 5 (5.2-inch screen, octa-core
Qualcomm Snapdragon 430 processor) at Nokia 3 (5.0-inch screen, 8MP wide
aperture cameras) na may
presyong mula €139 to €299.
“Our new
Android Nokia smartphone portfolio, together with the return of the iconic
Nokia 3310, is a real statement of our ambition and commitment to honoring the
hallmarks of a true Nokia phone experience,” pahayag ni Pekka Rantala, Chief
Marketing Officer ng Nokia’s exclusive licensee HMD Global.
Maliban
sa €49 selling price at bagong disenyo, mas magaan at mas matibay na rin ito at
siyempre may bagong bersyon ng paboritong Snake game. Nariyan din ang large
color display, month-long standby time, 2MP rear camera with LED flash,
micro-USB port, 2.4-inch curved window (with polarized layer for better
readability in sunlight), headphone jack, dual-sim, 2G connectivity, all-new
user interface, 22 hours talk time, 16MB storage, MicroSD slot, FM radio, at
MP3 player.
Apat na
kulay ang pagpipilian, ang gloss finish na warm red at yellow at matte finish
na dark blue at grey.
The icon is back
“The
latent nostalgia for the 3310 is backed up by a practical functionality which
makes it the perfect device for a wide variety of people. As an affordable and
robust product, with a legendary battery life, we are expecting many customers
to see this as the ideal secondary handset, and perfectly suited to moments
like festivals and travelling, where reliable simplicity is at a premium.” - Andrew
Wilson, UK Buying Director – Mobile at Carphone Warehouse.
Dagdag
pa nito, nakakamangha ang pre-registration levels ng handset na 10 beses na mas
marami sa anumang devices na inilunsad sa MWC na naibenta ng retailer.
Pumangalawa
rin ang Nokia 3310 sa dami ng mobile-related online search ayon sa Hitwise. At
ayon pa sa eBay UK, halos 5,000 units ng unang Nokia 3310 ang naibenta na sa
website sa nakaraang tatlong buwan.
Humina
man sa developed economies, nananatili ang kasikatan nito sa rising markets dahil
sa user-friendly/competitively-priced feature phones.
Iniisip ngayon kung bubuksan ba ng HMD ang back
catalogue ng marami pang kilalang Nokia feature phones para i-relaunch sa mga
susunod na taon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento