Martes, Disyembre 6, 2016

A1 proves that boybands are forever

Ni Len Armea
Kuha ni Jovelyn Bajo

A1 band members: Christian Ingebrigtsen, Mark Read, at Ben Adams
Isa ang A1 sa mga boybands na sumikat noong 1998 na binubuo ng mga orihinal na miyembro na sina Christian Ingebrigtsen, Mark Read, Ben Adams, at Paul Marazzi. Tinitilian ang grupo ng milyun-milyong fans saan panig man sila magpunta dahil sa kanilang pamosong mga kanta at karisma na karaniwang taglay ng mga miyembro ng boyband.

Kaya naman makalipas ang ilang taon, kahit na nawala sa grupo si Paul at nagka-edad ang kanilang mga teenage fans noon, patuloy pa rin ang paggawa ng kanta ang grupo at pagsuporta ng kanilang mga tagahanga mula sa iba’t ibang bansa.

Tilian at masigabong pagtanggap mula sa kanilang halos 2,000 fans ang sumalubong sa A1 sa kanilang “Here We Come Back Tour” na ginanap sa KIA Theater kamakailan. Tila isang throwback party ang naganap na concert dahil sa pagkanta ng grupo ng kanilang mga old hits gaya ng “Like A Rose,” “Everytime,” “Same Old Brand New You” at “Take on Me.”

Isa sa mga naging highlights ng concert ay ang ginawang mini-video ng banda na naglalaman ng mga lumang litrato at clips na nagpapakita ng mga alaala kasama ang kanilang fans sa Pilipinas sa tugtog ng kantang “Living the Dream.”

 “We just want to say, mahal namin kayo,” ani Mark na ikinatuwa ng mga fans.

Ilan pa sa kanilang mga kinanta ay ang “Caught in the Middle,” “Summertime of Our Lives,” “Ready or Not,” “Walking in the Rain,” “Make It Good,” “Forever in Love,” “No One,” at “Heaven by Your Side.”

Mas naging bukas din ang A1 sa pagkukwento ng istorya sa likod ng kanilang mga pamosong kanta na binigyan nila ng acoustic feel.

Sinabi ng Bristish-Norwegian band sa presscon bago ang concert na nagpapasalamat sila na nariyan ang kanilang mga tagasuporta kahit na nagkaroon ng ilang pagbabago sa paraan ng kanilang paglikha ng musika.

“The more you do something, the better you are at doing it and we’ve been doing this for 17 years so now we’re better at singing, better in whatever we do. In a way, we feel more proud that the way we write songs today are hopefully even better than what we did before,” pahayag ni Christian.

“Back when we first started, we were very fun, energetic, fresh, pop. And a lot of the songs we wrote are kind of like calling cards for the fans to get to know us as a band, who we were. But as we get older, there’s a lot more depth, a lot more context to the lyrics,” dagdag namin ni Mark.

Walang humpay ang pag-indak at pagsabay ng mga fans sa pag-awit ng A1 sa halos dalawang oras na concert. Isa itong patunay na mananatiling buhay at makahulugan ang kanilang mga kanta lumipas man ang panahon.

“What I think it’s so nice is that those songs continue to resonate with people up until now,” ani Mark.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento