Martes, Mayo 3, 2016

40M dayuhang turista, target ng Japan sa 2020

Ni Florenda Corpuz


      Kuha sa Kiyomizu-dera Temple kung saan dagsa
ang mga lokal at dayuhang turista. (Din Eugenio)
Tiwala ang pamahalaang Abe na patuloy na dadagsa sa bansa ang mga dayuhang turista kaya itinaas sa 40 milyon ang target sa foreign tourism pagsapit ng taong 2020 mula sa kasalukuyang 20 milyon at 60 milyon naman sa taong 2030.

Target din ng pamahalaan na pataasin sa ¥8 trilyon ang foreign-tourist spending sa 2020 at ¥15 trilyon sa 2030 habang 70 milyon naman ang mga inbound stay-overnight tourists sa mga regional areas sa bansa.

“Tourism is one of the major pillars of the growth strategy of Japan. It is also the trump card for regional vitalization, as well as the engine for growth towards achieving a GDP of 600 trillion yen,” pahayag ni Prime Minister Shinzo Abe sa ikalawang pagpupulong ng “Council for the Development of a Tourism Vision to Support the Future of Japan” na ginanap sa Prime Minister’s Office kamakailan.

Sinabi rin ni Abe na mag-iimplementa sila ng 10 reporma para makamit ang tinawag niyang “Japan the world will want to visit.”

“The Government as a whole will work to realize new heights for Japan as a tourism-oriented developed nation,” sabi pa ng lider.

Kabilang sa reporma ang pagbubukas sa publiko ng mga governmental facilities tulad ng Akasaka Palace State Guest House at Kyoto State Guest House. Gagawin din na pang-world standard ang mga national parks sa bansa.

“Under the policy of ‘doing everything that the Government can possibly do,’ and towards building a new Japan that is a ‘tourism-oriented developed nation,’ I am determined that the Government will stand at the forefront and always proactively make the first move to take all possible measures to achieve our goals,” sabi ng lider.

Base sa datos ng Japan National Tourism Organization (JNTO), umabot sa 19,737,400 ang kabuuang bilang ng mga turistang bumisita sa Japan noong 2015 kung saan 268,300 ang mga Pilipino.

Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga dayuhang turista na bumibisita sa bansa dahil sa pagluluwag sa pagkuha ng visa, mababang palitan ng yen at pagdami ng international flights sa mga paliparan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento