Lunes, Pebrero 4, 2019

Japanese films, talents nominado sa 14 na kategorya sa Asian Film Awards


Ni Florenda Corpuz

Dumalo si Sakura Ando (pangalawa mula sa kaliwa) sa
 ika-30 Tokyo International Film Festival. (Kuha ni Din Eugenio)

Papangunahan ng 2018 Palme d’Or winning film na “Shoplifters” ang mga Japanese films at talents na nominado sa 13th Asian Film Awards na gaganapin sa TVB City sa Hong Kong sa Marso 17.

Nakatanggap ng anim na nominasyon ang nasabing pelikula kabilang ang Best Film, Best Director para kay Kore-Eda Hirokazu, Best Actress para kay Sakura Ando at Best Supporting Actress para kay Mayu Matsuoka, na nagsilbing 31st Tokyo International Film Festival ambassador.

Nominado naman sa Best Actor category si Koji Yakusho para sa pelikulang “The Blood of Wolves” na naging focus ng retrospective tribute sa 31st TIFF kasabay nang pagdiriwang nito sa kanyang ika-40 anibersaryo bilang aktor.

Kabilang naman si Shinichiro Ueda sa mga nominado bilang Best New Director para sa pelikulang “One Cut of the Dead,” isa sa biggest at longest-running hits sa Japanese box office noong nakaraang taon.

Magsisilbi naman bilang Celebrity Juror ang Academy Award at Tony Award nominee na si Ken Watanabe.

Ang AFA Academy o AFAA ay binuo ng TIFF katulong ang Hong Kong International Film Festival at Busan International Film Festival upang itaguyod ang Asian cinema at ang mga talento nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento