Kuha mula sa NOAH Official Facebook page |
Kilala ang Ilocos Sur sa pagiging heritage site nito
na hinirang pa sa New7Wonder Cities. Sa kabila ng modernisasyon ay napapanatili
ang tradisyonal na kultura sa kapaligiran nito. Marahil sa maraming
taga-siyudad, Vigan lamang ang madalas na naririnig ngunit higit pa sa Spanish
colonial architectures, bagnet, at longganisa – may ibubuga pala ang bayan ng
Ilocos Sur sa extreme sports at outdoor adventure sa pamamagitan ng Narvacan
Outdoor Adventure Hub (NOAH).
Isang malaking kapatagan ang Narvacan na
pinapaligiran ng mga bulubundukin at malapit sa West Philippine Sea. Isa rin
ito sa pinakaunang sentro ng kalakalan sa North Luzon na nadiskubre noon ni
Spanish navigator Juan de Salcedo.
Extreme sports hub of the Philippines
Taong 2012, mula sa ecotourism development sa
pangunguna ni Mayor Zuriel Zaragoza ay ginawa itong bagong sentro ng adventure
tourism dahil sa kagila-gilalas na Bantay Abot na may taas na 1,000 talampakan
at tatak nito ang malaking butas mula sa taas ng bundok.
Pinangalanan niya ang adventure camp na Narvacan
Outdoor Adventure (NOAH) at nagsimula sa paglulunsad ng mahigit 500 metrong
zipline na may bilis na 40/kph o 50 segundo sa parehas na taon. Mabilis nitong
nakuha ang atensyon ng mga adrenaline junkies sa loob at labas ng bansa, at
noong 2015 ay idinaos ang 3-day Fiesta Del Mar (Festival of the Seas) kung saan
nagkaroon ng kumpetisyon sa beach volleyball, soccer, paragliding at bikathon.
“We want
the world to know that there’s more to experience in Ilocos Sur apart from
cultural tourism—and that is through Narvacan’s new ecotourism and extreme
adventure site,” ang pahayag ni Zaragoza.
Ngayon, ang Bantay Abot ang nagsisilbing take-off point para sa
paragliding event at mamamalas mula sa ere ang “only in the Philippines” na
tanawin ng Narvacan coastline, mga burol at palayan ng buong Ilocos Sur.
Ayon kay Randell Buko Raymundo, NOAH paragliding consultant/ air sports
specialist – Air Sports Adventure Philippines (ASAP), pinapayagan lamang
mag-paraglide kapag nasa 10-20/kph ang hangin para ‘di gaanong malakas o mahina
para makatagal sa ere. Dagdag pa nito, ‘di kailangang sobrang taas ng launch
pad at pwede na ang 10-15ft (from the ground).
Paborito rin ang Via Ferrata (Iron Road) na isang 300-meter vertical
climb (rock climbing, trail walking, surveying) sa mababatong burol ng
Narvacan. May harness at steel cables na nakasuporta para maakyat ito hanggang
taas at bababa naman sa paraan ng pag-zipline o rappelling.
Perfect fusion of elements
Ayon kay Jose Cuerdo, business development manager – NOAH, sinisimbolo
ng mga outdoor activities ng NOAH ang kumbinasyon ng apat sa classical elements
– earth (mountain, hills), wind (ocean breeze), fire (engine from all-terrain
vehicles), at water (windsailing).
Mayroon din parasailing, downhill bike circuit, all-terrain vehicles
(AVT) race track sa Narvacan sand dunes, 4x4 tour, hobie cat (with
pilot/sailing intro), kite surfing, kayaking, at windsurfing. Nagsisimula ang
rates sa Php800 – 2,500.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento