Maliban
sa pagiging makasaysayan ng Laguna, kinikilala rin ito bilang waterfall haven
dahil sa napakaraming waterfalls na makikita rito sa probinsiya.
Sa halip
na pumunta pa sa Boracay o sa mga nakasanayan nang beach destinations, ‘di na
kailangan lumayo mula sa Maynila para sa isang mas refreshing at mala-paraisong
summer adventure ngayong taon, na dala ng mga matatayog at napakalamig na tubig
mula sa mga waterfalls ng Laguna.
The stunning cascades of Luisiana
Ang
Luisiana ay nanggaling sa Luis y Ana na mga pangalan ni Don Luis Bernardo at
asawang si Ana, na nagpasimula sa pagkakatatag ng munisipalidad na dati ay
bahagi lamang ng isang mas malaking bayan.
Wala
pang standard guide rates sa pagpunta sa mga nabanggit na falls ngunit kapag
pupuntahan ang tatlong falls o higit pa ay magbayad ng Php600 at Php300 para sa
isa.
Unang
stop ng trail ang two-tier falls na Talay Falls na mas madali-dali para sa mga
baguhan ngunit madulas at maputik pa rin ang daan papunta rito. May ilang batis
din na kailangan tawirin bago makarating sa Talay. Ang mas maliit na bahagi
nito ay nasa bukana at ang mas malaking bahagi naman ay medyo natatakpan ng mga
puno. Mas kalmado rin ang agos ng tubig dito kumpara sa iba.
Nakatago
naman sa likod ng malalaking bato ang Hidden Falls at ang paakyat dito ay
matarik na. Tamang-tama naman ang laki nito bilang panggitna sa Talay at
Hulugan.
Pangunahing atraksyon naman ang
90-meter high na Hulugan Falls na nagmula ang pangalan pagkatapos mahulog ang
isang kalabaw mula sa tuktok nito. Kapag hapon naman, mayroon din maliit
na bahaghari na lumilitaw dito sa may
paanan ng falls.
Maganda rin mag-side trip sa 65-feet
Aliw Falls na 30 minuto lang ang trek dahil mas patag ang daan papunta rito
mula Hulugan Falls.
Be daring in
Pagsanjan, explore more in Nagcarlan,
Balian, Majayjay and Mt. Romelo
Sa Pueblo El Salvador naman ang jump
off point ng Pagsanjan Falls o Cavinti Falls. Dalawa ang klase ng exploration
options – boating/shooting the rapids (Php600/kada tao) na mula pa noong
Spanish Colonial Era ay popular na atraksyon na rito at hiking/rapelling (Php270/kada
tao) kasama na ang bamboo raft kung gustong magpunta sa Devil’s Cave.
Nariyan din ang tinaguriang virgin
waterfalls na Sumucob Twin Falls na mas mapangahas ang daan at para sa mga mas
malalakas ang loob.
Isang natural spring at waterfall
naman ang Bukal Falls na sikat din sa crystal blue waters nito na gaya ng
Enchanted River ng Surigao del Sur.
Nariyan din ang Imelda Falls o
Taytay Falls na isang 2-storey falls na ipinangalan kay dating first lady
Imelda Marcos dahil sa pagpondo nito ng turismo ng Majayjay. Sa Nagcarlan,
mamangha naman sa luntiang rain forest at nakaka-relax na agos sa sapa sa Bunga
Twin Falls na madali lang puntahan (5-10 min-trek). Mag-cliff diving sa 49-foot
drop at 32-ft na pool basin nito.
Nasa may Sierra Madre Mountain Range
naman ang Buntot Palos Falls na nasa Balian sa bayan ng Pangil, na may 80-meter
height at mararating sa pamamagitan ng Pangil Eco Park o Barangay Balian trail
(2-3 hr-trek).
‘Di rin nagpapahuli ang 180-foot
tall na Buruwisan Falls na nagmumula sa Siniloan River sa Mt. Romelo, Siniloan
kung saan makikita rin ang Lanzones Falls, Batya-Batya Falls at Sampaloc Falls.
Maaaring mag-rapelling pababa sa falls para sa ‘di malilimutang karanasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento