Lunes, Mayo 2, 2016

Shaquille O’Neal, Allen Iverson at Yao Ming, nanguna sa Hall of Fame Class 2016

Shaquille O'Neal

Pinangunahan nina Shaquille O’Neal, Allen Iverson at Yao Ming ang mga bagong pinangalanang miyembro ng Naismith Basketball Hall of Fame Class of 2016. Kabilang din sa mga napili sina Tom Izzo, Jerry Reinsdorf, at Sheryl Swoopes. Ginawa ang anunsyo sa Houston bago ang NCAA Tournament championship sa pagitan ng Villanova at North Carolina.

Gaganapin ang opisyal na seremonyas para sa mga NBA icons sa Springfield, Massachusetts sa darating na Setyembre 9.

Kabilang naman sa bibigyan ng posthumous recognition ang dating NBA referee na si Darrell Garretson, NAIA coach John McClendon, ABA Utah Stars at NBA Atlanta Hawks star na si Zelmo Beatty, at Cumberland Posey.

Mahalagang bahagi rin ng mga recipients sina Kevin Johnson, Eddie Sutton, Robert Hughes, Muffet McGraw, Lefty Driesell, Leita Andrews, John McLendon at ang 1954-1958 Wayland Baptist University team.

Kinikilala ng Naismith Memorial Basketball Hall of Fame ang mga manlalarong nagpakita ng katangi-tanging galing sa basketball maging ang mga all-time great coaches, at referees na nagbigay ng malaking kontribusyon sa basketball. Ipinangalan ito kay Dr. James Naismith na nagpaumpisa sa basketball noong 1891.

Para mapabilang sa Hall of Fame, kinakailangan na ang isang manlalaro ay retirado na nang mga limang taon bago makunsidera para sa nasabing parangal.

Isa sa mga kilalang dominanteng manlalaro si O’Neal sa NBA na may record na average 23.7 points, 10.9 rebounds at 58.2 porsyento (shot from the field) sa loob ng 19 seasons. Pinarangalan din na Rookie of the Year si O’Neal nang nasa Orlando Magic pa siya at no. 1 pick noong 1992 draft.

Number 1 pick din siya sa 1992 draft at naging Rookie of the Year nang nasa Orlando Magic.Tuluy-tuloy ang mataginting na karera niya nang naging 4-time NBA championship, tatlo sa Los Angeles Lakers at isa sa Miami Heat, 14-time All Star, isang MVP league, at tatlong MVP award.

Isa naman sa pinakamagaling na point at shooting guard si Iverson na naglaro sa loob ng 14 seasons sa NBA sa Philadelphia 76ers. Umpisa pa lang ay No. 1 pick na siya sa 1996 draft at Rookie of the Year. Nariyan din ang pagiging 11-time NBA All-Star niya, All-Star MVP noong 2001 at 2005, at  NBA MVP noong 2001.

May record si Iverson ng 26.7 points, 6.2 assists, 3.7 rebounds at 2.2 steals. Sa kanyang pagreretiro, siya ang may hawak ng ikapitong highest scoring average, ika-12 sa all-time steals at ika-23 sa points record.

Naglaro naman sa Houston Rockets bilang center si Yao Ming mula 2002 hanggang 2011 sa loob ng mahigit pitong seasons at pinakamatangkad sa buong NBA league. Itinanghal din siyang No. 1 overall pick noong 2002 at isang 8-time All-Star.

Bagaman, napaigsi ang karera niya sa NBA, itinuturing na isa sa pinakamagaling si Yao ayon sa dating coach na si Jeff Van Gundy. Mayroon siyang average 19 points, 9.2 rebounds, 1.9 blocks. Pangalawa siya sa all-time blocks list at ikaanim sa total points at rebounds sa Houston Rockets.

Kinilala ng kumite ang mga taong naglalaro siya sa China, higit sa lahat ay ang kontribusyon niya sa pagpapalawak ng interes sa basketball sa Asia.

Si Reinsdorf naman ang may-ari simula noong 1985 hanggang 1990s ng isa sa pinakamagaling na koponan sa NBA na nanalo ng anim na NBA titles. Michigan State coach naman dati si Izzo na nanalo ng NCAA title noong 2000 at dinala ang koponan ng pitong beses sa final four. Six-time All-Star naman si Swoopes at three-time WNBA champion na pinangunahan din ang kampeonato ng Texas Tech sa 1993 NCAA championship sa kanyang record na 47 points.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento