Kuha mula sa Tokyo Metropolitan Government |
Inilunsad na ng Tokyo Metropolitan
Government (TMG) ang bagong logo at slogan ng lungsod para i-promote ang
turismo nito sa ibang bansa kamakailan.
Gagamitin ang logo na may slogan na
“Tokyo Tokyo Old Meets New” sa iba’t ibang promotional activities para epektibong
ipakilala ang mga atraksyon ng Tokyo.
Makikita sa disenyo ng logo ang
pagkakasulat sa “Tokyo” gamit ang dalawang klase ng fonts at kulay para ibahagi
ang imahe ng siyudad. Ang kaliwang “Tokyo” na isinulat gamit ang black
brushstrokes at ang kanang “Tokyo” na isinulat gamit ang light-blue Gothic
font.
“The brushstroke of Tokyo and
Gothic block typeface of Tokyo represent the originality of the city, where
traditions dating back to the Edo period (1603-1868), coexist alongside the
cutting edge culture of today,” ayon sa website ng TMG.
“The tradition is expressed in
black ink, while the new Tokyo is expressed in blue, like the sky spreading
forward to express the innovative future,” saad pa rito.
Sa gitna ng dalawang logo ay
makikita ang maliit na traditional stamp na nagpapakita sa isa sa
pinakakilalang landmarks sa Tokyo, ang Shibuya “scramble” crossing, isa sa
pinakaabalang intersections sa buong mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento