Binigyan ng arrival honors ng PCG
personnel si Admiral Yuji Sato,
commandant of JCG nang bumisita nito sa
headquarters ng PCG.
(Kuha
mula sa Philippine Coast Guard)
|
Nagsagawa ng joint exercise ang
Japan Coast Guard (JCG) at Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan ng
probinsiya ng Cavite upang mapalakas ang pwersa ng dalawang bansa laban sa pirate
at magnanakaw sa karagatan noong Mayo 6.
Nakibahagi sa 5th Joint Maritime
Law Enforcement (MARLEN) Exercise ang PCG at ang JCG vessel na PLH22 Yashima na
dumaong sa South Harbor ng Pilipinas noong Mayo 4.
“The event aims to further enhance
the capabilities of PCG and JCG to combat piracy and armed robbery at sea, to
acquire knowledge and skills in conducting airlift rescue operations, and to
established friendship and mutual understanding among the Heads of Asian Coast
Guard agencies specifically between JCG and PCG,” pahayag ng PCG.
Ang PLH22 Yashima ay may habang 130
metro at may bigat na 5,204 gross tons. Ito ay pag-aari ng Ministry of Land,
Infrastructure and Transport at naka-base sa Coast Guard Office sa Fukuoka.
Sa joint exercise, ginamit ng PLH22
Yashima ang mga assets nito tulad ng Bell 412 helicopter, rigid hull inflatable
boat for board at search and seizure procedure habang dineploy naman ng PCG ang
floating at air assets.
Nag-obserba sa drill ang mga pinuno
ng Asian Coast Guard Agencies na nasa Pilipinas mula Mayo 3-7 para daluhan ang
11th Heads of Asian Coast Guard Agencies-High Level Meeting na ginanap sa
Malate, Maynila.
Parehong may sigalot ang Japan at
Pilipinas laban sa China dahil sa agawan sa teritoryo sa East China Sea at
South China Sea.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento