Gugunitain ng Sanrio
Puroland, na kilala rin sa tawag na Hello Kitty Land Tokyo, ang ika-45
anibersaryo ni Hello Kitty sa pamamagitan ng mga serye ng selebrasyon ngayong
2019. Sisimulan ang pagdiriwang kasabay nang paglulunsad ng “Sweets Puro,” ang
unang seasonal event ng theme park para sa taon.
Nagsimula ang
pagdiriwang ng Puroland noong Enero 12 pati rin ng sister park nito na
Harmonyland.
May konseptong “My First
Kitty,” iniimbitahan ang mga Hello Kitty fans para sa isang memorable Hello
Kitty experience.
Sa pagbubukas pa lamang
ng theme park ay may pagkakataon na silang makilala at mabati si Hello Kitty sa
Lady Kitty House na napapalamutian ng mga kulay rosas at lila. Mayroon din mga
special anniversary rosettes na idinisenyo sa 45 popular na makasaysayang Hello
Kitty styles mula 1974 hanggang 2017.
Iikot naman sa temang
“Sweet and Strawberries” ang Sweets Puro na tatagal hanggang Marso 12. Popular
ang strawberry picking sa Japan sa pagitan ng mga buwan ng Enero at Mayo.
Mayroon din bagong
illumination show tampok ang kulay rosas. Tatawagin itong “Ichigo Ichie” na ang
ibig sabihin ay “once in a lifetime” at galing din sa salitang “ichigo,” na
nangangahulugang strawberry sa salitang Hapon. Para markahan ang event ay
magsusuot ang karamihan sa mga karakter sa Puroland ng mga strawberry costumes.
Marami rin makikitang
anniversary photo spots sa loob ng theme park tulad ng strawberry carriage na
napapalamutian ng mga regalo para kay Hello Kitty. Makakapagpalitrato rin ang
mga Hello Kitty fans sa Puroland Lady Kitty House photo studio kasama si Hello
Kitty habang suot ang kanyang special 45th anniversary robe na
nababalutan ng flower petals.
“Hello Kitty has been
spreading joy for 45 years amongst an ever increasing fan base covering all age
groups,” ani Kentaro Kawai ng Sales Department ng Sanrio Entertainment Co.
Ltd., ang operator ng Puroland.
“We are grateful to all
fans and visitors and want them to have a wonderful and uplifting experience at
Sanrio Puroland and to feel being a part of the spirit of this celebration
which is only possible because of them,” dagdag niya.
Mararating ang Puroland 30
minuto sa pamamagitan ng train mula sa Shinjuku at isang oras naman mula sa
Tokyo Station. Nagkakahalaga ang
ticket ng ¥3,300 para sa mga matatanda at ¥2,500 para sa mga bata tuwing Lunes
hanggang Biyernes habang nasa ¥3,800 para sa mga matatanda at ¥2,700 para sa
mga bata tuwing Sabado at Linggo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento