Ni
Florenda Corpuz
Tutulong ang bansang Hapon sa
pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Department of
Social Welfare and Development (DSWD) at A Child’s Trust is Ours to Nurture
(ACTION), isang Japanese non-profit group, sa pagpapalakas ng house parenting
standards sa mga childcare institutions sa National Capital Region (NCR) sa
Pilipinas.
Nilagdaan ng tatlong organisasyon
ang capacity building program para rito kamakailan.
“JICA aims to support the Philippines’
poorest sectors overcome their vulnerability. This cooperation hopes to also
ensure that everyone, including marginalized children, will benefit from the
economic growth the Philippines achieved. Improving child care standards of
house parents and social workers is crucial in teaching children to become
self-reliant and productive members of society,” pahayag ni JICA Chief
Representative Susumu Ito.
Mainit na tinanggap ni DSWD
Secretary Judy Taguiwalo ang kooperasyon ng JICA at ACTION at sinabing “the
project supports the present administration’s anti-poverty agenda of reaching
out to marginalized children and communities and providing them opportunities
to improve their plight.”
Sa Pilipinas, ang DSWD at ang mga
accredited childcare facilities sa buong bansa ay nagbibigay ng interventions
sa naturang kaso ng mga bata. Ang kakulangan ng house parenting o care giving
standards sa mga nasabing pasilidad ang nag-udyok sa JICA, DSWD at ACTION para
magtakda ng capacity building program upang mapabuti ang kaalaman at kasanayan
ng mga child care workers sa mga pasilidad.
Ayon sa datos ng Philippine
Statistics Authority (PSA) noong 2012, mas mataas ang poverty incidence sa
children sector na umabot sa 35.2 porsyento kumpara sa ibang sektor. Mas
malapit din sa kapahamakan tulad ng karahasan, pagsasamantala, pang-aabuso at
diskriminasyon ang mga mahihirap na bata.
Ang kooperasyon ay bahagi ng JICA
Partnership Program sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA) na
sumusuporta sa Japanese non-government organizations, local governments at akademya
para masolusyunan ang social at economic development issues sa grassroots
level.
Layon din ng proyekto na magbigay ng
life skills training at iba pang developmental activities sa mga bata sa
residential institutions sa Region 3. Una nang nagsagawa ng pagsasanay sa 180
house parents at 56 social workers sa 38 residential facilities sa Central
Luzon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento