Lunes, Marso 4, 2019

Isang bentahe nga ba ang pagiging ‘workaholic’ sa negosyo?




Dalawa sa sumikat na ekspresyon ng mga millennial ay ang “You Live Only Once” (YOLO) at ang “Fear of Missing Out” (FOMO).  Maraming mabuti at masamang kahulugan ang mga ito gaya na lamang ng pagiging workaholic o “work addict.” Ang tanong ay mabuti o masama pa ba ang pagiging workaholic? May paraan din ba na walang napapalagpas nang hindi subsob sa pagtatrabaho?

Workaholic is work addiction

Maraming tao na ipinapalagay na kapag sila ay abala sa trabaho o negosyo ay nangangahulugan na sila ay may silbi o mahalaga. May pagkakataon na posible, pero maaari rin na hindi totoo.  Iyan ay lalo na kung nagpapakaabala sa mga bagay na hindi naman talaga magpapasaya sa kanila. Ganoon din kung ibibigay nitong tagumpay ay walang saysay sa bandang dulo.

Sa artikulong “Overcome Your Work Addiction” ni Leslie A. Perlow, isang manunulat at leadership professor sa Harvard Business School, ay iniugnay niya ang pagiging workaholic sa “successholic” o adiksyon para makamit ang tagumpay.  Aniya, maraming tao ang may maling  pakahulugan sa salitang tagumpay.

“We’re obsessed with work because of the satisfaction we get from the kudos for achievement, not because of some deep-seeded satisfaction from working long hours, as an end in itself,” saad pa ni Perlo na founder din ng Better Work Institute. Dagdag pa niya ay dapat  baguhin kung alin ang pahahalagahan, sa halip na baguhin mismo ang sarili para magtagumpay.

Work addiction is not a solution

Kailangan doblehin ang sipag ng mga maliit at bago pa lang sa pagnenegosyo.  Iyan ay dahil na rin sa kinakapa pa ang sistema, operasyon, at gastusin. Isa pa’y ang negosyante mismo ang gumagawa ng lahat ng gawain, maliit man o malaki.  Bunsod nito, sila ay napapakiling na magpaka-workaholic sa bandang huli.

Subalit gaya rin ng mga empleyado, ang  pagiging workaholic ng negosyante ay makakasama sa kanya at kanyang pagnenegosyo. Kung titingnan ang mga extreme workaholic ay palaging puyat, nagugutuman,  at walang oras para sa sarili. 

Siyempre hindi makakabuti una sa kalusugan  gayon din sa  sariling pag-unlad at pamamahala ng negosyo. Ilan sa kumplikasyon ng pagiging workaholic ng isang negosyante ay pagkakaroon ng mababang produksyon at benta. Nangyayari iyan paunti-unti dahil nauupos na ang pinakamahusay na bersyon niya. Iyan ay dahil masyado na siyang abala at pagod sa iba’t ibang bagay.

Work smart versus work hard

Kung nais umabante sa  karera o negosyo man, sa halip na working harday  dapat kumiling sa  “working smart.”  Ang ideyang ito ay ang pagkakaroon ng  mahusay at mainam na istratehiya sa pagtatrabaho. Hindi naman kailangang bago o naiiba ang istratehiya kundi  kailangang pag-aralan at gawin para mapainam ang produksyon.

Sa mga negosyante, “working smart” ang paggamit ng teknolohiya para mabilis magawa ang bagay-bagay gaya ng online banking,  online meeting, at webinar para iwas  sa paggasyos sa transportasyon.

Isang halimbawa rin ng working smart ang pagkuha ng mga empleyado na magtatrabaho sa kani-kanilang bahay.  Makakatipid  ang negosyante sa   office at salary expense,  gayon din mababawasan ang kanyang mga tinatrabaho. Kung ganoon ay mas luluwag ang kanyang oras at uunlad ang kanyang negosyo nang hindi niya kailangang magpaka-workaholic. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento