Lunes, Abril 10, 2017

10,000 Roses Café, bagong atraksyon sa Cordova, Cebu


May bagong paboritong destinasyon na dinudumog ng mga tao ngayon na matatagpuan sa Cordova Tourism Center sa Barangay Day-as sa munisipalidad ng Cordova, Lapu-Lapu City, dahil sa kakaibang atraksyon nito, ito ang 10,000 Roses Café na ipinasilip sa publiko nitong Pebrero at nag-grand opening ngayong Marso lamang.

Kung namamangha ka sa mga naggagandahang winter illuminations sa Japan at South Korea, ngayon may sariling bersyon na rin ang Cebu sa 10,000 Roses Café kung saan makikita ang 10,000 LED roses papunta sa dalawang palapag na café.

May tatlong talampakan ang taas ng mga LED roses at sumasabay sa kumpas ng simoy ng dagat at pinapailawan pagpatak ng alas-sais ng hapon. May roof deck din ang café na magandang pwesto para mapagmasdan ang Cordova mangrove forest at pabago-bagong skyline ng Metro Cebu sa pagpatak ng paglubog ng araw at sa gitna ng kumikinang na LED roses sa iyong paligid.

Tila ay binabati ka naman ng malaking white flower piece na nakalagay sa pader ng café at nakaharap sa 10,000 roses na lalo pang nagpapakinang sa buong lugar.

Symbol of pure love

“My intention was to create a romantic place. The roses are white because it symbolizes purity. A place where they can experience, begin and end their love story,” ang pahayag ni Miguel Cho, may-ari ng café, isang interior designer at stepson ni Cordova Mayor Mary Therese Sitoy-Cho. Siya rin ang nagdisenyo ng mga muwebles ng modern-industrial café.

Aniya, nagmula ang inspirasyon sa sikat na Dongdaenum Design Plaza sa kanyang home country na South Korea kung saan matatagpuan ang 25,000 LED roses na madalas ay naitatampok sa mga Korean dramas.

Kung malaking ngiti ang dala nito sa mga Cebuano, sobrang natutuwa rin si Cho sa malaking suporta na patuloy nitong natatangap.

Plano rin ng designer na maglagay ng bakuran para kagaya sa Paris, South Korea at New York ay magkakaron na rin ang bansa ng romantic pilgrimage kung saan nag-iiwan ng mga love locks bilang testamento ng pagmamahalan.

Endless fields of white blooms

May tatlong kilometro mula sa Lapu Lapu City main road, 45 minute-drive mula sa SM City Cebu at 30 minuto mula sa Mactan International Airport bago masilayan ang garden of roses. Katabi rin ito ng Lantaw Floating Restaurant.

Mula sa SM City Cebu terminal, sumakay ng van papuntang Cordova (Php35 each) at bumaba sa Cordova Grandmall. Mula dito,mag-traysikel (Php10 each) papuntang Lantaw. Pwede rin mag-taxi sa presyong Php250-300 para sa apat na tao.


Pinakamagandang pumunta dito kapag dapit-hapon para tikay na mas kaaya-aya ang karanasan sa 10,000 Roses Café, na isa na naman sa ipinagmamalaki ng Cebu.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento