Ipinapakita ang mga post na may etiketa na FilCom Chorale. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na FilCom Chorale. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Hunyo 24, 2014

FilCom Chorale Japan nagbalik-tanaw sa isang konsiyerto


Ni Florenda Corpuz

 
Kuha ni Alvin Tamayo
Muling nagbalik-tanaw ang grupong FilCom Chorale Japan, sa ilalim ng patnubay nina Dr. Mel Kasuya at Leith Casel-Schutz, sa pamamagitan ng isang konsiyerto na pinamagatang “Nostalgia: A Concert of Filipino Classics” na ginanap kamakailan sa Shibuya Cultural Center Owada – Sakura Hall sa Tokyo.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagtanghal ng ‘Nostalgia’ concert ang grupo na nabuo dahil sa kanilang natatanging pagmamahal sa musika, kultura, bansa at sa Diyos.

Ilan sa mga inawit ng FilCom Chorale Japan ay ang mga timeless Filipino classics mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas tulad ng “Tilibum,” “Ako ay Pilipino,” “Ili-ili,” “Sa Libis ng Nayon,” “Magtanim ay ‘Di Biro,” “Kalesa,” “Manang Biday,” “Sarung Banggi,” “Pobreng Alindahaw,” “Dandansoy,” “Usahay,” “Dahil sa Isang Bulaklak,” “O Ilaw,” “Dahil Sa’yo,” “Ikaw ang Mahal Ko,” “Katakataka,” “Maalaala Mo Kaya,” “Minamahal Kita,” “Lahat ng Araw,” “Dalagang Pilipina,” “Tanging Diyos Lamang Ang Nakakaalam,” “Saan Ka Man Naroroon,” “Gaano Kita Kamahal,” “Bayan Ko” at “Pilipinas Kong Mahal.”

Layon ng konsiyerto na palaganapin ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng musika at magpaabot ng tulong sa Typhoon Yolanda rehabilitation project.

Ang FilCom Chorale Japan ay binubuo ng mga magagaling na Pilipinong mang-aawit mula sa iba’t ibang choir groups sa Japan. Unang nagtanghal ang grupo sa isang misa nang bumisita si Pangulong Benigno C. Aquino III noong Nobyembre 14, 2010 sa Futaba High School sa Yokohama.

Lunes, Hunyo 2, 2014

Mga awit ng papuri at pag-ibig ng FilCom Chorale

Ni Elvie Okabe, DBA/MAE

“Music is the language of the soul,” ay isang kasabihan na nagpapaalaala sa ating sarili
Kung ano ang nagagawa ng musika sa atin kahit anumang emosyon ang ating pinagdaraanan. Kagaya na lamang ng concert na iprinisinta ng FilCom Chorale kamakailan sa Shibuya Cultural Center Owada – Sakura Hall sa Shibuya, Tokyo.

Pinamagatang “Nostalgia,” inawit ng FilCom Chorale ang 27 na mga kanta na puro classic Filipino songs na patungkol sa Diyos, Inang Bayan, papuri at pag-ibig. Ilan sa mga ito ay ang “Sa Ugoy ng Duyan,” “Paruparong Bukid,” “Tilibum,” “Ili-ili,” “Sa Libis ng Nayon,” “Magtanim ay ‘Di Biro,” “Kalesa,” “Ang Dalagang Pilipina,” “Manang Biday,” “Sarung Banggui,” “Pobreng Alindahaw,” “Dandansoy,” at Usahay.”

Kinanta rin nila ang “Dahil sa Isang Bulaklak,” “O Ilaw,” “Dahil Sa Iyo,” “Ikaw ang Mahal Ko,” “Katakataka,” “Maalaala Mo Kaya,” “Minamahal Kita,” “Lahat ng Araw,” “Diyos Lamang ang Nakakaalam,” “Saan Ka Man Naroroon,” “Gaano Kita Kamahal,” “Bayan Ko,” “Pilipinas Kong Mahal” at “Ako ay Pilipino.”

The FilCom Chorale group was informally organized in November 2013 upon the request of the former Philippine Embassy Consul General Solphie Confiado for them to sing at the Holy Mass which is the first gathering with President Noynoy Aquino and the Filipino community in Japan.  According to FilCom Chorale’s Musical Director, Dr. Mel Kasuya, because they were “driven by the passion for music and the commitment to serve, the members easily re-grouped in time for the 2nd Filipino Community Gathering with President Aquino in September 2011.”

Sa kasalukuyan, ang FilCom Chorale ay binubuo ng 24 na miyembro na kinabibilangan ng mga Musical Directors na sina Ms. Mel Zulueta-Kasuya at Ms. Leith Casel-Schutz (pianist); Sopranos – Angie Saito, Emily Mizuno, Emily Suarez, Janet Navarro, Josie Mori, Liz Dojo, and Norma Go; Tenors – Chino Caddarao, Dexter Pellerin, Jo Gel Santiago, Reyven Osorio, and Ernie Lumenario; Altos – Becky Pellerin, Julfa Torii, Kareem Yongque, Lilian Shiina, and Narisa Iju; Bass – David Genesis Cruz, Deck Ortiz, Elmer Casilang, Leroy Llorente, at Ricky Buenaventura. 

Talaga namang maipagmamalaki natin silang mga kababayan dahil sila ay very committed sa kanilang advocacy sa pamamagitan ng pag-donate ng proceeds ng kanilang concert sa ANCOP Foundation para sa pag-opera ng mga batang may cleft palette.

Lahat ng mga dumalo sa pangunguna at suporta ng mga Philippine Embassy in Japan officials na sina Ambassador Manuel Lopez, Minister of Cultural Affairs Angelica Escalona, Minister/Consul General Jocelyn Tirol-Ignacio, former Consul General & Mrs. Solphie Confiado, at ilang Filipino priests, ay talaga namang nag-standing ovation at nagre-request ng pa ng encore dahil sa napakagandang blending ng mga boses ng FilCom Chorale group.  Kahit mga Japanese at iba pang nationalities na nanood ay natuwa at tila nakapag-relax sa mga musikang inihandog ng grupo kahit ‘di man nila naintindihan ang bawat salita sa mga kanta.

Ang FilCom Chorale ay mapapanood din sa mga major Filipino gatherings sa Japan gaya ng yearly “Barrio Fiesta” at mga pagtitipon sa Philippine Embassy sa Tokyo, at iba pa, kaya naman tuwing Miyerkules ng gabi ay nagkikita-kita ang mga miyembro  upang mag-ensayo.

Nawa ay may napulot tayong mga aral sa buhay sa pamamagitan ng mga gawain ng ating mga kababayan sa FilCom Chorale. 


Katatapos lang po ng Mother’s Day last May 11 at heto naman po ang Father’s Day sa June 15, ngunit hindi lang po sana minsan sa isang taon ang pagpapakita natin ng pagmamahal at paggalang sa ating mga magulang.  Let’s remember that among the ten commandments of God, only the 4th commandment has God’s promise, “Honor your father and your mother, so that you may live long in the land the Lord your God is giving you.” (Exodus 20:12)

Lunes, Mayo 27, 2013

Filcom Chorale, ipinamalas ang galing sa concert


FilCom Chorale
Kaisa sa pangarap ng mga Pilipino sa Japan na ipakilala at ibahagi ang mayamang kultura ng Pilipinas upang magkaroon ang mga Japanese ng kamalayan lalo na sa mga awiting Pilipino, ang Filcom Chorale ay nagtanghal sa isang charity concert na pinamagatang “Kay Ganda ng Ating Musika: Isang Pagbabalik Tanaw” kamakailan sa Theater 1010, Tokyo. 

Itinampok sa concert ang mga klasikong awiting Pilipino upang muling buhayin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kagandahan ng musikang Pilipino.  Ang nalikom sa konsiyerto ay nakalaan sa medical missions sa Pilipinas para sa mga batang may bingot (cleftlip).  Ang pagtatanghal at pagtulong na ito ay nagbigay katuparan sa mission and vision ng Filcom Chorale  na “Amare et Servire” na ang ibig sabihin ay “to love and serve the Lord.”

Nagpamalas ang Filcom Chorale ng world class performance  sa harap ng mahigit na 400 na piling mga bisita kabilang si Ambassador Manuel Lopez, mga opisyales at kawani ng Embahada, Department of Tourism at European Union, ilang Japanese guests at mga kababayang Pilipino sa Tokyo at karatig-lugar.  Binuksan ang concert sa pagkanta ng “Maalaala Mo Kaya” habang binigyang buhay ng awiting “Sa Libis ng Nayon” ang disenyo ng entablado.

Kasama sa repertoire ang iba't ibang folk songs gaya ng “Paru-parong Bukid,” “Kalesa,” “Katakataka,” at mga regional songs tulad ng “Usahay,” “Dandansoy” at “Pobreng Alindahaw.” Isa sa masayang bahagi ng palabas ay ang “harana” na binigyang buhay ng mga awiting “Sarung Banggi,” “Manang Biday” at “O, Ilaw.”

Hindi rin pahuhuli ang Filcom Chorale sa pagkanta ng kundiman na kinabibilangan ng  “Saan Ka Man Naroroon,” “Dahil Sa ‘Yo,” “Minamahal Kita,” “Ikaw ang Mahal Ko” at “Lahat ng Araw.”  Huling inawit naman ang “Diyos Lamang ang Nakakaalam,” na isang awitin tungkol sa kahalagahan ng buhay.

Ipinakita sa konsiyerto ang tunay na katangian ng mga Pilipino na pagiging  mapagmahal, malikhain at makabayan sa pamamagitan ng mga awiting tatak Pinoy.

Lubos na nagpapasalamat ang Filcom Chorale sa lahat ng tumulong at nakibahagi upang maisakatuparan ang pangarap na konsiyerto.