Si Pope Francis noong siya ay bumisita sa Pilipinas noong 2015. (Kuha mula sa Malacañang Photo Bureau) |
Nakatakdang bumisita si
Pope Francis sa Japan sa darating na Nobyembre.
Ito mismo ang inanunsyo
ng Santo Papa sakay ng papal plane patungong Panama kamakailan para daluhan ang
isang pagtitipon ng mga batang Katoliko.
“I will go to Japan in
November,” aniya sa tanong ng isang mamamahayag na Hapon kung plano ba niyang
bumisita sa bansa.
Hinimok din niya ang mga
tao na maghanda.
Ayon kay Alessandro
Gisotti, ang interim Director ng Holy See Press Office, ang Apostolic Voyage of
the Pope to Japan “is in the phase of being studied.”
“As the Holy Father has
already said on other occasions, he has a great desire to go to this country,”
dagdag pa niya.
Ito ang magiging
kauna-unahang papal visit sa Japan matapos ang halos 40 taon kasunod nang
pagbisita rito ni Pope John Paul II noong 1981 kung saan siya ay lumuhod at
nagdasal sa harap ng Hiroshima Peace Park.
Matatandaang hiniling ni
Prime Minister Shinzao Abe pati na rin ng mga alkalde ng Hiroshima at Nagasaki
na bisitahin ni Pope Francis ang dalawang prepektura para palaganapin ang
kamalayan tungkol sa mga panganib na dulot ng nuclear weapons.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento