Ni Jovelyn Javier
“I believe this play can be relatable in any city, because when the
country develops and middle-income people are increasing, they always have the same
kind of problem - like women have to work or a mother or with family, who’s
gonna take care of the aging parents; so all these kind of problems that we
showed are relatable to whatever kind of city we do the play.”
Ito ang ibinahagi ni internationally acclaimed Japanese
playwright-director at Seinendan Theater Company founder Hirata Oriza sa isang
talk session pagkatapos ng isang pagtatanghal ng “Manila Notes” – ang Filipino
adaptation ng kanyang award winning play na “Tokyo Notes.”
A fitting finale presentation
by an ensemble cast
Itinanghal ang Manila Notes, na mula sa pagsasalin ni
Palanca Hall of Famer Rody Vera, bilang 32nd season production ng Tanghalang
Pilipino (TP) na kolaborasyon nito sa Cultural Center of the Philippines (CCP)
at Japan Foundation, Manila.
Tampok sa naturang dula sina dating TP artistic
director Dennis Marasigan, PETA actress Meann Espinosa, TP Actors Company
alumna Mayen Estanero, Jonathan Tadioan, Marco Viaña, Lhorvie Nuevo, Antonette Go, Joshua Tayco, at Manok Nellas
(TP Actors Company), at mga university theater arts alumna na sina Micah Musa
(University of the Philippines Los
Baños), Manuel Tinio
(De La Salle University), at Manjean Faldas (College of St. Benilde) na
personal na pinili ni Hirata.
Fragmentary conversations in
an art museum
“I would like to focus on the middle class, their
feelings of loneliness and dissatisfaction. In making this play for East Asia,
there’s the common theme about family. In the past, the eldest son took care of
the parents – everyone else knew their place. Nowadays, the familial
relationship has become more complicated – some people would carry burdens,
some with guilt, so there’s this conflict within the family.”
Ginaganap ang kwento ng Manila Notes sa isang art
museum sa Maynila kung saan makikita ang mga painting ng Dutch painter na si
Johannes Vermeer, pagkatapos ilipat ang mga ito mula sa Europa dahil sa isang
giyera sa rehiyon. Nakatakda ang dula sa taong 2034 kung saan isa nang
developed country ang Pilipinas at mas may kaya na ang middle class.
Sa museo ay makikitang nagtipun-tipon ang mga
miyembro ng pamilya Tenorio, mga magkaibigan at magkakilala na matagal hindi
nagkita, at mga magkasintahan na nag-uusap tungkol sa samu’t saring paksa.
Nariyan ang mga itinatagong ‘di pagkakasunduan ng mga
magkakapatid, sama ng loob ng isang maybahay, pamana, karera, pagpapakasal,
pag-ibig, hinaharap, sa pamilya at sa pangangalaga sa tumatandang magulang.
Mula sa backdrop ng malayong giyera, mabubunyag sa
mga pag-uusap ang klase ng pamumuhay ng mga Pinoy, mga problemang kinakaharap
nila at kanilang mga saloobin sa isang modernong lipunan.
A Yasujirô Ozu-inspired work, the
contemporary colloquial theater
“My idea was if his creation is “Tokyo Story” (1953)
then why not make something a step before the story, which is “notes” so it’s
Tokyo Notes. I stayed true to the structure of the story and depicted the
struggles or sadness that the ordinary Japanese go through on a daily basis.”
Itinuturing ang Tokyo Story ni Yasujirô Ozu na isa sa “greatest
films of all time” na tungkol sa isang ageing couple, sina Shukishi at Tomi at kanilang malayong paglalakbay para dalawin ang
kanilang dalawang malalaking anak sa Tokyo ilang taon pagkatapos ng giyera.
Dagdag pa ni Hirata, tila mala-dayuhang bagay ang
giyera sa isip ng batang henerasyon, layon ng dula na maiparating sa mga
manonood ang mga implikasyon ng isang giyera bagaman hindi man direktang
apektado.
“In the world of colonization, within that is a person
or people who are colonizing a group of people – that kind of relationship of
colonizer and colonized also exists in our daily lives.”
Taong 1994 naman ng inilunsad ang Tokyo Notes, na isang
“contemporary colloquial theater” na malayo sa istilo ng Japanese theater at
walang malaking pangyayari o hidden plots, sa halip ipinapakita ang ordinaryo
at pang-araw-araw na usapan na gaya sa totoong buhay.
Isinalin na sa 13 wika ang dula at nagkaroon ng adaptations sa Europe, U.S.,
Canada, France, at sa Asia – Seoul Notes (2004), Taipei Notes (2017) at Bangkok
Notes (2017).
Nakatakda naman gawin ang international version nito sa
susunod na taon at itatampok ang mga aktor mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento