Ni
Elvie Okabe, DBA/MAE
Pabongga
ng pabongga talaga ang teknolohiya ngayon dahil sa dumaraming social media
platforms gaya ng Fabebook, Twitter, Instagram, Pinterest, LinkedIn, Viber,
Line, Snapchat, at marami pang iba.
Nariyan
din ang mga free websites for those who would like to have their own blog site like
Blogspot, Wordpress, Weebly at Wix. Libre pa nga ang tawag o messaging basta
may line or wi-fi ang smartphone mo. At dahil dito ang karamihan sa mga gumagamit
ng internet ay tila nahumaling na sa pagpo-post ng status, pictures, posters,
videos, at iba pa.
Pero
ang nakakaalarma at nakakasakit ng damdamin o nakakatakot ay pati ang sariling
galit o masamang damdamin ay binubulgar ng iba sa social media. Gaya ng pag-repost
o pag-share ng mga negative o bullying remarks, pag-comment sa mga
conversations online ng pamimintas o pagmumura kahit hindi naman kasali sa
usapan o ‘di naman alam ang buong katotohanan.
Marami
nga pong mga nag-aaway sa social media dahil sa mga komento na wala namang
katuturan. Siguro naman nakabasa na rin kayo ng mga komento na pinag-aaway-away
ang mga tao o ginagawan ng walang basehang kuwento ang iba.
Kung
tayo ang tatanungin, gusto po ba natin ang nagbabasa o nakakakita sa internet
ng mga galit, inggit, mura, kabastusan o kalaswaan? Gusto rin po ba natin
sumasali sa pakikipag-away, pakikipagmurahan o nagagalit na may pinapatamaan sa
mga posts natin sa internet? Kung ayaw natin ang mga nabanggit, narito po ang
mga ilang paalala na marahil ay nabasa na natin ngunit kung minsan ay umiiral
pa rin ang ating emosyon, personal issue, o personal problem sa buhay:
1.
“Huwag
mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” Kung gusto nating igalang tayo
ng iba, kailangan nating igalang muna ang ating kapwa lalo na kung ito ay in
writing. Ang pagsabi o pagbanggit ng
greetings for the day, at iba pang positive expressions or emoticons ay more
friendly at inspiring sa nakababasa.
2.
Alamin
o basahing mabuti at gawin ang mga rules ng bawat social media na karaniwan ay
pare-pareho naman.
3.
Huwag
magpost ng mga negatibong messages na magpapagalit sa iba. Kung ang ugali natin
ay prangka at palaaway, kontrolin na lang natin ang ating emosyon at huwag gawin
pati sa mga social media ang magparinig sa iba na walang binabanggit na
pangalan. Remember, mabuti man o masama ang ating ugali o ginagawa ay
nasasalamin ng iba kung paano tayo itinaguyod o pinalaki ng ating mga magulang.
4.
Kung
hindi maiiwasan at nakabasa tayo ng posts ng iba, huwag personalin ang mga
negative posts. Para sigurado ay i-unfriend o i-unfollow ang mga contacts sa
social media na mahilig mag-complain at matataray mag-post. At higit sa lahat
ay huwag gawing capital letters lahat ang message unless it is a title,
heading, or acronym of a write-up dahil ang ibig sabihin ng typewritten in all
capital letters ay pasigaw o pagalit.
5.
Huwag
manloloko ng ibang tao. Kung ikaw ay married na o may girlfriend/boyfriend na,
huwag nang maghanap o tumanggap ng ibang karelasyon sa buhay through social media.
6.
Huwag
mapanghusga o mag-comment kung hindi tayo tinatanong. “Don’t judge a book by
its cover” sabi nga sa kasabihan, dahil hindi natin alam ang mga pinanggagalingan
at pinagdaanan o pinagdadaanan ng iba.
7.
Makisali
lang sa mga groups o pages na puro pangaral ng Diyos at motivational,
inspirational, at positive thinking ang tema. Mag-post lang ng mga larawan o
messages na masasaya o hindi makakasakit/makakaapi sa ibang tao.
8.
Huwag
ma-addict sa social media o gawing hobby ng mahabang oras araw-araw unless ito
ay parte ng ating hanapbuhay gaya ng internet marketing. Ibalanse o gawing
prioridad ang sariling buhay.
9.
Huwag
magbasa ng newsfeed o i-turn-off na lang ang notifications sa social media na
nakakaubos ng ating oras upang makagawa pa ng mga makabuluhang bagay sa
pamumuhay.
Kaya nga po ating
tandaan, “kung ano ang itinanim, siya ang aanihin.” Kung nagtatanim tayo ng
galit, inggit, away, mura at kalaswaan sa ating buhay lalung-lalo na kung ito
ay nakasulat ay hindi tayo magiging maligaya at hindi pagpapalain ng Diyos sa
ating buhay. Lahat ng ating mga pagsisikap ay parang bulang nawawala ayon sa
nababalitaan natin sa ating mga nababasa o napapanood sa television news.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento