Martes, Disyembre 6, 2016

‘Kimi no Na wa’ director Makoto Shinkai: The master of his own art

Ni Jovelyn Javier


Tinatawag ngayong “The New Miyazaki” ang anime director na si Makoto Shinkai na direktor ng pinakamatagumpay na anime film ngayong taon, ang “Kimi no Na wa” (Your Name). Ito ay dahil number one sa box office ang naturang pelikula na kumita ng mahigit ¥17.9 bilyon matapos maipalabas nitong Agosto at ikalima na sa highest-grossing films of all-time ng bansa.

Unprecedented success from a non-Ghibli film

Naipalabas na rin ang animated masterpiece sa Singapore, HongKong, Taiwan, UK, Busan International Film Fest sa South Korea, at world premiere noong Hulyo sa Anime Expo sa Los Angeles. Nakatakda itong ipalabas sa 85 pang bansa kabilang ang Pilipinas.

Pinarangalan din ito ng special distinction at audience prize (feature category) sa Bucheon International Animation Festival at best feature-length film (animation category) sa Sitges International Fantastic Film Festival.

Inamin ni Shinkai na hindi siya kumportable sa tinatamasang tagumpay ngayon ng obra. Aniya, wala masyadong promosyon sa media ang pelikula at noo’y layon lang nilang maabot ang ¥2 bilyon sa box office.

Nakaantig sa mga manonood maliban sa artistic visuals nito ang kumbinasyon ng modernismo at tradisyon sa anime film na natatanging Japanese — ang “kumihimo” (art of braiding coloured silk cords) ay makikita na tradisyon ng pamilya ng babaeng karakter na si Mitsuha Miyamizu at ginamit din na talinghaga para ipaliwanag ang pagdaloy ng panahon.

Ang isa pa ay ang pag-aalay ng “kuchikami” sake sa mga diyos na bahagi ng isang Shinto shrine ceremony at ang shrine maiden dance ni Mitsuha at Yotsuha, reference sa multiverse theory, coming-of-age, adolescent dreaming, at ang natural-disaster element nito na isang paalala sa 2011 Great East Japan earthquake.

The Shinkai touch

May sariling istilo si Shinkai na nagsisilbing tatak niya, mula sa mga time-lapse sequences, 3D landscapes, beautifully-colored skies, delicate shades, at sparkling light effects; gayon din ang mga pangunahing karakter nito na nakasentro sa isang babae at lalake; at ang tema nito ng pananabik at distansya sa pagitan ng dalawang karakter.

Naiiba ang Kimi no Na wa dahil sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng humorous element ang pelikula.

“I wanted to incorporate all kinds of emotion with a broad range of expression,” ani Shinkai.  
Nagmula Koumi, Nagano prefecture ang 43-taong-gulang na si Shinkai at nag-aral ng Japanese literature sa Chuo University.


Ilan sa kanyang mga obra ay ang “She and Her Cat” (1999), “Voices of a Distant Star” (2002), “The Place Promised in Our Early Days” (2004), “5 Centimeters per Second” (2007), “Children Who Chase Lost Voices” (2011), at “The Garden of Words” (2013). 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento