Ipinapakita ang mga post na may etiketa na anime. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na anime. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Setyembre 4, 2017

‘The Anthem of the Heart’: A traumatized girl finds her words again in music


Isa sa mga malalaking pelikula ngayong summer sa Japan ang live-action feature film adaptation na “The Anthem of the Heart” (Kokoro ga Sabitagatterunda) na pinagbibidahan nina Kento Nakajima ng male idol group Sexy Zone, Kyoko Yoshine, Anna Ishii ng E-Girls, at Kanichiro tungkol sa isang teenager na isinumpang hindi makapagsalita ng isang diwata pagkatapos ng isang pangyayari sa kanyang nakaraan.

Mula naman ito sa direksyon ni Naoto Kumazawa, screenwriter Yukiko Manabe at Aniplex.
Hango ang kwento nito mula sa box office hit na animated film na inilabas noong Setyembre 2015 na parehas ang pamagat. Humakot ito ng mahigit ¥1.1 bilyon ($10 milyon) sa kanyang theatrical run at isa sa highest grossing domestic films ng taong ito na likha ng creative team na nasa likod ng “Anohana: The Flower We Saw That Day” anime series at anime film adaptation.

Kinunan ang pelikula sa Chichibu, Saitama Prefecture na lokasyon din ng parehong The Anthem of the Heart at Anohana.

Importance of words and wonders of music

“This is a work that includes many themes like music, friendship, youth, love… I will try to give the story a unique live action atmosphere but at the same time do my best to make the message of the original anime reach at least one viewer – ‘Words are important.’” Ito ang pahayag ni director Kumazawa ukol sa pelikula, na kilala sa industriya sa mga proyektong “Letters from Kanai Nirai” (original script) at live action films na “Kin Kyori Renai” at “Kimi ni Todoke.”

Nagsisimula ang kwento sa pangunahing karakter na si Jun Naruse (Yoshine), isang dating masayahing bata ngunit dahil sa pagiging “chatterbox” ay nagdulot ito ng pagkawasak ng kanyang pamilya nang minsa’y makita niya ang ama na may kasamang babae at agad itong sinabi sa kanyang ina.

Mula noon, tuwing sinusubukan niyang sabihin ang kanyang emosyon at iniisip ay ‘di nito mailabas ang mga salita at sumasakit ang kanyang tiyan.

Mahaharap sa bagong pagsubok si Jun nang mapili siyang maging parte ng isang musical para sa Regional Friendship Exchange Executive Committee kasama sina Takumi (Nakajima), Natsuki (Ishii), at Daiki (Kanichiro).

Driven by relatively new cast

Ito ang ikaapat pa lang na starring role ni Nakajima na mas kilala sa mga bright characters, at sa pagkakataong ito ay isang karakter na nahihirapang ipaliwanag sa iba ang kanyang mga intensyon at saloobin ang kanyang ginagampanan.

Kauna-unahang starring role naman ito ni Yoshine na napanood kamakailan sa NHK morning drama na “Beppin-san” at TBS drama na “Little Giants.” Kilala naman sa mga pelikulang “Solomon’s Perjury Part 1 & 2,” “Your Lie in April,” at “The Blue Hearts - 1001 Violins.” Pinakabaguhan naman sa kanila si Kanichiro na nito lamang nag-debut bilang aktor.

Linggo, Abril 9, 2017

Animated film ‘Koe no Katachi’ wanders through the intricacies of human connections


Anim sa top 10 highest-grossing Japanese films ng 2016 ay mga animated films at isa rito ang critically-acclaimed na “Koe no Katachi” (A Silent Voice: The Movie) ng Kyoto Animation sa direksyon ni Naoko Yamada, na film adaptation ng award-winning manga ni Yoshitoki Ōima at tumabo sa takilya na nasa ¥2.3 bilyon sa Japan box office.

Mula rin ito kay Reiko Yoshida (script), Futoshi Nishiya (character design) at Kensuke Ushio (music) at mula sa distribusyon ng Shochiku. Theme song naman nito ang “Ai wo Shita no wa” (Loving Is) ni AIKO.

Powerful and emotional

Sentro ng kwento sina Shōya Ishida (Miyu Irino) at deaf transfer student Shōko Nishimiya (Saori Hayami) na nagkakilala sa elementarya. Dahil sa pagkakaiba ni Shōko, ‘nanguna sa pangungutya si Shōya at mga kaibigan nito hanggang sa umabot sa paglipat ni Shōko ng eskwelahan.

Biglang nagbago ang kapalaran nang tinalikuran si Shōya ng mga kaibigan at sa kanya nabaling ang pang-aapi ng mga ito. Naging ilang siya sa mga tao at nagpasyang walang kwenta ang pagkakaroon ng mga kaibigan hanggang sa muli silang magkita ni Shōko.

Tinatalakay nito ang ilang sensitibo at napapanahong paksa – self-worth, suicide, bullying, guilt, relationships, disabilities, communication, at isolation, coming-of-age, na isang matapang na tema para sa isang animated feature film.

Sa kwento nina Shōya at Shōko, mabibilang ang mga pagkakataon sa buhay na may makikilala kang tao na magpapadiskubre sa’yo ng mga bagong bahagi ng pagkatao mo, bagong pananaw, at bagong karanasan.   

Ano nga ba ang kinakailangan para tatangapin ka ng mundong ‘di ka naririnig at paano mo matutubos ang iyong sarili mula sa isang malaking pagkakamali?

The onset of new animation generation

Pinarangalan ito bilang Excellent Animation of the Year sa 40th Japan Academy Prize at Anime of the Year (Film Category) sa Tokyo Anime Award Festival.

Ngayon, sa labas naman ng Japan ito mamamayagpag dahil ipapalabas na ito sa United Kingdom mula sa Anime Limited simula Marso 15 bagaman nauna na siyang ipinalabas sa Scotland Loves Anime Film Festival noong Oktubre at nitong Pebrero sa London ICA.
Susunod ang Taiwan (Marso 24), Australia at Hong Kong (Abril 6), at New Zealand (Abril 16).

Nakuha naman ito ng Viz Media Europe para sa European Union, Russia, Turkey, at French-speaking African countries at sa Pilipinas ng Pioneer Films ngunit wala pang opening dates.


Sa 30 bansa ito nakatakdang ipalabas kabilang ang mga nabanggit, gayon din sa Singapore, Malaysia at Brunei ayon sa official website nito. 

Linggo, Enero 29, 2017

‘In This Corner of the World’: A reflective and poignant animated film



“The film focuses on the details of life. While the war casts a shadow, ordinary lives appear shining as if a treasure.”

Ito ang pagsasalarawan ni Sunao Katabuchi, direktor ng hit animated masterpiece na “In This Corner of the World” (Kono Sekai no Katasumi ni) sa kanyang obra na tumatalakay sa ordinaryong pamumuhay ng mga Japanese sa Hiroshima bago at pagkatapos ito sirain ng atomic bomb noong Agosto 6, 1945, sa isang panayam ng The Asahi Shimbun.

Base ito sa manga ni Fumiyo Kōno na may parehas na pamagat na nabasa mula 2007-2009 sa Weekly Manga Action, may tatlong volumes at inilathala ng Futabasha. Kinilala ito bilang Jury Recommended Work at Excellence Prize sa 2008 at 2009 Japan Media Arts Festival. Nagkaroon na rin ito ng live-action TV special sa NTV noong 2011 tampok si Keiko Kitagawa.

The people of wartime Hiroshima

Sentro ng pelikula ang 18-taong-gulang na si Suzu Urano sa kanyang paglipat noong 1944 sa Kure, isang naval port city sa Hiroshima nang magpakasal sa isang judicial officer na si Shūsaku Hōjō para tumira kasama ang pamilya niya. Bagaman naninibago sa kanyang bagong buhay bilang isang maybahay, iaatas sa kanya ang mahalagang papel sa pagpapatakbo ng buong bahay pati na rin ang paghahanda ng pagkain sa gitna ng giyera.
Nang makarating ang sunud-sunod na pambobomba sa Kure, tuluyan nang nagbago ang buong buhay ni Suzu at ng buong bayan ng Kure at Hiroshima.

Stepping into the past

Partikular na pumukaw sa pansin ng mga manonood ang opening sequence ng pelikula kung saan makikita si Suzu na naglalakad sa mga lansangan ng Nakajima Honmachi district sa panahon ng Kapaskuhan noong 1933.

Isa sa bumubuo sa 1933 cityscape ng Hiroshima ang Otsuya muslin shop na nasa tapat ng gusali na matatagpuan naman ang Taishoya Gofukuten kimono fabrics shop, na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sa lugar.

Aniya, 100 metro lamang ang layo nito mula sa ground zero kung saan bumagsak ang atomic bomb. Sa ngayon, hindi na makikita ang distritong ito sa Hiroshima at bahagi na lamang ng Hiroshima Peace Memorial Park.

Anim na taong pinag-aralan ni Katabuchi ang Hiroshima sa pamamagitan ng pagpapabalik-balik niya sa Hiroshima para kausapin ang mga residenteng nakaligtas na mga bata noong giyera, gayon din ang libu-libong larawan at mga aklat tungkol sa kasaysayan nito.

Makikita rin sa pagbubukas ng pelikula ang mga imahe ng mga yumaong kamag-anak ng mga survivors bilang pag-alala sa mga yumao at pagpapasalamat sa mga survivors.

Not lost from memory

Sa tagumpay nito sa box office mula nang magbukas nitong Nobyembre 12, pinipilahan at kahit standing-only tickets ay dinudumog pa rin, patunay ito na ang henerasyon ngayon ay bukas ang loob na makilala ang naglahong bahagi ng Hiroshima 71 taon na ang nakararaan.

Kumita na ito ng ¥800 milyon at consistent 10th place sa loob ng pitong linggo sa box office nitong huling linggo ng Disyembre sa total budget na  ¥250 milyon. Nagdagdag na rin ng 200 theaters para sa screening nito ngayong buwan. 

Linggo, Nobyembre 6, 2016

Anime tourism isinusulong ng JTB, Kadokawa, JAL, at iba pang organisasyon


“Animation can change the times.”

Ito ang saad ni Tsugihiko Kadokawa, association vice president/Kadokawa Corp. Chairman, sa isang news conference kaugnay ng paglulunsad ng Japan Anime Tourism Association.

Inilunsad kamakailan ang Anime Tourism Association mula sa pagtutulungan at pangunguna ng publisher at film studio na Kadokawa Corp., travel agency JTB Corp., Narita International Airport at Japan Airlines Co., upang mas paigtingin pa ang industriya ng turismo sa bansa at pagyamanin ang mga pang-rehiyong ekonomiya sa pamamagitan ng anime at manga. Nagmula ang konsepto mula sa 88-temple route na nilakad ng mga relihiyosong manlalakbay sa isla ng Shikoku.

Sa inisiyatibong ito, mabubuo ang isang travel route na naglalaman ng 88 sacred animation spots o “seichi” sa buong Japan sa pamamagitan ng isang survey pagdating ng Disyembre na mula sa mga itinampok na lugar sa iba’t ibang manga at animation works, maging ang mga museo na nakalaan sa mga nasabing anime at manga at kahit ang mga tirahan ng mismong mga manga artists na may likha ng mga ito.

Maging si Tokyo Governor Yuriko Koike, na isang anime enthusiast ay nangangampanyang gawing “anime land” ang Tokyo. Si Koike ay mula sa Toshima ward kung saan matatagpuan ang Tokiwa-so, ang naging tirahan ng mga legendary artists na sina Osamu Tezuka, Shotaro Ishinomori at Fujiko Fujio.

Aniya, sentro ng asosasyon ang iba pang bansa sa Asya na mayroon nang matibay at malawak na following sa anime at manga, samantalang ipo-promote naman ang mga packaged tours tampok ang mga nasabing lokasyon ng JTB.

Ilan sa mga popular na anime ay ang “Slam Dunk,” “Whisper of the Heart,” “Lucky Star,” “Kimi no na wa,” “Rurouni Kenshin,” “Dragon Ball,” “One Piece” at iba pa.

Key motivation by foreign tourists

Maaaring bumoto ang mga tagahanga ng anime-manga ng kanilang mga paboritong spots para mapabilang sa travel route sa website na ito, animetourism88.com/en/, at base sa magiging resulta nito ay bubuuin ang mga packaged tours na kabilang ang pagbisita sa nasabing 88 animation spots.

“Manga and anime have made a lot of young people from around the world very interested in coming to Japan,” ang pahayag ni Motohisa Tachikawa, JTB spokesman sa isang panayam.

 “We want the anime experience to be not just something people watch but something they traveled to see in person,” dagdag pa ni Yoshiyuki Tomino na siyang association president at Gundam robot series anime creator.

Ayon pa sa Japan Tourism Agency (JTA), sa isang survey nito sa mga turistang French at Thai, bagaman may pagkakaiba sa mga gusto nilang gawin ay parehas naman na naging interesado sila sa Japan dahil sa entertainment – pelikula, drama, anime at manga.

Nakakatulong din ang exposure rito para matutuhan ang salita at kulturang Japanese. Suhestiyon din ang pagkakaroon ng character costumes na maaaring isuot ng mga bumibisita at mga manga-anime related products sa mga anime sites.

Cool Japan initiative

Sa ilalim ng “Cool Japan” initiative, pumalo na sa 19.73 milyon ang foreign visitors nitong nakaraang taon at nito lamang Hulyo ay  umabot na sa 14 milyon na mas mataas nang 26.7 porsyento, ayon sa Japan National Tourism Organization (JNTO).

Pinag-iisipan ngayon kung paano mahihikayat ang mga turista na dumayo sa countryside areas ng Japan, bagaman marami na rin ang mga pumupunta sa Osaka at Kyoto na nagdudulot pa ng accommodation shortages.

“Despite the increasing number of tourists, we haven’t taken full advantage of the abundant resources in rural areas. To lure more foreign visitors to lesser-known areas, I believe promoting tours featuring anime locations can be a good thing,” ani JTA Commissioner Akihiko Tamura.


Lunes, Agosto 10, 2015

‘Teaching With the Heart’: Mga aral para sa mga Pilipino sa Japan

Cesar Santoyo

Nabalitaan na marahil mula sa radyo, telebisyon at pahayagan at maaaring napanood rin ang kasaysayan sa nobelang pang-telebisyon ang buhay ni Efren Penaflorida, ang CNN Hero of the Year 2009. Kinilala sa buong mundo ang “Kariton Klasrum” ni Efren dahil sa pagsisigasig ng programa na mabigyan ng pagkakataon sa edukasyon ang mga batang hindi nakakapag-aral sanhi ng maraming kadahilanan na nag-ugat sa kahirapan.

Isang edukador si Efren kaya nang siya ay inanyayahan para magsalita sa Fukuyama Ken ay kinuha na rin ang pagkakataon na makadaupang-palad niya ang kanyang mga kapwa edukador at mga Pilipinong guro ng wikang Ingles sa Japan.

Sa paksang “Teaching With The Heart” na inihanda ni Efren para sa SEELS English Teachers Training ay lumapat ang ugnayan ng buhay nating mga Pilipino maging ikaw ay nasa sariling bansa o nasa ibayong dagat. Higit sa lahat ang puso sa pagiging gurong Pinoy.

Sa pagsasalaysay ni Efren sa SEELS English Teachers training sa Nagoya noong ika-5 ng Hulyo ng kasalukuyang taon ay nakita ang kanyang pangingilabot sanhi ng trauma na sinapit na ‘di maiwasang balikan at sabihin ang madilim na nakalipas sa istorya ng kanyang buhay. Ito ay ang nagbigay liwanag niyang karanasan kung papaano nasimulan ang Kariton Klasrum.

Sa murang edad ay nabiktima si Efren ng “bullying,” mga masasakit na salita at pisikal na pananakit ang kanyang natanggap, at dahil dito ay nawalan na siya ng gana na pumasok sa eskuwela. Dagdag pa ni Efren, mas ninais na niya noon na sumali at sumama na lamang sa mga pagsasanay ng mga gangster upang makaganti.

Sa kabutihang palad ay may isang instrumento sa buhay ni Efren na nagbigay gabay at inakay siya sa tamang daan. Dahil sa karanasang ito ay nakita niya ang kanyang sarili na umaakay sa tamang landas sa mga batang kalye na nasa pingid ng madilim na kinabukasan.

Sinimulan ni Efren ang pagtutulak ng kariton na may lulan na mga libro at mga gamit sa pag-aaral at pagtuturo para abutin ang mga batang pinapabayaan ng lipunan. Bumagyo man o umaraw, murahin sila at kutyain sila bilang mga luko-luko, batuhin upang tumigil o gambalain ang pag-aaral sa Kariton Klasrum ng mga bata at ilan pang pagsubok ay hindi natinag si Efren sa kanyang hangarin na makatulong sa mga bata. Ang lahat ng karahasan at pangmamaliit sa pagkilos para tulungan ang mga paslit ay natigil lamang pagkatapos na si Efren ay hirangin bilang 2009 CNN Hero of the Year.

Malalim ang sinapit na trauma sa bullying ni Efren. Sa kanyang presentasyon sa mga guro ng Ingles ay kinikilabutan siyang ipaalam na ang lider ng gang na nag-bully sa kanya ay kanyang muling nakita. Ito ay si Allan Sarte na ginawaran ng Geny Lopez Jr. Kabataan Bayaning Filipino Award ng taong 2006. Lingid sa kaalaman ni Efren na si Allan ay isa rin sa mga naakay tungo sa tamang landas ng kaparehong tao bilang instrumento na humubog sa kanilang dalawa. Kay Efren sa pagsisilbi sa mga batang kalye at kay Allan sa paninilbihan sa mga nakabilanggo.

Suliranin ng mga magulang at ng mga kabataang Japanese-Filipino ang bullying at mga gang. Ilan buwan pa lamang ang nakakaraan ng nalathala sa mga balita ang isang teenager na Japanese-Filipino na naakusahang pumatay sa isang batang Japanese sa Kawasaki. Batay sa karanasan ni Efren at ng marami pang iba, ang bullying at gangsterismo ay maaaring maiwasan kung sakaling may mga butihing loob na mamagitan para akayin sa tamang landas ang mga batang napapariwara.

Sa press conference ni Efren na idinaos sa Tokyo Philippine Embassy noong ika-6 ng Hulyo ay may isang mamamahayag na nagtanong kung ano ang maitutulong ni Efren sa mga batang Japanese-Filipino at mga magulang nito. Bilang tugon ni Efren sa madaling salita, tayong lahat ay may angkin na kabayanihan sa ating saloobin na dapat ibahagi.

Lingid sa kaalaman ni Efren sampu ng ating mga kababayan sa Japan ay marami sa mga batang Japanese-Filipino ang may magkaparehas na karanasan sa bullying at gangsterismo. Ang ma-bully at ang mga gang ay malawak na suliraning hinaharap ng mga batang Japanese-Filipino na laganap sa buong Japan. Isang sakit na hindi nararamdaman ang sintomas at lumalabas na lamang pagkatapos na nakagawa ng matinding krimen kagaya halimbawa ng sinapit ng anak na Japanese-Filipino na nalulong sa gangsterismo sa Kawasaki.

Wika nga ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan. Dama natin subalit hindi nakikita ang mga batang Japanese-Filipino na namumuhay sa trauma ng bullying at gangsterismo.

Malaking bilang na rin sa ating mga kababayan ang nagtuturo ng English sa mga batang Japanese. Subalit halos karamihan yata sa ating mga guro ng Ingles ay nakatingin lamang sa pagtuturo bilang kabuhayan at nakatuon sa may pambayad na anak ng mga Japanese. Para bang wala pa yata tayong narinig na Pilipino na gustong mag-training para maging guro para sa komunidad ng mga batang Japanese-Filipino.

Kung sakaling mayroon man na magkainteres sa batang Japanese-Filipino ay para ito pakantahin, pasayawin, paartehin at pagtindahin ng tiket na pang fund-raising daw sa mga nangangailangan at naghihirap sa Pilipinas. Kaya rin marahil ang mga batang Japanese-Filipino ay malayo ang loob sa mga ina at maging sa mga kasapi ng komunidad ng Pilipino. Sapagkat salat na nga lamang ang may puso na magturo sa tamang landas at mas marami pa yata ang mga nagsasamantala sa lakas at talino ng mga batang Japanese-Filipino.


Sa pagsasalamin sa Teaching With The Heart ni Efren sa mga kababyan natin na guro ng Ingles ay marami tayong aral na mahahalaw. Sabi nga ni Efren ay may kabayanihan sa kaibuturan ng ating puso. Subalit ang kabayanihan ay nasa sarili mong kinatatayuan at mula sa iyong pinanggalingan. Marahil ang tunay na kabayanihan sa puso ng mga Filipino sa Japan ay kung sa pakikipagkapwa ay unang pagtutuunan ng pansin ang kinabukasan ng ating mga batang Japanese-Filipino na pag-asa rin ng ating bayang tinubuan.

Miyerkules, Abril 15, 2015

‘Naruto Shinjidai Kaimaku Project’: A Commemoration and Continuation


Kasabay ng ika-50 edisyon ng Japanese manga magazine Weekly Shonen Jump ay inilathala ang pang-699 at 700 na kabanata ng Naruto, kung saan dramatikong nagharap muli ang magkaibigan at magkatunggaling sina Naruto at Sasuke.

Nagsimula ang serialization nito sa Shonen Jump noong Setyembre 1999 nang 25-taon pa lamang ang may likha na si Masashi Kishimoto at nagsisimula pa lang bilang isang “mangaka” (manga artist). Hindi rin inasahan ni Kishimoto na gayon kalaki ang magiging impluwensiya nito sa industriya ng manga at anime at sa iba’t ibang mga tao sa loob at labas ng Japan.

Early beginnings and lasting legacy of the series

Naging inspirasyon ni Kishimoto ang hilig nito kay Godzilla sa paglikha niya ng mga tinatawag na “tailed beasts” o mga dambuhalang nilalang gaya ng nine-tailed fox, gayon din ang “Dragon Ball” ni Akira Toriyama at “Sasuke” ni Sanpei Shirato. Paborito niyang mga karakter maliban kay Naruto at Sasuke sina Haku at Jiraiya na naging guro ni Naruto.

Sa loob ng hindi matatawarang 15-taong serialization nito, 700 kabanata, 72 manga volumes, mahigit 130 milyong kopyang naibenta sa Japan lamang, isinalin at makikita sa higit 30 bansa, 9 na anime films ay ang maraming leksiyon sa buhay na natutuhan ng mga tagahanga sa mahabang pakikipagsapalaran ni Naruto na isang ulilang naghahanap ng pamilya at pagkakakilanlan.

Naruto new era opening project

Kabilang sa Naruto Shinjidai Kaimaku Project ang kamakailan lamang na ipinalabas ang “

The Last: Naruto The Movie,” isang feature film tampok ang mga pangyayari dalawang taon mula sa huling kabanata sa manga.

Mayroon din na musical stage adaptation na “Live Spectacle: Naruto;”  music event na “Naruto The Live Vol. 0” tampok ang FLOW na kumanta sa “Hikari Oikakete” (Chasing the Light) na image song ng Naruto stage play, Aqua Timez, DOES, Daisuke, 7!!, Nogizaka46, DOES// at Tomita Shiori  na gaganapin sa Abril 11 sa Tokyo International Forum Hall C.

Isang manga mini-series din ang nakatakdang ilabas ngayong spring tungkol sa bagong henerasyon ng mga shinobi (ninja); isang serye ng light novels at ang bagong feature film na “Boruto – Naruto The Movie” na ilalabas sa darating na Agosto at tungkol kay Bolt (Boruto) na anak ni Naruto Uzumaki at Hinata Hyuuga.

Naruto Exhibition: Celebration of the completion of serialization

Malaking bahagi naman ng proyekto ang paglulunsad ng isang espesyal na exhibition, ang “Masashi Kishimoto Naruto Ten” na isang malakihang representasyon ng 15-taong kasaysayan ng Naruto.

Itatampok sa exhibition ang mga illustrations na nagpapakita ng mga sikat na eksena mula sa manga, koleksyon ng original arts ni Kishimoto, special film screening ng “Konoha Aun Za” sa isang 10m-wide screen, 3D models at dioramas, original music mula sa Yoshida Brothers, at library section kung saan makikita ang desk replica ni Kishimoto at mga materyal at konseptong ginamit ni Kishimoto sa pagbuo ng kwento ni Naruto.

Makakatanggap din ang lahat ng ticket holders ng kopya ng isang libreng 19-page manga chapter, ang “Shinden: Kaze no Sho” (New Legend: The Book of Wind) at ang mga advance tickets holders naman ay makakakuha pa ng isa pang 19-page manga chapter, ang “Shinden: Ikazuchi no Sho” (New Legend: The Book of Thunder) na ginawa mismo ni Kishimoto para sa exhibition.

Inilunsad din kamakailan ang Naruto app, kung saan makikita ang dalawang proyekto: Naruto Illustration Collection at free distribution ng “Naruto Hiden” series na tampok ang mga sikat na karakter sa kwento at tatakbo mula Pebrero – Hulyo bawat linggo  bilang selebrasyon sa official release ng Naruto Vol. 72, ang huling volume. May libreng access din sa 700 manga chapters at 220 episodes ng Naruto TV anime series.

Opisyal na magbubukas ang Tokyo exhibition sa Abril 25 – Hunyo 28 sa Mori Arts Center Gallery, Roppongi Hills bago lumipat sa Osaka sa summer na gaganapin sa Osaka Culturarium, Tempozan mula Hulyo 18 – Setyembre 27.



Lunes, Oktubre 7, 2013

Cosplay dito, Cosplay doon: Isang silip sa pagbibihis anime


Ni Herlyn Gail Alegre


Hindi na bago sa marami ang makakita sa personal man, telebisyon o magasin ng mga kabataang nakabihis anime – may magagarbong costume, makukulay na wig at mga replikang sandata. Ang cosplay (コスプレ kosupure) o pinaikling costume play ay kadalasang iniuugnay sa paggaya sa itsura, pananamit at kilos ng mga karakter sa anime ngunit kasama rin dito ang pagbibihis tulad ng iba pang karakter mula sa mga libro, video games at pelikula. Ang salitang ito ay pinauso ni Nobuyuki Takahashi, founder ng Studio Hard, isang publishing company sa Japan, nang dumalo siya sa World Science Fiction Convention sa Los Angeles, California noong 1984. 

Ayon sa ilang cosplayers, may iba’t ibang dahilan kung bakit sila naging interesado rito. Isang karaniwang sagot ay dahil nagiging outlet ito sa kanilang pagiging malikhain. May mga cosplayer na sila mismo ang tumatahi ng kanilang costume at gumagawa ng mga props. Dahil sa mga bagong kaibigang nakikilala at mga taong tumatangkilik ng kanilang gawa, nagkakaroon ang mga cosplayer ng “sense of belongingness” sa komunidad na ito. Nagkakaroon sila ng kalayaan na bumuo, tumuklas at bumuhay ng ibang bahagi ng kanilang pagkatao na siyang natatanggap at kinagigiliwan ng iba.

Maraming pamamaraan kung paano makakamtan ang matagumpay na paggaya sa isang karakter tulad ng pagkopya ng detalye ng costume, pagpapakulay ng buhok o pagusuot ng wig, paglalagay ng mga tattoo o contact lens at iba pang distinguishing mark ng karakter. Mayroong iba na gumagawa ng sarili nilang costume, mayroon namang mga tulad ko na mayroon nang nakasanayang mananahi na siyang nagko-customize ng mga costume. Mayroon din naman mga ready-made costumes na nabibili online na mayroong iba’t ibang sizes. Bahagi rin ng pagko-cosplay ang paggaya ng pamamaraan ng pag-arte, pagsasalita at pagkilos ng karakter. 

Cosplay sa Pilipinas
Nauso ang cosplay sa Pilipinas noong 1998. Isa sa mga naging popular venue ng pagko-cosplay ay ang mga anime convention na karaniwang ginaganap sa mga malls. Mayroong individual competiton kung saan isa-isang rarampa at magpapakilala ang mga kalahok. Mayroon din group competition kung saan maaaring magtanghal ng mga skits. Mayroon din mga grupo na nag-oorganisa ng mga outdoor photoshoots. Ilan sa mga kilalang cosplayer sa Pilipinas ay sina Alodia Gosiengfiao na binansagang “Queen of Philippine Cosplay” at kilala sa mga cosplay niya bilang Amane Misa (Deathnote), Haruhi Suzumiya (Haruhi Suzumiya no Yuutsu) at Shana (Shakugan no Shana); at Jin Joson na kilala sa pagko-cosplay ng mga lalaking characters tulad nina Uzumaki Naruto (Naruto) at Kenshin Himura (Rurouni Kenshin).

Cosplay sa Japan

Sa Japan, hindi lamang mga cosplay convention ang venue para makapag-cosplay. Maraming mga cosplayer na nakatambay sa may Meiji Jingu. Kinagawian na ng mga cosplayer na tumambay dito tuwing araw ng Lingo kaya maraming mga turista ang dumarayo rito para masilayan sila. Marami rin mga cosplay cafe at restaurants sa Akihabara kung saan nakasuot ng cosplay ang mga waitress na nagsisilbi rito. Ilan sa mga sikat na cosplayers sa Japan ay sina Kaname na nagbihis na bilang Sanji (One Piece,) at Kaito (Vocaloid); Reika Arikawa bilang Jinguji Ren (Uta no Prince) at Jean Kirschtein (Shingeki no Kyojin). Silang dalawa ay minsan nang naimbitahang bumisita sa Pilipinas upang makibahagi sa mga cosplay event doon.

Tips sa First-Time Cosplayers:

Sa mga nais sumubok mag-cosplay, narito ang ilan sa mga tips na maaaring maging gabay:

• Kung nagsisimula pa lamang, pumili ng simpleng costume. Ang mga karakter na naka- seifuku (school uniform) at casual na damit ang pinakamadaling gayahin. Hindi lamang nasusukat sa garbo ng costume ang tagumpay ng pagko-cosplay ngunit sa pagiging epektibo rin ng pagganap. Kasama rito ang pagkopya sa pagkilos at pagsasalita ng karakter.

• Araling mabuti ang detalye ng costume, accessories/sandata, kulay ng buhok at mata at iba pang detalye ng karakter. Pumili ng tamang tela para sa costume at iwasan ang makikintab at maninipis na tela na maaaring lumabas na hindi maganda sa mga litrato. Magsuot din ng magandang klase ng wig na kukumpleto sa costume. Maituturing na good investment ang wig para sa isang cosplayer dahil maaari itong magamit ng paulit-ulit.

• Siguraduhing maayos ang fit ng costume. Maraming oras ang itinatagal ng isang anime convention o photoshoot, kaya dapat ay kumportable ang costume at suot na sapatos. Hindi dapat masyadong masikip o malaswa ang costume, hindi rin dapat masyadong mabigat o malaki ang mga ito na nakakaabala na pala sa iba. 

• Higit sa lahat, huwag kalimutang i-enjoy ang moment. Sa pagkakataong suot mo ang costume na pinaghirapan mo, ikaw ang superhero, may kapangyarihan ka, kaya mong iligtas ang mundo, at superstar ka! Kaya huwag sayangin ang pagkakataong ito, maging confident at makipagkaibigan sa iba.

Cosplay Etiquettes

Kailangan din bigyan ng respeto ang mga nagko-cosplay. Kung magpapakuha ng litrato, magalang na magpaalam sa mga cosplayers kung maaaring magpakuha sa kanila at gawin lamang ito sa mga designated areas para hindi makasagabal o makaperwisyo sa iba. Huwag silang piliting gumawa ng mga awkward poses na malaswa at hindi naaayon sa kanila. Huwag din silang pilitin na magbigay ng personal na impormasyon tulad ng cellphone number at email. Mayroon namang mga cosplayer na may nakahanda nang meishi (business card) para sa mga gustong makipagugnayan sa kanila.

Iba-iba man ang ibig sabihin ng cosplay para sa maraming tao – isang hobby, a form of art o simpleng pampalipas oras – nagiging daan ito upang pag-ugnayin ang mga tao, bumuo ng pagkakaibigan at ilabas ang galing ng bawat isa. At sa paglipas ng panahon at pagdami ng mga gumagawa nito, higit lamang na gumaganda at tumitingkad ang larangan ng pagko-cosplay dito man o doon.


Miyerkules, Agosto 7, 2013

Bento: Isang malikhaing bersyon ng lunch box

Kuha ni Jovelyn Bajo


Malaking bahagi ng kultura ng Japan ang kanilang pagkain at isa na rito ay ang  malikhaing paraan ng isang lunch box, ang "bento." Ang ibig sabihin ng bento sa Ingles ay lunch box ngunit hindi ito kagaya ng kadalasang lunch box na nakikita ng karamihan sa atin. Ang salitang bento ay nagmula sa isang  termino sa katimugang bahagi ng Song Dynasty na ang ibig sabihin ay “convenience.”

Naiiba ang bento dahil sa paraan ng pagkakaayos at hugis nito. Importante sa isang bento na maging malikhain, puno ng magagandang kulay para maging kaaya-aya sa paningin. Para sa mga Hapon, hindi lang ang lasa ng pagkain ang pinagtutuunan ng pansin kundi pati rin ang pisikal na itsura nito. 

Sa mga Haponesa, pangkaraniwan na sa kanila ang ipaghanda ang kanilang mga anak, asawa, magulang, kapamilya o para sa sarili ng bento bago pumasok sa eskwelahan, sa opisina o pagpunta sa ibang lugar. Ito rin ay isang mabisang paraan para mas maging magana ang mga bata sa pagkain dahil natutuwa sila sa magagandang kulay at mga dekorasyon sa bento na gawa ng kanilang mga ina. 

Ayon sa mga pag-aaral, ang bento ay nag-umpisa mula pa noong Kamakura period kung saan ang luto at pinatuyong kanin na tinatawag na “hoshi-ii” ay nilalagay sa isang sisidlan. 

Mas higit na nakilala ang bento noong 1980’s ng magkaroon na ng microwave ovens at convenience stores. Ang mga dating sisidlan na gawa sa kahoy o metal ay napalitan na ng mas mura at disposable na lagayan. 

May iba’t ibang klase ng bento, ilan dito ang Kamameshi bento na itinitinda sa mga istasyon ng tren sa Nagano prefecture na niluto at nakalagay sa palayok na luwad; Noriben – na pinakasimpleng bento na may nori na isinawsaw sa toyo at nakapatong sa kanin; at Sake bento na isa ring simpleng bento na may inihaw na salmon bilang main dish at marami pang iba. 

May tatlong klase ng istilo sa pag-aayos ng isang bento. Isa na ang “kyaraben” ( character bento) na inaayos para magmukhang katulad ng mga sikat na Japanese anime, manga at video game characters. Ang “oekakiben” (picture bento) naman ay inaayos na gaya ng mga tao, hayop, gusali, bulaklak, halaman at monumento. 

Sa kalaunan, nagkaroon na rin ng ibang bersyon ang bento sa ibang bansa sa Asya gaya ng Pilipinas sa tinatawag nilang baon, Dosirak naman sa Korea, Pientang sa Taiwan at Tiffin sa India. 

Narito ang ilang gabay sa paggawa ng bento. Una, hatiin ang pagkain sa dalawang paraan – ang 4:3:2:1 ratio (4 parts rice, 3 parts side dish, 2 parts vegetables, 1 part dessert) o 1:1 ratio ( 1 part rice, 1 part side dish -1:2 ratio of meat and vegetables). Ito ay para magkaroon ng magkakaiba ngunit balanse at masustansiyang pagkain. Pangalawa, kumuha ng bento box na may compartments na naaayon sa tamang proporsyon ng bento. 

Pumili ng mga klase ng pagkain na maliwanag ang kulay dahil mas makulay mas masustansiya at mas kaakit-akit sa paningin tulad ng broccoli, carrots, strawberry, asparagus, black sesame seeds at iba pa. Higit sa lahat, gumawa ng kapansin-pansin na mga disenyo at hugis sa paggamit ng stencils at naayon sa temang gusto mo. At huli, isara ang lunch box ng mahigpit at ayusin ang mga ito ayon sa mga sukat.