Lunes, Mayo 2, 2016

Etiquette in social media

Ni Elvie Okabe, DBA/MAE

Pabongga ng pabongga talaga ang teknolohiya ngayon dahil sa dumaraming social media platforms gaya ng Fabebook, Twitter, Instagram, Pinterest, LinkedIn, Viber, Line, Snapchat, at marami pang iba.

Nariyan din ang mga free websites for those who would like to have their own blog site like Blogspot, Wordpress, Weebly at Wix. Libre pa nga ang tawag o messaging basta may line or wi-fi ang smartphone mo. At dahil dito ang karamihan sa mga gumagamit ng internet ay tila nahumaling na sa pagpo-post ng status, pictures, posters, videos, at iba pa.

Pero ang nakakaalarma at nakakasakit ng damdamin o nakakatakot ay pati ang sariling galit o masamang damdamin ay binubulgar ng iba sa social media. Gaya ng pag-repost o pag-share ng mga negative o bullying remarks, pag-comment sa mga conversations online ng pamimintas o pagmumura kahit hindi naman kasali sa usapan o ‘di naman alam ang buong katotohanan.

Marami nga pong mga nag-aaway sa social media dahil sa mga komento na wala namang katuturan. Siguro naman nakabasa na rin kayo ng mga komento na pinag-aaway-away ang mga tao o ginagawan ng walang basehang kuwento ang iba.

Kung tayo ang tatanungin, gusto po ba natin ang nagbabasa o nakakakita sa internet ng mga galit, inggit, mura, kabastusan o kalaswaan? Gusto rin po ba natin sumasali sa pakikipag-away, pakikipagmurahan o nagagalit na may pinapatamaan sa mga posts natin sa internet? Kung ayaw natin ang mga nabanggit, narito po ang mga ilang paalala na marahil ay nabasa na natin ngunit kung minsan ay umiiral pa rin ang ating emosyon, personal issue, o personal problem sa buhay:

1.  “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” Kung gusto nating igalang tayo ng iba, kailangan nating igalang muna ang ating kapwa lalo na kung ito ay in writing.  Ang pagsabi o pagbanggit ng greetings for the day, at iba pang positive expressions or emoticons ay more friendly at inspiring sa nakababasa.
2.  Alamin o basahing mabuti at gawin ang mga rules ng bawat social media na karaniwan ay pare-pareho naman.
3.   Huwag magpost ng mga negatibong messages na magpapagalit sa iba. Kung ang ugali natin ay prangka at palaaway, kontrolin na lang natin ang ating emosyon at huwag gawin pati sa mga social media ang magparinig sa iba na walang binabanggit na pangalan. Remember, mabuti man o masama ang ating ugali o ginagawa ay nasasalamin ng iba kung paano tayo itinaguyod o pinalaki ng ating mga magulang.
4.  Kung hindi maiiwasan at nakabasa tayo ng posts ng iba, huwag personalin ang mga negative posts. Para sigurado ay i-unfriend o i-unfollow ang mga contacts sa social media na mahilig mag-complain at matataray mag-post. At higit sa lahat ay huwag gawing capital letters lahat ang message unless it is a title, heading, or acronym of a write-up dahil ang ibig sabihin ng typewritten in all capital letters ay pasigaw o pagalit.
5.   Huwag manloloko ng ibang tao. Kung ikaw ay married na o may girlfriend/boyfriend na, huwag nang maghanap o tumanggap ng ibang karelasyon sa buhay through social media.
6.   Huwag mapanghusga o mag-comment kung hindi tayo tinatanong. “Don’t judge a book by its cover” sabi nga sa kasabihan, dahil hindi natin alam ang mga pinanggagalingan at pinagdaanan o pinagdadaanan ng iba.
7.   Makisali lang sa mga groups o pages na puro pangaral ng Diyos at motivational, inspirational, at positive thinking ang tema. Mag-post lang ng mga larawan o messages na masasaya o hindi makakasakit/makakaapi sa ibang tao.
8.   Huwag ma-addict sa social media o gawing hobby ng mahabang oras araw-araw unless ito ay parte ng ating hanapbuhay gaya ng internet marketing. Ibalanse o gawing prioridad ang sariling buhay.
9.  Huwag magbasa ng newsfeed o i-turn-off na lang ang notifications sa social media na nakakaubos ng ating oras upang makagawa pa ng mga makabuluhang bagay sa pamumuhay.


Kaya nga po ating tandaan, “kung ano ang itinanim, siya ang aanihin.” Kung nagtatanim tayo ng galit, inggit, away, mura at kalaswaan sa ating buhay lalung-lalo na kung ito ay nakasulat ay hindi tayo magiging maligaya at hindi pagpapalain ng Diyos sa ating buhay. Lahat ng ating mga pagsisikap ay parang bulang nawawala ayon sa nababalitaan natin sa ating mga nababasa o napapanood sa television news.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento