Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Olympics. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Olympics. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Setyembre 7, 2017

‘3 Years to Go to the Olympic Games Tokyo 2020’ event isinagawa


Kuha mula sa Tokyo 2020

Nakilahok ang humigit-kumulang sa 5,000 katao kabilang ang mga Japanese Olympians at Paralympians sa pagdiriwang ng “Tokyo 2020 Flag Tour Festival / 3 Years to Go to the Tokyo 2020 Games” event para markahan ang eksaktong tatlong taon bago ang Opening Ceremony ng Tokyo 2020 Olympic Games sa Tokyo Citizens’ Plaza sa Shinjuku kamakailan.

Ito ay pagpapakilala rin sa Nationwide Tokyo 2020 Flag Tour na may layong dalhin ang kagalakan ng Tokyo 2020 Olympic and Paralympic Games sa bawat sulok ng bansa.

Dinala sa Tokyo ang Olympic at Paralympic flags mula Rio noong nakaraang taon at ipinarada sa iba’t ibang lugar kabilang ang mga prepektura na naapektuhan ng 2011 East Japan earthquake at Kumamoto earthquake noong 2016.

Itinampok dito ang bagong projection mapping display kung saan ipinalabas ang video light show sa harapan ng gusali ng Tokyo Metropolitan Assembly na sinabayan ng musika at nagpakita sa mga atraksyon ng Tokyo bilang host city at power of sports.

Naglaban-laban din ang mga manonood, Olympians at Paralympians sa isang computer game na ipinalabas sa malaking screen na nagbigay-sulyap sa kung ano ang maaaring asahan ng mga tao mula sa Tokyo 2020.

“Although there have been some bumps along the way, many of the challenges have been overcome. Overall preparation is well underway, and we have also successfully reached an agreement with related parties on general costs and role sharing,” pahayag ni Tokyo 2020 President Yoshiro Mori.

“As there are only three years until Tokyo 2020, we have commenced the preparation of more intangible aspects of the Games – the mascots, the torch relay and the Opening and Closing Ceremonies. We have committees set up for each of those projects, with experts who represent Japan in those fields. We hope to show the best of Tokyo and Japan through the innovative initiatives that we are implementing in the lead up to what we believe will be the most exciting Games ever.

“As we enter the next stage of preparations, we are thrilled at the prospect of hosting the Olympic and Paralympic Games, and we remain committed to working hard so that in three years time we will be able to welcome our guests from around the world and deliver a most exciting summer festival.”


Sinabi rin niya na gumawa sila ng Tokyo 2020 “happi” o tradisyonal na Japanese jacket, espesyal na “yukata” o casual “kimono” at naglabas ng tradisyonal na dance song na pinamagatang “Tokyo Gorin Ondo 2020” para ipagdiwang ang inaabangang Olimpiyada.

Linggo, Disyembre 11, 2016

Olympic flag tour sinimulan sa Tohoku

Ni Florenda Corpuz


Kuha mula sa Tokyo 2020

Sinimulan na ng Tokyo 2020 Organising Committee ang Olympic flag exhibition tour sa Tohoku bilang bahagi ng pagsuporta sa muling pagbangon ng rehiyon na matinding naapektuhan ng 2011 Great East Japan Earthquake.

Dumating sa plaza sa harap ng Fukushima Prefectural Government Office sa Fukushima City ang Olympic at Paralympic flags nitong unang linggo ng Nobyembre na mainit at masayang sinalubong ng mga lokal na residente na karamihan ay mga bata.

Iprinisinta ni Tokyo 2020 Olympic and Paralympic Flag Tour Ambassador Mikako Kotani, na bronze medallist sa synchronised swimming sa Seoul 1988 Olympic Games kasama si Tokyo Governor Yuriko Koike, ang mga bandila kay Fukushima Prefecture Governor Masao Uchibori.

Dumalo rin si Tokyo Olympic and Paralympic Games Minister in charge Tamayo Marukawa at sumama sa mga Olympians at Paralympians mula sa Fukushima Prefecture kabilang si Olympic basketball competitor at Tokyo 2020 Athletes’ Commission member Mikiko Hagiwara.

“I can still remember how excited I felt the moment I walked into the stadium at the Atlanta Olympics,” ani Hagiwara.

“Find an athlete who can serve as a role model and work hard to be like that person,” dagdag pa nito.

Nagpahayag din ng kani-kanilang “sense of expectation” ang mga atleta sa Tokyo 2020 sa pamamagitan ng pakikisalamuha, pakikipag-usap at pagwawagayway ng bandila.

Nakatakda rin dumating sa Iwate, Miyagi at Kumamoto Prefecture ang Olympic at Paralympic flags na mga naapektuhan ng lindol at tsunami noong 2011 at 2016.

Samantala, inilunsad din ng Fukushima Prefecture ang isang cultural event sa ilalim ng Tokyo 2020 Support Programme na tinawag na “Future from Fukushima - Local Treasures Folk Culture Preservation Project,” kung saan nagkaroon ng two-day cultural festival na tinawag na “Home Town Festival 2016 in Shirakawa.” Nagtanghal dito ang amputee dancer na si Koichi Omae na nagtanghal din sa Rio 2016 Paralympic Games Closing Ceremony.

“13 years ago I had my left foot amputated, but I came back from that. I came back from it by accepting the change. I wanted to go back to how I was before, but that wasn’t possible. However, change was possible, and with everyone’s support I was able to become a professional dancer once again. I think everyone has gone through such an experience, whether it’s losing ability or youthful looks with age, choosing not to give in to inability but rather adapting to it. I want every one of us to accept change and use that as a resource to help Fukushima and other affected areas,” pagbibigay inspirasyon ni Omae.

“This event is the first under the auspices of the Tokyo 2020 Support Programme’s ‘Recovery’ category to be held in Fukushima prefecture. We consider recovery and support to be a cornerstone of what the Tokyo 2020 Olympics and Paralympics are about. We are here to spread awareness of this project throughout the country so that we can collaborate and work together to boost the recovery of Japan’s earthquake-hit regions,” pagtatapos naman ni Tokyo 2020 Organising Committee Executive Director of the Bureau of Administration Koji Tejima.

Huwebes, Nobyembre 3, 2016

Kōhei Uchimura: The world’s greatest gymnast


“I don’t believe in God. I never had lucky charms. All I believe in is practice.”

Ito ang isa sa mga tumatak na pahayag ng gymnastics seven-time Olympic medalist na si Kōhei Uchimura pagdating sa kanyang pagsasanay at kamangha-manghang talento sa gymnastics kapag natatanong siya tungkol sa sikreto niya bilang isang magaling na gymnast.

Nito lamang, matatandaang pinangunahan ni Uchimura ang team Japan sa men’s team final kontra Russia at China sa Rio Olympics, na kabilang din sina Ryohei Kato, Yusuke Tanaka, Kenzo Shirai, at Koji Yamamuro kung saan napanalunan nila ang gold. Ito ang kauna-unahang Olympic team gold ng Japan mula noong 2004 Athens Games na 12 taon na ang nakalipas.  

Sadyang mahalaga para kay Uchimura ang makapagtakda ng Olympic team medal, na aniya ay isa sa mga matagal na niyang gustong magawa sa kanyang karera.

“I’ve won individual gold medals before but this feels completely different. To win a gold medal with my friends is something that makes me so happy. Now that I’ve got this medal, it really feels like a real Olympic gold medal,” pahayag ni Uchimura.

The intense title defense

Kasunod nito, matagumpay din na nadepensahan ni Uchimura ang kanyang men’s individual all-around Olympic title kontra kay Oleg Verniaiev ng Ukraine, sa iskor na 15.800. Ang pagwawaging ito ang naglagay sa Nagasaki native bilang kauna-unahang gymnast na nakapagtakda ng back-t0-back gold medals sa nasabing event simula nang magawa ito ng kababayang si Sawao Kato noong 1972.

“At the moment, he is the king of gymnastics — like Michael Phelps and Usain Bolt,” ang pahayag ni Verniaiev pagkatapos ng individual all-around patungkol kay Uchimura.

Continuing his parents’ legacy

Tatlong taong-gulang pa lang si Uchimura nang mag-umpisa itong mag-gymnastics, sa pagbubukas ng gym ng mga magulang na sina Shuko at Kazuhisa, na parehas na dating gymnasts sa Nagasaki Prefecture. Pagdating niya ng anim na taong-gulang ay nagsimula na itong sumali sa mga kumpetisyon.

Hindi naging madali ang pag-angat ni Uchimura sa mundo ng gymnastics. Sa unang kumpetisyon niya ay huli siya mula sa mga sumali at natagalan din siya na matutuhan ang back handspring.

Sa kabila nito, nagpursige at ‘di sumuko si Uchimura. Sa tulong ng mga magulang, nag-umpisa siyang gumuhit ng mga naiisipan niyang paraan o istilo sa kanyang kwaderno at saka niya ito gagawin sa trampoline. Kadalasan ay inilalarawan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagbaluktot niya ng isang stuffed toy.

Kalaunan, nagdesisyon itong lumuwas sa Tokyo nang siya ay 15 para magsanay sa ilalim ni Athens gold medalist Naoya Tsukahara. Sumabak siya sa international competition noong 2005 International Junior Competition sa Japan. At pagdating ng 2007 ay naging miyembro na siya ng Japan national team.

Unti-unting nakikilala ang pangalan ni Uchimura pagpatak ng kanyang senior debut sa 2007 Paris World Cup at nasundan ito ng team gold, 1st place (floor), 3rd place (vault); 7th place sa all-around sa Japan National Championships; team silver at 7th place (floor exercise) sa Good Luck Beijing event. Lahat ito sa loob lamang ng isang taon.

Making a name in the Olympics

Disinuwebe si Uchimura nang una siyang sumabak sa Olympics noong 2008 sa Beijing at nag-uwi ng all-around silver. At mula rito, hindi na natalo si Uchimura, hanggang sa kanyang six world championship, pagiging 19-time world medalist at seven-time Olympic medalist.
Bagaman inihahanay siya kina Michael Phelps sa swimming at Usain Bolt sa sprint, para sa 27-taong-gulang na si Uchimura na binansagang King Kōhei mula noong 2012 London Olympics kung saan siya nanalo ng gold, si Vitaly Scherbo ng Belarus ang itinuturing niyang “greatest of all time.”

 “Not my name, but I really hope gymnastic will be as famous as swimming by Phelps and running by Bolt,” ang dagdag nito.

Road to Tokyo 2020

Mas malaki ang plano ni Uchimura pagdating ng Tokyo Olympics, apat na taon mula ngayon. At ngayon pa lamang ay matinding inaabangan na ang muling pagpapakita ng galing ni King Kōhei at ng team Japan sa kanilang sariling bayan.

“You can’t top what happened in Athens, but we’ve made our own history here. I think this is something that we can take into the 2020 Olympics in Tokyo,” ang komento ni Uchimura pagkatapos ng pagwawagi ng team Japan.

Inaasahan naman ang pagreretiro niya pagkatapos ng Tokyo Olympics, sa kabila nito, magdaan man ang panahon ay mananatili ang marka ng pangalan ni Uchimura sa kasaysayan ng world gymnastics.

Miyerkules, Abril 6, 2016

TOTO opisyal nang inanunsyo bilang partner ng Tokyo 2020

Ni Florenda Corpuz


TOTO officials (Kuha mula sa Tokyo 2020)
Opisyal nang bahagi ng 2020 Tokyo Olympics and Paralympics Games ang nangungunang Japanese toilet maker brand na TOTO Ltd. (TOTO), ito ang inanunsyo ng organising committee ng Tokyo 2020 kamakailan.

Sa ilalim ng Tokyo 2020 Sponsorship Programme, nakapasok ang TOTO sa kategoryang second tier na binubuo ng mga official partners kung saan ito ay magsu-supply ng bathroom at kitchen fixtures para sa pandaigdigang palaro.

“TOTO Ltd. provides a variety of essential plumbing products that contribute to healthy and added-value lifestyles to people in Japan, and we are delighted to welcome the company as a Tokyo 2020 Official Partner. I have high expectations that TOTO will exemplify the omotenashi (selfless hospitality) that we aim to extend to all athletes, Games-related personnel and spectators,” pahayag ni Tokyo 2020 President Yoshiro Mori.

“We are extremely honoured to be able to contribute to the Tokyo 2020… we will continue to create and offer plumbing and sanitary space that both athletes who come from overseas to compete and everyone in Japan who supports them can use safely, securely and comfortably,” sabi naman ni TOTO President Madoka Kitamura.

Nangunguna ang TOTO sa toilet innovation simula ng maimbento ang unang seated flush toilet ng Japan dahil sa mga high-tech at accurate na plumbing products nito, bathtubs, washbasins at bidet jets kung saan pino-promote ang water-saving at clean technologies.


Sa kasalukuyan ay mayroon ng 27 partners ang Tokyo 2020 kung saan kabilang ang TOTO sa 12 official partners. 

Martes, Hulyo 14, 2015

Bidding para sa dagdag na sports event sa Tokyo 2020, binuksan

Ni Florenda Corpuz

Tokyo, Japan – Pormal nang binuksan ng Tokyo 2020 Organising Committee ang application process para sa karagdagang sports events sa darating na 2020 Tokyo Olympics, ito ay kasunod nang pag-apruba ng International Olympic Committee (IOC) sa Olympic Agenda 2020 noong Disyembre.

Tutukuyin ng Tokyo 2020 Additional Event Programme Panel ang isa o dalawang karagdagang sports event na imumungkahi ng Tokyo 2020 sa IOC batay sa ilang mahahalagang alituntunin.

“The additional event(s) will serve as a driving force to promote the Olympic Movement and its values, with a focus on youth appeal,” pahayag ng kumite.

“The additional event(s) will add value to the Games by engaging the Japanese population and new audiences worldwide, reflecting the Tokyo 2020 Games vision,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng kumite na magiging bukas at patas ang selection procedure.

Naglunsad ang Tokyo 2020 Organising Committee ng two-stage procedure kung saan ang una ay inimbitahan ang mga IOC Recognised International Federations (IF) na magpasa ng aplikasyon.

“Phase I will involve response forms, which will include a brief set of questions, being sent to all IOC Recognised International Federations (IF) that control sports currently not on the Tokyo 2020 Olympic Games programme and that are not exclusively practiced on snow or ice.”

Pag-aaralan ng Additional Event Programme Panel ang mga aplikasyon kung saan ang mga mapipili ay dadaan sa Phase II na magsisimula sa Hunyo 22.

“The Additional Event Programme Panel will examine each application to ensure that it complies fully with Tokyo 2020’s key principles.”

Magsasagawa ng presentasyon ang mga finalists sa Tokyo sa darating na Agosto habang magbibigay naman ng rekomendasyon ang kumite sa IOC sa Setyembre 30. Maglalabas ng pinal na desisyon ang IOC sa Agosto 2016 sa Rio de Janeiro.

Ilan sa mga paboritong laro na kinukunsidera ay ang baseball, softball at karate.

Samantala, isinabatas naman ng Diet kamakailan ang bill kung saan isang sports agency sa ilalim ng pamamahala ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology ang ilulunsad upang mangasiwa sa sports administration bago ang 2020 Tokyo Olympics. Inaasahan na mas palalakasin nito ang performance ng mga atletang Hapon.