Linggo, Abril 9, 2017

‘Banyuhay’: Buwan ng Panitikan ng Filipinas ipagdiriwang sa buong Abril

Aiza Seguerra, Virgilio Almario, Katarina Rodriguez

Pinamagatang “Banyuhay” ang tema ng ikatlong edisyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas (National Literature Month) na nakatakdang simulan sa bansa mula Marso 31 hanggang Abril 29, at pinangungunahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), kasama ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at National Book Development Board (NBDB). 

Ang salitang Banyuhay ay tumutukoy sa isang malaking pagbabagong-anyo ng isang tao o bagay. Sa Ingles, maihahalintulad ito sa kahulugan ng “transformation” o “metamorphosis.” 

Akmang-akma ang temang ito para mabigyang-diin ang kahalagahan ng tungkulin ng literatura sa iba’t ibang aspeto sa lipunan – “literature, a creative endeavor, is also a vital instrument in political and social institutions to help citizens evaluate and implement right and necessary changes – a force that shapes life and everyday living.”

Championing the arts

Ngayong taon, napiling kinatawan si award-winning singer-songwriter Aiza Seguerra, na kasalukuyan ay chairperson din ng National Youth Council (NYC) para sa promosyon at aktibidades ng pagdiriwang.

Nagtapos ng kursong Fine Arts and Design mula sa Univesity of Santo Tomas (UST), may kasanayan si Seguerra tungkol sa sining maliban sa kanyang estado bilang nirerespetong mang-aawit at kompositor sa industriya ng musika.

Hinihikayat niya ang mga kabataan na ihayag ang kanilang sarili at mga saloobin sa kahit anong aspeto ng sining, lalo na sa pamamagitan ng pagsusulat. Dagdag pa nito, ang pagiging totoo ang sarili ay isang malaking ehemplo ng tunay na kalayaan.

“The NCCA is doing this endeavor not only to pay tribute to our country’s literary giants but to try shifting the consciousness of the young generation towards these ‘heroes’ who are worth immortalizing through monuments and literary reorientations,” ang pagbabahagi naman ni NCCA Chairman Virgilio Almario sa ginanap sa press conference kamakailan.

A feast of arts, literature and culture

Makikita sa Performatura Festival – “Sa Loob at Labas ng Bayan Kong Sawi” (quote from Florante at Laura) / Marso 31 – Abril 2  na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at Liwasang Balagtas, Pandacan, Maynila ang oral literature performance, film showing, pagbabasa ng tula, teatro, mini book fair, cosplay contest, Balagtas marathon readings. Bukas at libre ito sa publiko, kailangan lang magdala ng libro (entry pass) bilang donasyon sa Aklatang Bayan.

Tinaguriang Francisco “Balagtas” Baltazar Day naman ang Abril 2 bilang pagpupugay sa ika-229 na kapanganakan ng makatang Filipino, gayon din ang komemorasyon ng iba pang literary artists – Emilio Jacinto, Paciano Rizal, Nick Joaquin, Bienvenido Lumbera, at Edith Tiempo.


Nakatakda naman sa Abril 27 at 28 ang 8th Philippine International Literary Festival at panghuli ang National Writers Congress – “Ang Panitikan sa Panahon ng Tokhang” ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) sa Brother Andrew Gonzalez Building, De La Salle University Taft. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento