Ni Elvie Okabe,
DBA/MAE
“Music
is the language of the soul,” ay isang kasabihan na nagpapaalaala sa ating
sarili
Kung
ano ang nagagawa ng musika sa atin kahit anumang emosyon ang ating
pinagdaraanan. Kagaya na lamang ng concert na iprinisinta ng FilCom Chorale kamakailan
sa Shibuya Cultural Center Owada – Sakura Hall sa Shibuya, Tokyo.
Pinamagatang
“Nostalgia,” inawit ng FilCom Chorale ang 27 na mga kanta na puro classic
Filipino songs na patungkol sa Diyos, Inang Bayan, papuri at pag-ibig. Ilan sa
mga ito ay ang “Sa Ugoy ng Duyan,” “Paruparong Bukid,” “Tilibum,” “Ili-ili,” “Sa
Libis ng Nayon,” “Magtanim ay ‘Di Biro,” “Kalesa,” “Ang Dalagang Pilipina,” “Manang
Biday,” “Sarung Banggui,” “Pobreng Alindahaw,” “Dandansoy,” at Usahay.”
Kinanta
rin nila ang “Dahil sa Isang Bulaklak,” “O Ilaw,” “Dahil Sa Iyo,” “Ikaw ang
Mahal Ko,” “Katakataka,” “Maalaala Mo Kaya,” “Minamahal Kita,” “Lahat ng Araw,”
“Diyos Lamang ang Nakakaalam,” “Saan Ka Man Naroroon,” “Gaano Kita Kamahal,” “Bayan
Ko,” “Pilipinas Kong Mahal” at “Ako ay Pilipino.”
The
FilCom Chorale group was informally organized in November 2013 upon the request
of the former Philippine Embassy Consul General Solphie Confiado for them to
sing at the Holy Mass which is the first gathering with President Noynoy Aquino
and the Filipino community in Japan.
According to FilCom Chorale’s Musical Director, Dr. Mel Kasuya, because
they were “driven by the passion for music and the commitment to serve, the
members easily re-grouped in time for the 2nd Filipino Community
Gathering with President Aquino in September 2011.”
Sa
kasalukuyan, ang FilCom Chorale ay binubuo ng 24 na miyembro na kinabibilangan
ng mga Musical Directors na sina Ms. Mel Zulueta-Kasuya at Ms. Leith
Casel-Schutz (pianist); Sopranos – Angie Saito, Emily Mizuno, Emily Suarez,
Janet Navarro, Josie Mori, Liz Dojo, and Norma Go; Tenors – Chino Caddarao,
Dexter Pellerin, Jo Gel Santiago, Reyven Osorio, and Ernie Lumenario; Altos –
Becky Pellerin, Julfa Torii, Kareem Yongque, Lilian Shiina, and Narisa Iju;
Bass – David Genesis Cruz, Deck Ortiz, Elmer Casilang, Leroy Llorente, at Ricky
Buenaventura.
Talaga
namang maipagmamalaki natin silang mga kababayan dahil sila ay very committed
sa kanilang advocacy sa pamamagitan ng pag-donate ng proceeds ng kanilang
concert sa ANCOP Foundation para sa pag-opera ng mga batang may cleft palette.
Lahat
ng mga dumalo sa pangunguna at suporta ng mga Philippine Embassy in Japan
officials na sina Ambassador Manuel Lopez, Minister of Cultural Affairs
Angelica Escalona, Minister/Consul General Jocelyn Tirol-Ignacio, former Consul
General & Mrs. Solphie Confiado, at ilang Filipino priests, ay talaga
namang nag-standing ovation at nagre-request ng pa ng encore dahil sa
napakagandang blending ng mga boses ng FilCom Chorale group. Kahit mga Japanese at iba pang nationalities
na nanood ay natuwa at tila nakapag-relax sa mga musikang inihandog ng grupo
kahit ‘di man nila naintindihan ang bawat salita sa mga kanta.
Ang
FilCom Chorale ay mapapanood din sa mga major Filipino gatherings sa Japan gaya
ng yearly “Barrio Fiesta” at mga pagtitipon sa Philippine Embassy sa Tokyo, at
iba pa, kaya naman tuwing Miyerkules ng gabi ay nagkikita-kita ang mga miyembro
upang
mag-ensayo.
Nawa
ay may napulot tayong mga aral sa buhay sa pamamagitan ng mga gawain ng ating
mga kababayan sa FilCom Chorale.
Katatapos
lang po ng Mother’s Day last May 11 at heto naman po ang Father’s Day sa June
15, ngunit hindi lang po sana minsan sa isang taon ang pagpapakita natin ng
pagmamahal at paggalang sa ating mga magulang.
Let’s remember that among the ten commandments of God, only the 4th
commandment has God’s promise, “Honor your father and your mother, so that
you may live long in the land the Lord your God is giving
you.” (Exodus 20:12)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento