Lunes, Marso 5, 2018

‘Love Always’ album is Shane Filan’s love letter to fans


Ni Len Armea
Kuha ni Jovelyn Bajo


Maituturing na personal para sa sikat na Irish singer-songwriter ang kanyang ikatlong solo album na “Love Always” dahil nilalaman nito ang ilan sa kanyang mga paboritong all-time classics na nilagyan niya ng kanyang sariling interpretasyon.

“This is an album I have been wanting to make for a long time, I love singing ballads and this album is full of some of my all-time favorite songs as well as some fan choices such as the Bangles hit ‘Eternal Flame’ which I never thought about covering but I loved recording, to one of my own personal favorites Bryan Adams’ ‘Heaven’,” pahayag ni Shane.

Espesyal din ito dahil bukod sa ilang cover songs ay mayroon din originals songs sa album na mismong siya ang sumulat gaya ng kantang “Unbreakable” na kasama sa 12-track album.

“Picking the tracks was the most difficult part of the process and I wanted to put my own take on them and I’m really proud of the versions I have done. There are also three brand new original tracks that I’ve written following requests by fans for some new music and I am really proud of how they sit alongside the other songs.”

Inamin ng pamosong singer na isang malaking pagkakataon na makanta ang mga awitin ng ilan sa paborito niyang mga mang-aawit. Pinakapaborito niya rito ang “Heaven” ni Adams dahil bata pa lamang umano siya ay pinapakinggan na niya ito.

“It’s probably because I’m such a big Adams fan. It’s a song I’ve had a big history with over the years,” pag-amin ng singer sa presscon na inihanda para sa kanya ng MCA Music kamakailan sa Marco Polo Ortigas.

Bukod sa kantang Heaven at Eternal Flame, kasama rin sa album ang “This I Promise You,” ng N’Sync, “Don’t Dream It’s Over” ng Crowded House, “Make You Feel My Love” ni Bob Dylan, “Need You Now” ni Lady Antebellum, at “I Can’t Make You Love Me” ni Bonnie Raitt.

Isinama rin ni Filan ang “Beautiful in White” ng Westlife na mayroon ng 70 milyon hits sa YouTube.

Kakaibang kaligayahan ang naramdaman ni Filan nang umpisahan na niya ang paggawa ng bagong album na ito. Dito rin umano naranasan ni Filan na mag-eksperimento ng bagong tunog at bagong atake para sa mga napiling kanta.

“I didn’t put songs there that meant nothing to me, all these songs I’m a fan of the singers.

“Even if it’s an original song or a new song or if it’s a cover version, I’m very picky with my vocals. When it comes to hearing the final mix of the song, I always want to tweak it or change it or do something or change the music,” ani Shane na aminadong “perfectionist” siya pagdating sa kanyang musika.

Aminado rin ang singer na pagkaraan ng limang taon simula nang magdesisyon siyang mag-solo ay mas kumportable na siya lalo na’t nakikita niyang buong-buo pa rin ang suporta sa kanya ng mga fans partikular na ng mga Pinoy.

“I really feel comfortable five years on. The first year was a bit weird and it was a bit scary and it was very new to me. I didn’t realize what it is going to be like or understand it. What I knew is singing, the one thing I love is singing and to be able to get to do that is amazing.

“Going forward every year is just getting better and better, the support I’m getting from the fans is growing every year. It’s going great,” dagdag pa ni Shane.

Kaya naman sa kanyang ikatlong album na Love Always ay talagang maririnig ang mensahe ng pagmamahal ng singer sa kanyang mga fans.

“The album title is actually my autograph, love always. I always write with ‘Love always, Shane’.”

Masaya rin na nagtanghal si Shane sa Robinsons Place Manila, Robinsons Galleria Cebu, at Robinsons Magnolia para i-promote ang kanyang album sa kanyang Pinoy fans na dinumog ang lugar upang mapanood siyang kumanta.

“It always makes me happy to be here,” ani Shane.

Huling bumista si Shane sa Pilipinas noog 2014 para i-promote ang kanyang unang album na “Everything to Me” na sinundan ng pangalawang album na “Right Here.”

Jerwin Ancajas, tagumpay sa ikaapat na IBF junior bantamweight title defense sa Texas



Hindi ko talagang naiisip na ikinukumpara ako kay Sir Manny pero sinisipagan ko sa laban para kahit kaunti man lang maging katulad ni Sir Manny,” ang tugon ni Jerwin “Pretty Boy” Ancajas (29-1-1, 20 KOs) sa post-fight interview nito sa ESPN kaugnay ng nakikitang pagkakaparehas nila ni Filipino champ Manny Pacquiao, partikular na sa karisma at ugali.

Ito ay pagkatapos niyang pabagsakin sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) sa 10th round si Israel “Jiga” Gonzalez (21-2, 8 KOs) ng Mexico. Ginanap ang laban ngayong Pebrero sa American Bank Center Corpus Christi, Texas.

A rousing US debut

Pinabilib ng tubong Panabo City, Davao del Norte na boksingero ang mga manonood at boxing experts sa ipinakita nitong bilis at galing sa kanyang U.S debut at kauna-unahang laban simula nang pumirma siya sa Top Rank, na siya rin nasa likod ng mataginting na karera ni Pacquiao, na co-promoter ng laban at itinuturing ni Ancajas na kanyang idolo at mentor.

Ayon sa CompuBox statistics, nakapagtala ang IBF junior bantamweight champion ng kabuuang 130 sa 477 shots o 27 porsyento samantalang si Gonzalez ay may 48 sa 303 shots o 16 porsyento.

Ang naturang tagumpay ni Ancajas ay ang ikaapat na beses nang naidepensa nito ang kanyang IBF junior bantamweight title. Mataginting din ang record ng 26-taong-gulang na si Ancajas dahil kasama na ang laban na ito sa 16 na panalong naitakda niya kung saan 15 rito ay sa pamamagitan ng knockout.

A new force to reckon with

Sa opening round pa lamang ay pinakitaan na agad ni Ancajas ng senyales si Gonzalez na hindi ito padadaig nang naimarka nito ang isang flash knockdown nang tumama ang kaliwang suntok nito sa panga ng Mexicano.

Nagsimulang uminit ang laban pagdating ng 5th round nang naging agresibo si Gonzalez nang ma-corner si Ancajas nang panandalian at naipasok ng Mexicano ang ilang mga kanang suntok nito. Sa kabila nito, mabilis na nakabawi si Ancajas gamit ang kanyang counter left at right hooks sa pagtatapos ng naturang round.

Pagpatak ng 10th round ay inaamok pa rin ni Gonzales si Ancajas na nagbigay ng pagkakataon sa Pinoy na maikasa ang left straight at sinundan niya ito ng looping left na tumama sa sentido ng Mexicano, na tuluyan nang naging hudyat ng pagtatapos ng laban sa loob ng isang minuto at 50 segundo ng naturang round.

Inaasahan naman ni Las Vegas matchmaker Sean Gibbons na kayang lumaban ni Ancajas ng tatlo pa ngayong taon lalo na’t hindi ito madaling tamaan.

Tinitingnan naman na susunod na hakbang ni Ancajas ang umakyat sa 115-pounds kung saan posible nitong makaharap sina WBA champion Khalid Yafai, WBC champion Srisaket Sor Rungvaisai at WBO king Naoya Inoue.

Heir apparent to the throne

Maging ang dating WBO welterweight champion Tim Bradley ay nakikitang si Ancajas ang papalit kay Pacquiao nang makita nito ang laban ng una bilang bahagi ng ESPN TV panel.
“Ancajas looked sharp. This kid will go far. Top Rank will bring him along. He’s got tremendous potential. I thought his 1-2 combinations were on point. It was an impressive showing in his U.S debut,” ani Bradley.

Ngunit inamin din niya malaki rin ang kailangan pang pagbutihin ng baguhang boksingero at iminungkahing, “For one, he should vary his punches. I didn’t see him throw too many uppercuts. He landed jabs, straights and hooks. You don’t want to be predictable. For another, I’d like to see more movement. He fought Gonzalez straight up. I don’t mean jumping out side-to-side. He should try shifting his balance laterally to create angles and find openings. One last thing, he should throw feints.

“It’s that Manny charisma that I see in Jerwin. My final advice to Ancajas is to stay focused,” ang pagbabahagi ni Bradley.


Gaano ka committed sa iyong pangarap?


Ni Phoebe Dorothy Estelle


Sa dalawang tao na may relasyon ay bagay na maipayo ang awitin ni Patty Smyth, na “Sometimes Love Just Ain’t Enough.” Kung gusto ng magkasintahan o mag-asawa na mas tumagal at lumalim ang kanilang pagsasama ay handa dapat silang maging committed sa isa’t isa.  Ito ay iyong tipong kahit sa hirap o ginhawa, sa maganda at pangit na panahon, o sa may bonus o wala ay itinalaga nilang magsama sila habambuhay. 

Subalit, alam mo bang hindi lamang sa relasyon sa tao magagamit ang commitment? Ito rin ay angkop pagdating sa pagkamit ng iyong pangarap at hangarin kahit sa pananalapi.

Tama na magkaroon ng malinaw na plano para sa iyong mga pangarap gaya ng makaipon ng pera.  Para naman magkaroon ng progreso ang mga plano ay kailangan ng aksyon. Napakadaling gawin ng mga ito, iyan ay kung inspirado ka at positibo ang iyong pakiramdam.

Paano naman sa mga araw na hindi? Sa mga araw na pwede namang huwag kang maghulog at gumastos? Kaya iba pa rin kung hindi ka lang nagpaplano at umaaksyon, dapat ay alam mong pangatawanan ang planong makaipon o yumaman.  Tandaan din na ang mga ganitong klaseng layunin ay pang matagalan o long term kaya tiyak na masusubok ang iyong katatagan.

“The secret to reaching your goals is commitment,” pahayag ni Heidi Reeder, PhD, may-akda ng “Commit to Win: How to Harness the Four Elements of Commitment to Reach Your Goals” sa WebMD.com.

Ani pa ni Reeder, ang isang rason kung bakit ayaw mag-commit ng mga tao sa kanilang gusto ay dahil sa kanilang pagkainip sa resulta.  Dapat din umano ay hindi mawawala ang  pagtutok sa pangarap at paggawa ng solusyon kahit pa sa maliliit na problemang mapagdadaanan.

Commitment, habit, lifestyle

May mga nagsasabi na ang commitment ay hindi disiplina. Subalit masasabing kapag committed ka ay makukundisyon ka na gawin ang mga bagay palagi at may kusa. Iyan ay kahit tinatamad ka pa, may pag-aalinlangan, at may sumpong. Ito rin ang magtutulak sa iyo para paglaban ang dati mong nakasanayan, at higit sa lahat ay kapag may mga tukso lalo na sa paggastos.

Ang pagiging committed sa iyong hangarin o pangarap ay gaya rin sa pagmamahal sa isang tao. Kahit nahihirapan ka ay hindi mo siya susukuan kasi nagdesisyon ka na mahalin siya sa hirap at ginhawa.  

Paano naman maging committed?

Kumpara sa relasyon sa tao na ang pag-ibig ang susi para maging committed ka sa iyong hangarin ay kailangan matukoy mo muna ang iyong malalim na hangarin. Kung gusto mo na makaipon ng pera ay para kanino o para sa anong rason. Kung gusto mong yumaman, sa anong dahilan?

Ito ba ay dahil galing ka sa hirap na minsan ay ‘di mo alam kung makakain pa kayo?  Iyong ayaw mo kasing maranasan na kapag nagkasakit sino man sa kapamilya mo ay wala kayong pang-ospital?  Iyon bang dahil ayaw mo na manghiram ng pera? Ayaw mong kabahan na baka bukas wala na kayong kuryente, tubig, at bahay? Ito ba ay dahil gusto mong matikman ang mga ipinagdamot at hindi mo pa nararanasan? Ano man ang iyong rason ay importante ito para may paghuhugutan ka sa mga simple o malaking hakbang na gagawin mo para yumaman.  

“Your beliefs become your thoughts.  Your thoughts become your words. Your words become your actions.  Your actions become your habits.  Your habits become your values.  Your values become your destiny,” ang tinuran ni Mahatma Gandhi.

Ang sunod na hakbang para maging committed ay pagdedesisyon na gawin ang iyong balak, maniwala sa iyong hangarin, at pagsasabuhay nito.  Ang pagkakaiba din ng pagiging committed ay magagawa nitong mabago ang iyong pagdadalawang-isip at pagpapadala sa emosyon. Higit sa lahat sa tulong nito ay mababago nito ang iyong buhay.

Linggo, Marso 4, 2018

Nuro: A self-driving vehicle to deliver the future of local commerce autonomously



“To accelerate the benefits of robotis for everyday life. We believe that great technology should benefit everyone. The team at Nuro is accelerating a future where robots make life easier and help us connect to the people and things we love. Together, we’re pushing the boundaries of robotics to improve human life.

Ito ang misyon ng Nuro, isang start-up technology company sa Silicon Valley na itinayo noong 2016 ng dalawang dating principal engineers – sina Dave Ferguson at Jiajun Zhung ng Google sa self-driving car project nito na ngayon ay tinatawag ng Waymo.

Binubuo ang maliit pa lamang na team nito ng mga eksperto sa robotics, consumer electronics, autonomous vehicles, at automotive industries na may mga karanasan mula sa malalaking kumpanya na GM, Uber, Apple, Waymo, Google, at Tesla. Hinirang din ang mga imbensyon at proyekto ng ilang mga miyembro nito sa mga kumpetisyon gaya ng DARPA Robotics Challenge, ImageNet, at DARPA Urban Challenge.

The self-driving vehicle made for local goods transportation

Maaari itong ilarawan na isang autonomous delivery boy o kaya ay isang mobile grocery cart ayon sa Design Boom. Hindi rin ito ginawang gaya ng hugis ng mga sasakyan at maliban dito, wala rin na makikitang kahit anong manual controls, gears, pedal at steering wheels sa loob nito.

Makikita naman sa bubungan nito ang sensor area kung saan nakalagay dito ang cameras, radars, at Light Detection and Ranging (LIDAR) para masigurado na ligtas ito habang umaandar sa labas. Nag-deploy din ang kumpanya ng anim na self-driving cars para makakalap ng data at mag-optimize ng ruta na ipinapadala sa prototype Nuro.

At dahil fully-autonomous ito (no driver, no passenger), mas maingat at alerto ang naturang self-driving vehicle sa mga nakapaligid dito – mga taong naglalakad o kaya ay nagbibisikleta, para mapanitiling ligtas ang mga taong maaaring makasalubong o makasalamuha. Sa tulong din ng kanyang narrow design sakali man na may taong biglaang tumawid, ‘di ka mababangga ng Nuro kaya’t nakatutulong din ang konsepto nito sa pag-iwas sa mga aksidente sa trapiko. 

Affordable convenience and electric efficient

On-road vehicle designed to transport goods — quickly, safely, and affordably. It delivers life’s needs at a price anyone can afford. With a flexible interior design, our vehicle handles errands of all kinds — from dinner to dry cleaning.”

Dagdag pa ng Design Boom, nakatuon ang Nuro sa “low-speed, local at last mile deliveries (when the product hits your nearest depot and needs a little help getting to your door).”

Ayon naman sa pag-aaral ng McKinsey, ang industriya ng last-mile deliveries ay patuloy na lumalaki, at nagkakahalaga nang may $86 bilyon. Patunay nito ang patuloy na pagbuo ng Amazon ng kanilang drone delivery concepts, gayon din ang AV cruise ng GM, e-palette concept ng Toyota na ipinakilala sa Consumer Electronic Show (CES)  nitong nakaraang buwan, at mga proyekto ng Ford at Tesla.

Kaugnay nito, layon din ng kumpanya na matugunan ang pangangailangan ng mga lokal na negosyo para makasabay sa lumalagong teknolohiya ng pagdadala ng mga produkto sa sektor ng commercial delivery.

Nitong Disyembre ay idinaos ng kumpanya ang Nuro Proving Grounds para maipakita kung paano tumakbo ang Nuro, ngunit nakatakda na rin na simulan ang public road testing sa huling bahagi ng taong ito.  

Nakalikom ang kumpanya ng $92 milyon mula sa fundraising at kasalukuyang nakikipag-diskurso sa mga retailers at delivery providers para sa posibleng kolaborasyon.

Amazon Spheres in Seattle: A botanical immersion in an urban landscape




Our goal with the spheres is to create a unique gathering place where employees could collaborate and innovate together, and where the Seattle community could gather to experience biodiversity in the center of the city. I am very proud and thankful to the entire team who made the spheres a reality – they did a terrific job from the design all the way to the finishing touches. We are thrilled to officially open the doors,” ang pahayag ni Amazon vice president of global real estate and facilities John Schoettler sa panayam ng Design Boom.

Habang pinagmamasdan ito mula sa labas ay kamangha-mangha na agad ang forward-thinking vision ng American global architecture, planning and design firm na NBBJ sa launching event kamakailan ng tinatawag na Amazon Spheres sa Seattle, isang office space project na bagong headquarters ng Amazon.

Realistic abstract: A mini-rainforest in the city  

Pitong taon din ang ginugol bago matapos ang naturang proyekto na tinatayang nagkakahalaga ng $4 bilyon, at hango sa resulta ng mga pag-aaral ng Amazon patungkol sa layunin nito ng “improvement of office spaces by linking them to nature.”

Mayroon itong tatlong biosphere domes na binansagang “the spheres” na steel-framed at glass-enclosed, at ang pinakamalaki rito na nasa gitna ay may taas na 90 feet at lapad na 130 feet in diameter.

Kabilang naman sa main features nito ang four-story living wall kung saan makikita ang 25,000 na halaman na nakalagay sa isang 4,000 square feet na mesh panels, paludariums (type of vivarium incorporating both terrestrial and aquatic elements), at epiphytic trees (plants that grow on other plants or other objects, abundant in moist tropical forest such as mosses, ferns, cacti, orchids, and bromeliads).

Sa tatlong biospheres ay makikita rin ang mga tree house meeting rooms na nakatayo sa mga matatayog na puno, mga ilog at talon na may katabing mga stone paths kung saan masarap maglakad-lakad na dinidekorasyunan ng tinatayang 400 plant species. Dagdag pa ng Bloomberg News, sa kabuuan ay makikita rito ang mahigit sa 40,000 na mga halaman na mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

An escape from the everyday office life

Dahil sa ‘di maiiwasang stress na dala ng pang-araw-araw na trabaho, ang Amazon Spheres ay magiging tropical-like environmental sanctuary ng mga empleyado ng Amazon, na kahit nasa gitna ng meeting ay nakakapag-relax din sila sa parehas na pagkakataon.
Maging ang klima sa loob ng mini-rainforest ay kontrolado at ‘di pabagu-bago na nasa 72 degrees at 60 porsyentong humidity, gayon din ang isang ventilation system na gumagawa ng simoy ng hangin ng parang ikaw ay nasa labas.

“The Spheres are a consequence of a lot of deep thought, and we wanted to create some very special – a unique environment for employees to come and collaborate and innovate. One thing that is missing between today’s workspace is a link to nature, and that’s what we’re doing here,” ang paliwanag ni Schoettler sa Amazon News YouTube page ng kumpanya.

Maliban sa ecological benefits nito, nakatulong din ang proyekto sa pagbibigay ng 600 na trabaho. Bukas din ang Amazon Spheres sa publiko na gustong pumunta rito, at dahil dito ay nagbibigay din ito ng oportunidad na pang-edukasyon sa komunidad ng Seattle sa pamamagitan ng field trips at tours na may kolaborasyon sa mga eskwelahan, unibersidad at mga institusyon.

Huwebes, Marso 1, 2018

Great movie love stories to binge-watch


Ni Jovelyn Javier


Sa mga Pinoy, isang araw lang ipinagdiriwang ang Valentine’s Day para mag-dinner date o mamasyal. Ngunit sa Japan, may Valentine’s Day – mga babae ang nagbibigay ng “giri-choco” “honmei-choco” at  “White Day” – mga kalalakihan ang nagbibigay ng return gifts (white chocolate, flowers) sa mga babae.

Magkaiba man ang tradisyon, kahit sino ay nag-e-enjoy sa panonood ng romantic movies. At dahil diyan, narito ang ilang mga pelikulang tinaguriang best romance movies mula taong 2000s hanggang 2010s.

Quiet longings, quirky rom-com, best love story ensemble, a Parisian musical

Simulan ito sa “In the Mood for Love” (2000) ni Wong Kar-wai, pangalawa sa “The 21st Century’s 100 Greatest Films” at “Best Asian Film of the Century” ayon sa BBC survey mula sa 177 film critics, at tungkol sa unconsummated love ng magkapitbahay na sina Su Li-zhen (Maggie Cheung) at Chow Mo-wan (Tony Leung) sa 1960s Hong Kong.

Isang time-transcending love ang “Il Mare” (2000) ni Jun Ji-hyun at Lee Jung-jae na may komunikasyon lamang sa pamamagitan ng mail box sa isang seaside house. Sinundan ito ni Jun Ji-hyun sa “My Sassy Girl” (2001) na second highest-grossing Korean film tungkol kay Gyeon-woo (Cha Tae-hyun), na makakatagpo ng lasing na babae (Jun Ji-hyun) sa train station.

Forbidden love naman ang makikita sa award-winning musical na “Moulin Rouge,” isang Parisian cabaret sa pagitan ng isang writer-poet na si Christian (Ewan McGregor) at sa pinakamagandang cabaret actress na si Satine (Nicole Kidman).

“To me, you are perfect.” Ito ang isang ‘di malilimutang eksena sa Christmas-themed romantic-comedy ni Richard Curtis na “Love Actually” (2003), tampok ang entwined stories ng walong pares ilang linggo bago ang Pasko sa London na ginampanan ng isang British ensemble cast.

Sci-fi and destiny, memories of lost love, geeky love story, and teen melodrama

Sa “Eternal Sunshine of the Spotless Mind” (2004), gamit ang isang medical procedure, gustong burahin ni Joel (Jim Carrey) sa memorya nito ang mga alaala ng dating kasintahang si Clementine (Kate Winslet) nang malaman niyang binura na siya nito sa kanyang memorya. 

Inuulit naman ni Ian (Paul Nicholls) ang trahedya ng kasintahang si Sam (Jennifer Love Hewitt) sa pagtatangkang mailigtas ito sa drama-fantasy na “If Only” (2004). Samantalang sa Japanese film na “Crying Out Love in the Center of the World” (2004), bumalik sa kanyang hometown si Saku (Takao Osawa) kung saan niya pakikinggang muli ang audio diaries ng kanyang high school sweetheart (Masami Nagasawa).

Base rin sa nobela ang “Train Man” (2005) kung saan makikilala ng isang otaku (Takayuki Yamada) ang sosyal na si Hermes (Miki Nakatani) sa loob ng tren nang iligtas niya ito sa isang lasing. Itinakda naman ng 9th highest-grossing Korean film na “Temptation of Wolves” ang breakout role ni Kang Dong-won bilang Taesung, isang lalaking may sikreto at madadawit sa love triangle sa kanyang karibal at isang country girl.

War-drama, distant love and rain, mournful yearning, charmingly-whimsical, time travel

“The story can resume. I will return. Find you, love you, marry you and live without shame,” ang sinabi ni Robbie (James McAvoy) kay Cecilia (Keira Knightley) sa award-winning romantic epic na “Atonement” (2007) na pinaghiwalay ang landas dahil sa panlilinlang ni Briony, nakababatang kapatid ni Cecilia.  

Isang “three-act story about time, distance, loss of innocence, and forgetting,” naman ang award-winning animated film na “5 Centimeters per Second” (2007), ang definitive masterpiece ni Makoto Shinkai, na sinusundan ang kwento ni Takaki mula 1990s - 2010s. Sinundan ito ni Shinkai sa atmospheric “The Garden of Words” (2013) tungkol sa aspiring shoemaker na si Takao na pumupunta sa isang parke kapag umuulan sa umaga, dito niya makikilala ang isang misteryosong babae na si Yukari.

Sa “Norwegian Wood” (2010/ from Haruki Murakami’s novel), binabalikan ni Toru (Ken'ichi Matsuyama) ang buhay noong 1960s, nang magpatiwakal ang bestfriend nitong si Kizuki na nakaapekto nang lubos kay Naoko (Rinko Kikuchi). Biglang babalik sa buhay niya si Naoko sa pagkakataong nakilala niya ang masayahing si Midori (Kiko Mizuhara).

Nang matuklasan ni Tim (Domhnall Glesson) na may abilidad siyang makabalik sa nakaraan, matututuhan niya kung gaano ang dapat niyang kontrolin sa pag-ibig at gaano rin ang dapat ay hayaan niyang mangyari sa time-travel romance na “About Time” (2013). Dahil naman sa maling lunchbox delivery (Mumbai’s Dabbawallahs, lunchbox delivery system), mabubuo ang koneksyon sa pagitan ng isang malungkot na maybahay (Nimrat Kaur) at isang widower na malapit nang magretiro na si Saajan (Irrfan Khan) sa Indian film na “The Lunchbox” (2013).