Linggo, Disyembre 11, 2016

Why people around the world love the Japanese cuisine




Maituturing na kakaiba at walang kahalintulad ang Japanese cuisine. Maging Pilipino o ibang lahi mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay aminado na paborito nila ang Japanese food dahil masarap at masustansiya ang mga ito.

Ang Japanese cuisine ang isa sa tatlong national food traditions na kinilala ng United Nations (UN) dahil sa malaking kinalaman nito sa kultura. Ang dalawa pa ay ang French at Mexican cuisine.

Isinali noong 2013 ng UNESCO, ang cultural organization ng UN,  ang Japanese cuisine o “washoku” sa  listahan ng Intangible Cultural Heritage bilang isang “traditional dietary cultures of the Japanese.”

Bukod dito, sinasabing ang Japanese cuisine ay kakaiba at bukod-tangi sa lahat ng uri ng pagkain sa Asya. Ito ay dahil na rin sa binibigyang importansiya ng mga Hapon ang pagkasariwa ng mga gagamiting sangkap at ang pag-iwas na maging overcooked ang pagkain.

Isa pa sa nakahuhumaling sa Japanese food ay laging maganda ang pagpipirisinta rito at lahat ng garnishes ay itinuturing na mayroong sinisimbolo sa kanilang kultura.

Tatlong aspeto ang mahalaga sa Japanese food: seasonality ng pagkain, kalidad ng sangkap na gagamitin at paraan ng pagpiprisinta nito sa mga kakain. Ilan sa popular na pagkaing Hapon ay ang sushi, sashimi, tempura, teriyaki at ramen (noodles) soup.

Different types of the Japanese cuisine

Mayroon iba’t ibang klase ang Japanese cuisine:

Kaiseki. Dalawa ang klase ng kaiseki na traditional multi-course Japanese dinner. Ang una ay ang kaiseki na sinusunod tuwing may ipinagdiriwang. Inihahain ito para sa bawat indibwal kada ilang minuto. Ang ikalawa naman ay tinatawag na kaiseki ryori na kinukunsidera na light meal lamang na karaniwang inihahain bago ang tea ceremony.

Shojin. Ito naman ay isang vegetarian cooking na nagsimula noong 6th century. Ang pagkain dito ay karaniwang mula sa tofu, vegetable oil, sesame, rapeseed at walnut.

Bento. Ibig sabihin nito sa salitang Hapon ay “lunch” na pwedeng ibaon at kainin kahit saan. Kanin, isda o karne, cooked vegetables ang bumubuo sa bento. Ito ang ginagawa ng mga Hapon tuwing magbabaon sila ng pagkain at karamihan ay naglalaan ng oras upang makagawa nito.

Tasty through and through

Lalong uminam ang Japanese cuisine sa pagdaan ng panahon. Malaki ang naging impluwensiya ng China sa pagkaing Hapon noong unang panahon. Sa katunayan, bukod sa pagkain, isa sa naging impluwensiya ng mga Intsik sa mga Hapon ay ang paggamit ng chopsticks na hindi na natanggal pa sa kanilang kultura. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting nakagawa ang mga Japanese ng sarili nilang pagkain na matatawag nilang tatak Hapon.

Simula noong Kofun period ay hindi nauso sa mga Hapon ang pagkain ng karne ng baboy, baka at manok at tanging kinakain lamang tuwing may kailangang gawing ritwal. Ito ay naganap matapos na ipag-utos ni Emperor Temmu noong 675 A.D ang pagkain sa ganitong klase ng karne. Ito ang nagbigay daan kung bakit mas popular sa Japan ang pagkain ng hilaw na isda na ibinuro sa suka o mas kilala sa tawag na sashimi.

Noong Kamakura period, binigyan ng importansiya ang pagluluto ng simpleng pagkain ngunit sapat naman sa nutrisyon. Hindi na ito ginawang ganoong ka-pormal na tulad ng dati na kailangan pang dumaan sa seremonya at ritwal.

Ang normal na pagkain sa Japan ay binubuo ng isang bowl ng kanin; okazu o ulam na maaaring raw, pinakuluan (nimono), inihaw (yakimono), steamed (mushimono), kinilaw o pinirito (agemono); soup; at tsukemono o pickles.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento