Malapit na makumpleto ang kailangan na recycled metals para sa paggawa ng mga medalya na gagamitin sa 2020 Olympic at Paralympic Games. (Kuha mula sa Tokyo 2020) |
Inanunsyo ng Tokyo
Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games kamakailan na malapit
na nilang maabot ang target para sa koleksyon ng mga recycled na metal mula sa
mga luma at sirang mobile phones at electronic gadgets para gamitin sa paggawa
ng 5,000 medalya na igagawad sa mga mananalong atleta sa Tokyo 2020.
Ayon sa komite,
matatapos ang kanilang kampanya para sa Tokyo 2020 Medal Project sa darating na
Marso 31.
“Thanks to the huge
levels of support from the public and companies across Japan and from national
and international athletes, it is estimated that the remaining amounts of
metals required to manufacture all Olympic and Paralympic medals can be
extracted from the devices already donated,” saad ng Tokyo 2020 sa isang
pahayag.
Inilunsad ang proyekto
noong Abril 2017 at nitong nakaraang Nobyembre 18 ay mayroong humigit-kumulang
sa 2,400 NTT Docomo stores at 1,594 municipal authorities sa buong Japan ang
nagsisilbing collection centers para sa mga luma at sirang mobile phones at
electronic gadgets.
Nakakolekta naman ng
humigit-kumulang sa 47,488 tonelada ng discarded devices ang mga municipal
authorities habang mahigit sa limang milyong gamit na mobile phones naman ang
nai-donate sa mga NTT Docomo stores hanggang noong Oktubre 2018.
“The targeted amount of
bronze – some 2,700kg – was already extracted from these by June of last year.
By October 2018, 28.4kg of gold (93.7% of the targeted 30.3kg) and 3,500kg of
silver (85.4% of the targeted 4,100kg) had been sourced from the donated
devices.”
Samantala, ilulunsad ang
disenyo ng Tokyo 2020 Olympic and Paralympic medals sa darating na summer
ngayong taon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento