Ni
Florenda Corpuz
Tinanggap ni Prime Minister Shinzo Abe Abe ang Global Women’s
Leadership Award mula kay Summit Founder and President Irene
Natividad. (Kuha ni Din Eugenio)
|
Kinilala ng mga kababaihan mula sa
iba’t ibang panig ng mundo ang kontribusyon ni Prime Minister Shinzo Abe sa
pagtataguyod ng women empowerment at gender equality sa Japan sa ginanap na
Global Summit of Women 2017 sa Grand Prince New Takanawa kamakailan.
Napili si Abe bilang recipient ng Global
Women’s Leadership Award dahil sa kanyang “womenomics” policy kung saan nais
niyang paramihin ang mga kababaihan na nagtatrabaho upang makatulong na
maiangat ang ekonomiya ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa opening
ceremony ng forum, sinabi ni Abe na nakatuon ang kanyang administrasyon sa
pagbuo ng “society where women shine.”
“I believe women’s advancement in
the society can contribute to create a stronger, diversified society,” aniya.
Nangako ang lider na babaguhin ang
mahabang oras nang pagtatrabaho sa bansa upang maging mas madali para sa mga
kababaihan na makapagtrabaho habang nag-aalaga ng mga anak at patuloy na
sosolusyunan ang kakulangan sa mga day care centers.
Pinasalamatan din niya ang forum sa
pagkilala sa kanyang pulisiya.
“This is quite an honor for me.
This is not only for myself, but for everyone who is working for the women
empowerment in Japan,” aniya.
Siya ang ikalawang lalake na nakatanggap
ng nasabing parangal.
Dinaluhan ng 1,300 women leaders sa
larangan ng negosyo at pulitika mula sa mahigit sa 60 bansa ang tatlong araw na
forum kabilang si Vice President Leni Robredo na may temang “Beyond Womenomics:
Accelerating Access” na sumasalamin sa nais gawin ni Abe sa kanyang bansa.
Samantala, napili naman si Tokyo Governor
Yuriko Koike ng Japan Host Committee bilang recipient ng Japan Women’s
Leadership Award. Si Koike ang kauna-unahang babaeng
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento