Ipinapakita ang mga post na may etiketa na art. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na art. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Pebrero 5, 2019

Cultural Center of the Philippines handog ang samu’t saring art events sa ika-50 anibersaryo ngayong taon




Marami ang kaabang-abang na mga aktibidad ang dapat antabayanan na idaraos ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ngayong taon sa selebrasyon ng organisasyon ng ika-50 anibersaryo simula nang buksan ito noong Setyembre 8, 1969.

Ngayong taon, higit na espesyal ang mga inihanda ng CCP para sa publiko at maging mga turista para lalo pang hikayatin ang publiko sa pagtangkilik ng tunay na maipagmamalaking kultura at sining na gawang Pinoy.

Pagbubukas ng Tanghalang Ignacio Gimenez

Magaganap ang inagurasyon sa darating na Setyembre ng pinakabagong black box theater ng CCP na pinangalanang Tanghalang Ignacio Gimenez, na hango sa pangalan ng negosyante at aktibong tagapagtaguyod ng theater arts na si Ignacio Gimenez, na naging malaking bahagi sa katuparan ng nasabing proyekto.

May kapasidad ito na 300 katao at opisyal na magbubukas sa Oktubre 4.

“Adventurous ideas, adventurous collaboration, and adventurous audiences,” ang magiging overarching theme ng mga experimental theater, contemporary shows, at multimedia explorations na ipapalabas dito.

Dalawang anniversary gala shows din ang idaraos Setyembre ngayong taon bilang opisyal na simula ng selebrasyon.

Pangunguna sa pagdaraos ng AAPPAC

Pangungunahan din ng CCP bilang host ang pagdaraos ng Conference of the Association of Asia Pacific Performing Arts Centres (AAPPAC), na pinakamalaking alyansa ng mga pangunahing performing arts venues sa rehiyon ng Asya kung saan magtitipun-tipon ang iba’t ibang mga propesyonal sa industriya ng performing arts.

Kaugnay nito ang pagpupulong ng mga performing arts organizers sa Federation of Asia Cultural Promoters para talakayin ang mga tour opportunities para sa Asian traditional performance, Western classical at First Philippine Performing Arts Market na isang showcase, network at business matching opportunity para sa mga performing arts groups.
Bahagi rin nito ang unang Asia Grand Prix for Choral Singing na itinuturing na pinakamataas na parangal sa chorale at singing competitions na gaganapin sa Hulyo. Isa itong proyekto ng CCP kasama ang Andrea O. Veneracion (AOV) International Festival, Singapore International Choral Festival, at Bali International Choral Festival.

Pagpapalawig sa sining at kultura

Ngayon taon ay ipinagdiriwang din ng Pasinaya, Virgin Labfest, at Cinemalaya ang anibersaryo na kilala bilang mga signature events ng CCP.

Mula sa dalawang araw ng open house Pasinaya Festival na pinakamalaking multi-arts fest ng bansa ay magiging tatlong araw na ito sa Pebrero kung saan magkakaroon ng workshops, film screenings, artist market, showcase, at exhibitions.

Dadalhin naman sa Cagayan de Oro at Siliman sa susunod na taon ang Virgin Labfest na tampok ang mga “untried, untested, and unstaged” one-act plays mula sa mga baguhan at kilala ng mandudula sa Hulyo.

Inaasahan din ang mas malawak na pagpapalabas ng mga Cinemalaya films sa commercial cinemas at pagbubukas ng bagong film section nito.

Tatakbo naman tuwing Martes – Linggo simula Setyembre na libre sa publiko. Isasagawa sa front ramp kaharap ng CCP fountain ang lights and sound show, live performances at video mapping.

CCP Libre at iba pang pagtatanghal

Nakatakda rin gawin ang “CCP Libre: 50 free shows at the CCP” na hinihikayat ang publiko na makibahagi at manood ng iba’t ibang pagtatanghal na pang-sining, ngunit wala pang inanunsyo na partikular na mga programang ipapalabas.

Magtatanghal naman ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) kasama ang mga pinagpipitagang international musicians gaya na lang ng pianist na si Hiyas Hila ngayong buwan, na susundan naman nina Hungarian concert pianist and conductor Tamás Vásáry (Pebrero 8), Japanese conductor Yoshikazu Fukumura at Hong Kong cellist na si Ray Wang (Marso 15), at Japanese guitarist Kiyoshi Shomura (Abril 12).

Isasagawa rin ang unang Arts and Social Media Festival sa Oktubre, anniversary publications, architecture at visual arts exhibitions, digital time capsule, Kaisa sa Sining Conference, Imagine Nation: Forum on the Role of Arts Education in National Development, at audience development activity na Siningkwenta.

Martes, Enero 8, 2019

‘Awakenings’ exhibition: An artistic expanse of changes in Asian societies




Nagbukas nitong Oktubre ang “Awakenings: Art in Society in Asia 1960s-1990s” exhibition sa National Museum of Modern Art in Tokyo (MOMAT) at nagtapos noong Disyembre 24, 2018 bago ito tumulak sa South Korea  at Singapore sa susunod na taon.

Bukas naman ang MOMAT mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko ng hapon at may admission ticket na ¥1,200 (adults), ¥800 (university students) at libre sa mga high school students, at persons-with-disability at kanilang kasama.

Makikita ang exhibition sa Art Museum Special Exhibition Gallery ng MOMAT na matatagpuan sa 3-1 Kitanomaru-koen, Chiyoda-ku.

An exploration of different responses to shared problems

Nahahati ito sa tatlong tema: Questioning “Art”: Development of New Ways of Artistic Expression, Artists and “City”: Places Where New Arts Developed, at In Pursuit of New “Solidarities”: The Formation of Artist Collectives.

Sa una, bunsod ng paglaki ng campus activism sa mundo, sinimulan nito ang kritisismo sa modernisasyon at pagkwestiyon sa konsepto ng “art.”  At sa halip na umayon sa kilala nang pamamaraan noon gaya ng paintings at iskultura, nabuo ang mga bagong klase ng artistic expression gamit ang mga pang-araw-araw na materyales at katawang-tao.

Sentro naman ang imahe ng mga siyudad bilang “nurturing environment for artistic experiements” noong 1960s at pagkatapos ng dekada sa ikalawang tema, kung saan binago ng mabilis na modernisasyon ang pamumuhay ng mga tao. Ngunit nagkaroon naman ng mga problema sa kahirapan, consumer society, at ethnic conflicts.

Tampok naman sa ikatlong tema ang paglitaw ng mga artist groups na may adbokasiya ng pagkakaisa at mga grupong may cross-genre activities, gayon din ang “communicative power of art.” At sa paglalayong maibahagi ang realidad sa maraming tao, nadiskubre ang bagong pamamaraan ng ekspresyon ng sining nang magsimulang gumamit ng mga billboards, banners, murals, at videos.

The transitional period of modern art to contemporary art

Kulminasyon ito ng limang-taong proyekto ng MOMAT, National Gallery Singapore, National Museum of Modern and Contemporary Art Korea (MMCA), at Japan Foundation Asia Center.

Tinipon dito ang 140 obra (paintings, sculptures, prints, photographs, performances, videos, installations) ng mahigit sa 90 artists/groups na mula sa iba’t ibang panig ng Asya kabilang ang Japan, Hong Kong, South Korea, Taiwan, Malaysia, Indonesia, Thailand, India, China, Singapore, at Pilipinas.

Sa loob ng 30 dekada, marami ang naging mga kaganapan sa rehiyon dahil sa pagkakaroon ng kalayaan mula sa kolonisasyon, modernisasyon, at mga ideolohikal na kumprontasyon sa panahon ng Cold War, Vietnam War, pagbagsak ng mga rehimen, at pag-usbong ng pro-democracy movements gaya ng People Power Movement sa Pilipinas noong 1986.

Ilang halimbawa ng mga obrang tampok ang “Fullness of Time” ni Filipino artist Renato Habulan, mga posters/paintings ng United Artists’ Front ng Thailand, experimental short film na “Eyes” ni Rajendra Gour ng Singapore, at “The White Hare of Inaba” (1970/2012), isang video pieces digest ng performance group Zero Jigen ng Japan.


Martes, Oktubre 3, 2017

‘Creation is a Solitary Pursuit’ exhibition makikita sa pagbubukas ng Yayoi Kusama Museum


Taong 2014 pa nang matapos ang 5-story building na may salamin na bintana sa Shinjuku Ward na gawa ng Kume Sekkei ngunit isa lang ang alam ng publiko tungkol dito, na pag-aari ito ng Yayoi Kusama Studio. Tatlong taon ang nakalipas, kamakailan lamang inanunsyo na ito pala ang Yayoi Kusama Museum na nagbukas nitong Oktubre 1.

Pinamagatang “Creation is a Solitary Pursuit, Love is What Brings You Closer to Art” ang inaugural exhibition na magbubukas sa naturang museo at tatakbo hanggang Pebrero 25 sa susunod na taon.

Sentro ng exhibition ang 16 mula sa pinakabagong painting series ng artist na “My Eternal Soul” na itinampok sa kanyang solo exhibition sa National Art Center, Tokyo Minato Ward. Itatampok din ang iba pang mga bagong gawa ni Kusama gaya ng “Love Forever” series, isang black-and-white drawing collection, isang red pumpkin, at installation piece na ginawa mismo para sa pagbubukas ng museo.

Fill up for your infinity obsession

“A polka-dot has the form of the sun, which is a symbol of the energy of the whole world and our living life, and also the form of the moon, which is calm. Round, soft, colorful, senseless and unknowing. Polka-dots become movement ... Polka dots are a way to infinity.”

Pamamahalaan ito ng Yayoi Kusama Museum Foundation sa pangunguna ni museum director Akira Tatehata  na siyang pangulo ng Tama Art University at namamahala sa Museum of Modern Art, Saitama.

Magho-host din ang museum ng rotating exhibitions dalawang beses sa isang taon at mayroon din lectures tungkol sa mga obra ng world-renowned avant-garde artist na si Kusama, na kilala sa kanyang mga polka dot, net patterns at infinity mirror installations.

Sa unang palapag ay makikita ang gift shop, exhibition spaces para sa mga artworks ni Kusama sa ikalawa at ikatlong palapag, immersive installations naman sa ikaapat, at reading room na naglalaman ng mga materyales at dokumento na may kaugnayan sa mga obra ni Kusama sa ikalimang palapag, at outdoor space.

Nakatakda naman ang gallery talks ni museum curator Yuji Maeyama sa Oktubre 7 at Oktubre 28, Sabado, 2:30pm at lecture ni Tatehata sa 3rd floor gallery sa Oktubre 22, Linggo, 2:30pm na tatalakayin ang mga kasanayan at mga koleksyon ni Kusama partikular na ang “My Eternal Soul” series.

70 years of artistic obsession

 “If it hadn’t been for art, I would have killed myself a long time ago.” Bahagi ito ng sanaysay na “Why do I create art?” ni Kusama na matagal nang nakikipaglaban sa mental illness at nagsimulang makaranas ng hallucinations noong 10-taong-gulang siya.

Inilarawan niya ang mga ito na “flashes of light, auras or dense field of dots,” gayon din ang mga bulaklak na nakikipag-usap sa kanya, at mga dibuho na dumarami na para bang nilalamon siya na tinawag niyang “self-obliteration”

Aniya, nahumaling din siya sa mga makikinis na putting bato sa may ilog na malapit sa kanyang family home. Ngayon, ang mga ito ang nagsisilbing impluwensiya ng mga obra ni Kusama.

Isang illustrated children’s book din ang ilalabas sa Oktubre 10, ang “Yayoi Kusama: From Here to Infinity” na gawa nina illustrator Ellen Weinstein at Museum of Modern Art (MoMA) curator Sarah Suzuki. Ipinapakita rito ang buhay at karera ni Kusama mula sa kanyang early visions (the world covered in polka dots), sa pag-alis nito sa Japan sa edad na 28 patungong Seattle, New York, at Venice hanggang sa pagbabalik niya sa Japan noong 1970s kung saan boluntaryo siyang pumasok sa isang mental institution.

Nitong 2014 ay pinarangalan siya ng The Art Newspaper dahil sa mahigit dalawang milyong museum attendance sa kanyang “Infinite Obsession” exhibit sa South at Central America.
Nasa 107 Bentencho, Shinjuku-ku, Tokyo ang Yayoi Kusama Museum at bukas ng 11am-5pm tuwing Huwebes – Biyernes at national holidays. May general admission fee na ¥1,000 at apat na admission time slots. Kinakailangan din ang bumili ng advanced tickets sa official website nito na http://yayoikusamamuseum.jp/en

Biyernes, Pebrero 7, 2014

The BenCab Museum: House of Art

Ni Len Armea
Isa sa pinupuntahan sa Baguio ay ang
BenCab Museum. (Kuha ni Oliver Calingo)

Isa sa pinakapopular na lugar na pinupuntahan ng mga turista sa Baguio City ay ang BenCab Museum kung saan makikita ang mga naggagandahang paintings at iba pang art collections ng National Artist for Visual Arts na si Benedicto Reyes Cabrera, mas kilala sa tawag na BenCab.

Pagpasok na pagpasok sa apat na bahagdan na museo ay agad na bubungad ang ilan sa mga paintings ng 71-taong-gulang na artist kabilang na ang naging pinakainspirasyon nito sa pagguhit na si “Sabel.” Binubuo ang museo ng iba’t ibang galleries kung saan ang bawat isa ay may kanya-kanyang tema na kaaaliwaan at hahangaan ng mga bumibisita.

Hindi mo mamamalayan ang oras sa pagpunta sa bawat gallery: BenCab Gallery, Cordillera Gallery, Erotica Gallery, Sepia Gallery, Philippine Contemporary Art Gallery 1, Philippine Contemporary Art Gallery 2, Maestro Gallery, Print Gallery, Patio Salvador and Larawan Hall.
Makikita sa Bencab Gallery ang mga gawa mismo ni BenCab -- mga paintings na kanyang iginuhit sa loob ng apat na dekada niyang pagpipinta. 

Makikita sa mga paintings na ito ang naging inspirasyon ni BenCab sa paglikha ng kanyang obra partikular na si “Sabel” na isang taong-grasa na kanyang nakita nang siya’y nakatira pa sa Maynila. Halos ang mga paintings na ito ang nagkukuwento sa naging buhay ni BenCab at naging impluwensiya sa kanya mula sa kanyang paglaki sa Maynila, pagpunta sa Lodon, pagbabalik ng Pilipinas noong 1980s at pagpili sa pagtira sa Baguio City noong 1986.

Nakabahay naman sa Maestro Gallery ang ilan sa mga gawa nina Aguinaldo, Chabet, Edades, Joya, Legaspi, Luz, Magsysay-Ho, Sanso, Zobel at ilan pang kilalang artists mula sa larangan ng sining sa bansa.

Mamamangha naman ang mga bisita sa iba’t ibang collection ni BenCab ng mga tribal artifacts at indigenous artifacts na mula sa Baguio City na isa sa mga dahilan kung bakit nito pinili na mamalagi sa Baguio. Kabilang sa mga collection niya ay ang bulol granary gods, at ilang bagay na nililok mula sa kahoy tulad ng furniture, kutsara, kasangkapan, at baskets.

Sa Print Gallery naman matutuklasan ang isa pang hilig ni BenCab – ang pagkuha ng litrato. Matatagpuan dito ang ilan sa mga makabagong litrato, postcards at lumang mapa.

Sa Erotica Gallery naman matatagpuan ang mga paintings, sculptures, drawings at iba pang artworks ni BenCab at ilan pang artists kung saan may temang sekswal.

For nature lovers

Napakalawak ng Bencab Museum kaya bukod sa pagligid at paghanga sa mga obra maestro ay magugustuhan din ng mga bisita ang nasa paligid ng museo. Mayroong mini-forest sa labas, herb garden kung saan nakatanim ang carrots at spring onions, mga halaman at iba’t ibang klase ng bulaklak, kubo sa gitna ng mini-lake, at hanging bridge. Matatanaw din sa paligid ang mga bulubundukin ng Baguio City.

Mayroon din restaurant sa baba ng museo na tinawag na Café Sabel.

BenCab: The Artist

Ipinanganak noong 1942, hindi naging madali para kay BenCab na ipinanganak sa Malabon at lumaki sa Sta. Cruz, Manila na tuparin ang kanyang pangarap. Subalit, simula noon pa ay hindi ito tumigil sa pagguhit at pagpipinta. Sa edad na pito ay nagpipinta na sa mga pader at palitada si BenCab.

Nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral ng kursong Fine Arts sa University of the Philippines noong 1960s sa pamamagitan ng Castro Scholarship ngunit hindi niya ito natapos. Nagtrabaho si BenCab bilang layout artist sa Liwayway Magazine at sa edad na 24 ay nagkaroon na siya ng kauna-unahan niyang painting exhibition.

Noong 1964 ay natagpuan nito ang kanyang “muse” o inspirasyon sa pagpipinta sa katauhan ng isang taong-grasa na nagngangalang Sabel. Para kay BenCab, si Sabel ay simbolo ng kahirapan, kawalan ng pag-asa at pag-iisa dala ng mga pangyayaring hindi inaasahan.

Nagtuloy-tuloy ang pagpipinta ni BenCab, nakarating siya sa London, nagsagawa ng ilang art exhibits, kinilala ang kanyang galing at nagtamo ng  mga parangal, at lalo nitong pinalawig at pinag-ibayo ang kaalaman at kagalingan sa sining.

Noong 2006, itinanghal si BenCab na National Artist for Visual Arts, isa sa pinakamataas na parangal na ibinibigay sa isang alagad ng sining.