Linggo, Marso 3, 2019

Mga bigating book-to-big screen adaptations na inaabangan ngayong 2019


Ni  Jovelyn Javier


Para sa mga tagahanga ng literary novels, nakatutuwa ang makitang maisabuhay sa pelikula ang mga minamahal na karakter at mga kwento sa mga paboritong nobela.  

Ngayong taon, patuloy pa rin ang pagpupugay ng Hollywood sa mga nobela sa pamamagitan ng  mga salaysay nitong nakaka-antig, misteryoso, nakamamangha, nakakatakot, at kapana-panabik sa iba’t ibang genreperiod war drama, family drama, mystery at fantasy, coming-of-age, detective stories, crime thriller at suspense, at horror.

Pagtatambal nina Keira Knightley at Alexander Skarsgård

Magtatambal sa unang pagkakataon sa “The Aftermath” si Academy Award-nominee Keira Knightley (Atonement, Colette) at award-winning Swedish actor Alexander Skarsgård (HBO’s True Blood/Big Little Lies, The Legend of Tarzan) sa isang sweeping period romance-drama na batay sa 2013 nobela ng British author na si Rhidian Brook.

Nakatakda ang kwento nito sa Hamburg, Germany noong 1946 na nag-iwan ng malaking trauma at pagkasira sa siyudad at sa mga Germans.

Bilang isa nang British Occupied Zone at sa gitna ng bumabalot na tensyon ay naatasan si British colonel Morgan (Jason Clarke) sa rekonstruksyon ng Germany. Ikinabigla ng kanyang asawang si Rachel (Knightley) na kailangan nilang tumira sa isang mansyon kasama ni Stefan (Skarsgård), isang German na biyudo at kanyang anak na babae.

Sa direksyon ni James Kent, at mula kay executive producer Ridley Scott, Scott Free Productions, BBC Films at Fox Searchlight Pictures, mapapanood na ang The Aftermath sa Marso 15 (US initial release) at Abril 26.

Pagbabalik ni Pennywise

Mula sa tagumpay ng “IT” (2017) na hango sa 1986 supernatural-horror ni Stephen King, magbabalik at magkikita muli sa “IT: Chapter Two” ang mga miyembro ng Losers’ Club na ngayon ay nasa tamang edad na sa fictional town na Derry, Maine.

Pagkatapos ng 27 taon, kailangang harapin muli ng Losers’ Club ang mga kahindik-hindik na pangyayari sa kanilang pagkabata noong 1989 sa mga kamay ng Dancing Clown na si Pennywise nang matanggap nila ang isang tawag.

Nagbabalik sa kanyang pagganap bilang Pennywise ang Swedish actor na si Bill Skarsgård (Netflix’ Hemlock Grove, Atomic Blonde), at sina James McAvoy (Glass, Split), Jack Ryan, Bill Hader, Isaiah Mustafa, James Ransone, Andy Bean, at Jessica Chastain (Zero Dark Thirty, Crimson Peak) bilang adult versions ng Losers’ Club sa direksyon ni Andy Muschietti
Mula sa New Line Cinema at Vertigo Entertainment, ipapalabas ang IT: Chapter Two sa Setyembre 6.
Isang klasiko ni Louisa May Alcott
Taong 1994 nang huling mapanood bilang pelikula ang 1868 beloved classic ni Louisa May Alcott na “Little Women” na umani ng papuri sa mga kritiko at itinampok sina Susan Sarandon, Trini Alvarado, Claire Danes, Kirsten Dunst, at Winona Ryder.

Ngayong taon, muling mababalikan ang kwento ng apat na March sisters sa panahon ng American Civil War sa mga bagong pagganap nina Emma Watson (Beauty and the Beast), Saoirse Ronan (Mary Queen of Scots), Eliza Scanlen (HBO’s Sharp Objects), Florence Pugh (AMC’s The Little Drummer Girl), Timothée Chalamet (Call Me By Your Name), Laura Dern (HBO’s Big Little Lies), at Meryl Streep sa direksyon ni Greta Gerwig.

Ito rin ang ikalawang pagsasama sa proyekto nina Gerwig, Chalamet at Ronan mula sa award-winning na “Lady Bird” (2017). Mula sa Columbia Pictures at Sony Pictures Entertainment, ipalabas ang Little Women sa Disyembre 25.

Para sa thriller, crime, sci-fi fans

Nakatakda rin ang pagpapalabas ng mga film adaptations ng mga thriller novels na “The Woman in the Window” (Oktubre 4) ni A.J. Finn na tampok sina Amy Adams, Julianne Moore at Gary Oldman; “The Goldfinch” (Oktubre 11) ni Donna Tartt, tampok sina Nicole Kidman, Ansel Elgort, at Sarah Paulson; at “The Good Liar” (Nobyembre 15) ni Nicholas Searle na pinagbibidahan nina Helen Mirren at Ian McKellen.

Nariyan din ang crime-drama na “The Informer” (Agosto 16) nina Anders Roslund at Börge Hellström, tampok sina Clive Owen, Ana de Armas, Joel Kinnaman, at Rosamund Pike; at adventure-scifi na “Artemis Fowl” (Agosto 9) ni Eoin Colfer, tampok sina Judi Dench, Josh Gad, at Miranda Raison.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento