Dalawang taon simula nang maganap ang trahedya sa Japan, partikular na sa Tohoku region, kung saan niyanig ang bansa ng lindol na may lakas na 9.0 sa Richter scale na sinundan ng malaking tsunami. Ito ang itinuturing na pinakamalagim na trahedya sa Japan pagkatapos ng ilang dekada.
Ayon sa ulat ng Japan National Police Agency, tinatayang nasa 15, 878 katao, 6, 126 ang sugatan at 2, 713 naman ang nawawala sa loob ng 20 prefectures. Bukod dito, ilang kabahayan at gusali ang gumuho kung saan umabot sa US$14.5 to $34.6 bilyon ang halaga ng danyos.
Ayon sa ulat ng Japan National Police Agency, tinatayang nasa 15, 878 katao, 6, 126 ang sugatan at 2, 713 naman ang nawawala sa loob ng 20 prefectures. Bukod dito, ilang kabahayan at gusali ang gumuho kung saan umabot sa US$14.5 to $34.6 bilyon ang halaga ng danyos.
Sa trahedyang ito, maraming
Pilipino ang lubhang naapektuhan ng insidenteng ito – bawat isa ay mayroong
istorya ng kalungkutan, pangungulila, pag-asa at muling pagbangon. Dalawa sa
kanila ay sina Lovely Pineda Ishii at Itou Charito Navalez.
Para
sa kapakanan ng pamilya
Nanginginig at
kinikilabutan pa si Lovely Pineda Ishii, tubong Davao, kapag inaalala ang
nangyari noong Marso 11, 2011. Sariwa pa sa kanya ang alaala ng araw na iyon
kung saan muntik nang mawala sa kanya ang bunsong anak na si Oubi. Halos kalalampas
lamang ng sinasakyang school bus ng pitong-taong-gulang na anak nang gumuho ang
dinaanang tulay.
Lovely Pineda Ishii |
Malapit lamang sa
nuclear plant sa Fukushima ang tinitirahan ni Lovely, hiwalay sa asawa, at may
tatlong anak kaya’t nang sinabi ng mga awtoridad na kailangan nilang lumikas ng
bahay ay agad itong nag-empake at pumunta sa evacuation center.
“Hindi na kami
pinapayagang tanggalin ang aming masks dahil sa mataas na rin ang radiation
count,” pahayag ni Lovely.
Ilang araw ng pagtigil
sa evacuation center, sumabog ang Fukushima plant kaya’t kailangan nilang
lumisan sa mas malayong lugar upang makaiwas sa panganib ng radiation. Napadpad
ang mag-iina sa Tamura, 40 kilometro, ang layo mula sa planta at pagkatapos ay
inilipat sila sa Aizuwakamatsu na mas ligtas na lugar.
Naawa si Lovely sa
kanyang tatlong anak na sila Yudai, 12, Daichi, 10, at Oubi, dahil sa isang
gymnasium sila nakatira kasama ang ilang daang katao.
“Naaalala ko noong
panahon iyon, sa “taikukan” o gymnasium kami nakatira at hindi naging madali lalo
na sa mga anak ko dahil halos isang komunidad ang kasama namin sa iisang bubong,”
dagdag pa ni Lovely.
Makaraan ang isang
taon, nagpasyang lumipat si Lovely sa Ichikawa, Chiba na sa tingin niya ay
makakabuti sa kanyang mga anak. Mas ligtas umano dito at mas malayo sa pangamba
kaya’t makapag-aaral ng mabuti ang kanyang mga anak ng walang takot.
Sa ngayon, inaatupag ni
Lovely ang kanyang negosyo na Loyds International Marketing Kabushiki Kaisha na
itinayo kamakailan lamang upang magbigay ng pangkalahatang serbisyo sa Filipino
communities sa Japan.
Kwento
ng pag-asa at pagbangong muli
Itou Charito Navalez at Bayanihan Kesennuma Flipino Community |
Hindi na mawawala ang
sakit at pait na idinulot ng trahedya kina Itou Charito Navalez at ng mga
kasamahang Pilipino. Nakatira at nagtatrabaho si Charito kasama ang 70 Pilipina
sa Kesennuma City, Miyagi Prefecture, kung saan 50% sa mga ito ay nagtatrabaho
sa fish factory na malapit sa dagat.
Matapos ang trahedya,
nawalan ng trabaho si Charito at mga kasama, na kasal sa mga Hapon, kaya’t
umaasa lamang sila sa binibigay ng mga taong may magagandang kalooban sa
kanila. Ang iba ay gusto nang umuwi ng Pilipinas ngunit sa huli ay pinili pa
rin pumirme sa lugar dahil nagkaroon na sila ng pamilya rito.
Buti na lamang ay
nakilala ni Charito at ng kanyang mga kasama ang ilang grupo ng simbahan at
asosasyon ng mga Pilipino na tumulong sa kanila sa pinagdadaanang suliranin.
Isa na rito ay ang Kesennuma Filipino Community na tumulong sa kanila na
magkaroon ng trabaho.
Sa loob ng ilang buwan,
binigyan sila ng grupo ng libreng pag-aaral at training para makakuha ng
lisensiya bilang isang caregiver at bilang English teacher ng mga batan Hapon.
Sa 34 Pilipina, isa si Charito sa nakapasa at nakakuha ng lisensiya bilang
unang caregiver sa Miyagi at sa 10 English teachers, isa rin siya sa mga
napili.
Hindi man kaagad
maibalik ang lahat ng nawala, unti-unti siya at ang kanyang mga kasama na bumabangon
at nagpupundar.
“Ang Panginoon ang lagi
naming gabay sa pang araw-araw naming
buhay. Ang mga bagay na nawala ay lagging may nakahandang kapalit para sa atin
mula sa Kanya. Kung kaya kailangang mahalin at pahalagahan ang mga biyayang
ibinigay sa atin dahil maaari itong mag-iwan ng mapait na alaala at pagsisisi
kapag ito’y nawala,” pagtatapos ni Charito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento