Kuha mula sa Vincent Callebaut Architectures |
“The city is like an
ecosystem, the centre is like a forest, and the tower is like an inhabited tree.”
Ito ang pahayag ng
Vincent Callebaut Architectures patungkol sa disenyo nito ng Tao Zhu Yin Yuan
Tower. Nagsimula ang konstruksyon noong 2013 at nakatakdang matapos sa darating
na Setyembre at matatagpuan sa Songyong Road, Xinyi district sa Taipei.
Kahanga-hanga ang disenyo
ng skyscraper sa kanyang 90-degrees spiral twist style mula sa baba hanggang sa
tuktok nito na ayon sa head architect nitong si Vincent Callebaut ay hango sa
double helix ng DNA.
Dagdag pa ni Callebaut sa
isang panayam ng CNN, ang proyekto ay kumbinasyon ng Western at Oriental na
teknolohiya at kultura. Aniya, ang istruktura ng DNA ang pinagmulan ng buhay at
sinisimbolo rin ang pagkakaisa at enerhiya, na isa namang repleksyon ng
ultimate balance mula sa pilosopiya ng Taiji.
The
perfect fusion of landscape, architecture and sustainability
“The Retreat of Tao Zhu”
ang literal na kahulugan ng Tao Zhu Yin Yuan ngunit tinatawag din na Agoda
Tower ang residential complex, na mapapalibutan ng 23,000 na puno at halaman
mula sa pundasyon, harapan, balkonahe, hanggang sa bubong ng tower at maging sa
loob nito.
Makakasipsip ang mga puno
ng 130 tonelada ng carbon dioxide emissions bawat taon sa Taipei na katumbas ng
tinatayang 27 sasakyan. Ayon sa datos ng International Energy Agency,
nakapaglabas ng mahigit sa 250 milyong tonelada ng CO2 ang Taiwan noong 2014.
Bagaman hindi nito mareresolba ang smog sa buong Taiwan, magandang hakbang ito
para malabanan ang global warming.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento