Anim sa top 10
highest-grossing Japanese films ng 2016 ay mga animated films at isa rito ang critically-acclaimed na “Koe no Katachi”
(A Silent Voice: The Movie) ng Kyoto Animation sa direksyon ni Naoko Yamada, na
film adaptation ng award-winning manga ni Yoshitoki Ōima at tumabo sa
takilya na nasa ¥2.3 bilyon sa Japan box office.
Mula rin
ito kay Reiko Yoshida (script), Futoshi Nishiya (character design) at Kensuke
Ushio (music) at mula sa distribusyon ng Shochiku. Theme song naman nito ang
“Ai wo Shita no wa” (Loving Is) ni AIKO.
Powerful and emotional
Sentro ng kwento sina Shōya Ishida (Miyu Irino) at deaf
transfer student Shōko Nishimiya (Saori Hayami)
na nagkakilala sa elementarya. Dahil sa pagkakaiba ni Shōko, ‘nanguna sa
pangungutya si Shōya at mga kaibigan nito hanggang sa umabot sa
paglipat ni Shōko ng eskwelahan.
Biglang
nagbago ang kapalaran nang tinalikuran si Shōya
ng mga kaibigan at sa kanya nabaling ang pang-aapi ng mga ito. Naging ilang
siya sa mga tao at nagpasyang walang kwenta ang pagkakaroon ng mga kaibigan
hanggang sa muli silang magkita ni Shōko.
Tinatalakay
nito ang ilang sensitibo at napapanahong paksa – self-worth, suicide, bullying,
guilt, relationships, disabilities, communication, at isolation, coming-of-age,
na isang matapang na tema para sa isang animated feature film.
Sa
kwento nina Shōya at Shōko, mabibilang ang
mga pagkakataon sa buhay na may makikilala kang tao na magpapadiskubre sa’yo ng
mga bagong bahagi ng pagkatao mo, bagong pananaw, at bagong karanasan.
Ano nga
ba ang kinakailangan para tatangapin ka ng mundong ‘di ka naririnig at paano mo
matutubos ang iyong sarili mula sa isang malaking pagkakamali?
The
onset of new animation generation
Pinarangalan
ito bilang Excellent Animation of the Year sa 40th Japan Academy
Prize at Anime of the Year (Film Category) sa Tokyo Anime Award Festival.
Ngayon,
sa labas naman ng Japan ito mamamayagpag dahil ipapalabas na ito sa United
Kingdom mula sa Anime Limited simula Marso 15 bagaman nauna na siyang
ipinalabas sa Scotland Loves Anime Film Festival noong Oktubre at nitong
Pebrero sa London ICA.
Susunod
ang Taiwan (Marso 24), Australia at Hong Kong (Abril 6), at New Zealand (Abril
16).
Nakuha
naman ito ng Viz Media Europe para sa European Union, Russia, Turkey, at
French-speaking African countries at sa Pilipinas ng Pioneer Films ngunit wala
pang opening dates.
Sa 30 bansa ito nakatakdang ipalabas kabilang
ang mga nabanggit, gayon din sa Singapore, Malaysia at Brunei ayon sa official
website nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento