Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paralympics. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paralympics. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Abril 3, 2018

Libreng Wi-Fi sa bullet train ilulunsad ng Japan Railway


Para matugunan ang demand ng mga dayuhang turista bago sumapit ang 2020 Tokyo Olympics and Paralympics ay sisimulan na ng Japan Railways (JR) ang paglalagay ng libreng serbisyo ng wi-fi sa mga Shinkansen bullet trains nito.

Nakatakdang ilunsad ng East Japan Railway Co. (JR East) ang free wi-fi service nito sa Akita, Hokuriku at Tohoku Shinkansen lines sa darating na Mayo, sa Yamagata Shinkansen Line sa fiscal 2019 at sa fiscal 2020 naman sa Joetsu Shinkansen Line.

Sisimulan naman ng Central Japan Railway Co. ang free wi-fi service nito sa Tokaido Shinkansen Line sa kalagitnaan ng 2018. Sa parehong taon din ay isasagawa din ito ng West Japan Railway Co., Kyushu Railway Co. at Hokkaido Railway Co.

Una nang naglunsad ng libreng serbisyo ng wi-fi ang Toei subway at Tokyo Metro subway noong 2015 at inaasahang mailalagay sa lahat ng tren nito pagsapit ng 2020.

Isinagawa na rin ito ng Toei buses na una nang nagpatupad sa libreng serbisyo ng wi-fi noong Marso 2014.

Target ng administrasyon ni Prime Minister Shinzo Abe na magtala ng 40 milyong foreign tourist arrivals pagsapit ng taong 2020 kasabay ng pagho-host ng Tokyo sa Olympic at Paralympic Games.

Linggo, Disyembre 11, 2016

Olympic flag tour sinimulan sa Tohoku

Ni Florenda Corpuz


Kuha mula sa Tokyo 2020

Sinimulan na ng Tokyo 2020 Organising Committee ang Olympic flag exhibition tour sa Tohoku bilang bahagi ng pagsuporta sa muling pagbangon ng rehiyon na matinding naapektuhan ng 2011 Great East Japan Earthquake.

Dumating sa plaza sa harap ng Fukushima Prefectural Government Office sa Fukushima City ang Olympic at Paralympic flags nitong unang linggo ng Nobyembre na mainit at masayang sinalubong ng mga lokal na residente na karamihan ay mga bata.

Iprinisinta ni Tokyo 2020 Olympic and Paralympic Flag Tour Ambassador Mikako Kotani, na bronze medallist sa synchronised swimming sa Seoul 1988 Olympic Games kasama si Tokyo Governor Yuriko Koike, ang mga bandila kay Fukushima Prefecture Governor Masao Uchibori.

Dumalo rin si Tokyo Olympic and Paralympic Games Minister in charge Tamayo Marukawa at sumama sa mga Olympians at Paralympians mula sa Fukushima Prefecture kabilang si Olympic basketball competitor at Tokyo 2020 Athletes’ Commission member Mikiko Hagiwara.

“I can still remember how excited I felt the moment I walked into the stadium at the Atlanta Olympics,” ani Hagiwara.

“Find an athlete who can serve as a role model and work hard to be like that person,” dagdag pa nito.

Nagpahayag din ng kani-kanilang “sense of expectation” ang mga atleta sa Tokyo 2020 sa pamamagitan ng pakikisalamuha, pakikipag-usap at pagwawagayway ng bandila.

Nakatakda rin dumating sa Iwate, Miyagi at Kumamoto Prefecture ang Olympic at Paralympic flags na mga naapektuhan ng lindol at tsunami noong 2011 at 2016.

Samantala, inilunsad din ng Fukushima Prefecture ang isang cultural event sa ilalim ng Tokyo 2020 Support Programme na tinawag na “Future from Fukushima - Local Treasures Folk Culture Preservation Project,” kung saan nagkaroon ng two-day cultural festival na tinawag na “Home Town Festival 2016 in Shirakawa.” Nagtanghal dito ang amputee dancer na si Koichi Omae na nagtanghal din sa Rio 2016 Paralympic Games Closing Ceremony.

“13 years ago I had my left foot amputated, but I came back from that. I came back from it by accepting the change. I wanted to go back to how I was before, but that wasn’t possible. However, change was possible, and with everyone’s support I was able to become a professional dancer once again. I think everyone has gone through such an experience, whether it’s losing ability or youthful looks with age, choosing not to give in to inability but rather adapting to it. I want every one of us to accept change and use that as a resource to help Fukushima and other affected areas,” pagbibigay inspirasyon ni Omae.

“This event is the first under the auspices of the Tokyo 2020 Support Programme’s ‘Recovery’ category to be held in Fukushima prefecture. We consider recovery and support to be a cornerstone of what the Tokyo 2020 Olympics and Paralympics are about. We are here to spread awareness of this project throughout the country so that we can collaborate and work together to boost the recovery of Japan’s earthquake-hit regions,” pagtatapos naman ni Tokyo 2020 Organising Committee Executive Director of the Bureau of Administration Koji Tejima.

Martes, Oktubre 14, 2014

Toranomon Hills: The Catalyst of Tokyo’s Transformation Towards 2020 Olympics

Ni Florenda Corpuz


Binuksan kamakailan sa publiko ang pangalawa sa pinakamataas na gusali sa Tokyo – ang Toranomon Hills na hudyat ng ginagawang transpormasyon sa siyudad bilang “international city” bago ang 2020 Tokyo Olympics and Paralympics.

May taas na 247 metro, mas maliit ng isang metro kumpara sa Midtown Tower, aabot sa 52 palapag ang gusali ng Toranomon Hills na binuo ng Mori Building Co. ayon sa “Vertical Garden City” concept nito sa halagang Y140 bilyon.

“Hello, Mirai Tokyo! The future of Tokyo begins here,” ganito isinalarawan ng Mori Building Co. ang Toranomon Hills sa kanilang advertising slogan na sinamahan pa ng isang masayahing tiger character mascot na tinawag nilang “Toranomon.” Si Toranomon ay isang “cat-style business robot” na nilikha ng Fujiko F. Fujio Productions na may gawa rin sa sikat na karakter na si Doraemon.

Itinayo ang Toranomon Hills sa ibabaw ng bagong gawang Toranomon-Shinbashi stretch of Loop Road No. 2, isang underground road na may habang 1.4 kilometro at kumokonekta sa mga business districts ng Toranomon at Shinbashi. Inihalintulad sa sikat na Champs-Elysees sa Paris ang kalsada at dudugtungan pa upang pag-ugnayin ang Main Olympic Stadium, at iba pang lugar sa katimugang Tokyo kung saan naman itatayo ang Athletes’ Village at iba pang venue na gagamitin sa Olimpiyada.

Ang pagbubukas ng Toranomon-Shinbashi stretch of Loop Road No. 2 ay simbolo ng unang hakbang tungo sa public-private partnership na pinapangunahan ng Mori Building Co. at Tokyo Metropolitan Government upang muling bigyang buhay ang central Tokyo.


Matatagpuan sa loob ng Toranomon Hills ang mga office spaces na umuokupa sa ika-anim hanggang ika-35 palapag ng gusali, conference facilities, high-end residences, retail shops at restaurants, 6,000㎡ open space at greenery pati na rin ang Andaz, ang kauna-unahang boutique luxury hotel ng Hyatt sa Japan. Naka-display din sa loob ng gusali ang mga artwalls na gawa ng mga sikat na Chinese contemporary artists na sina Zhan Wang at Sun Kwak.