Idinisplay ng Iloilo City Disaster Risk Reduction Information and Exhibit Center ang mga information materials on disaster risks and preparedness. (Kuha mula sa JICA) |
Nakikita bilang modelo para tularan
ng ibang komunidad sa Pilipinas ang disaster preparedness project ng Iloilo
City.
Ang programang Community-Based Adaptation
and Resilience Against Disasters (CBARAD) ay sinimulan sa limang disaster-prone
barangays sa Iloilo City na naglunsad ng KABALAKA volunteer program na
kinabibilangan ng 9,238 lokal na residente na binubuo ng mga estudyante, guro, persons
with disabilities (PWDs), mga matatanda at mga bata sa disaster preparedness
advocacy campaigns.
Inilunsad ito ng Japan
International Cooperation Agency (JICA), Japanese non-profit group CITYNET na
naka-base sa Yokohama at ng Iloilo City Government para mapahusay ang disaster
preparedness and response sa lokal na antas habang tinataguyod ang palitan ng
kaalaman sa pagitan ng Japan at Pilipinas.
“Japan and the Philippines share
common experiences in disasters since both nations are located on the Pacific
Ring of Fire. Given our vulnerability to earthquakes, floods, and other natural
disasters, disaster awareness and preparedness is critical at the community
level to minimize risks and losses,” ani Kazuko Kurashina, Director of the
Partnership Program Division ng JICA Yokohama.
Ibinahagi rin dito ang mga
karanasan ng Japan sa disaster preparedness and recovery sa pamamagitan ng
study visits ng mga LGUs sa Japan para pag-aralan ang study crisis management,
resilient infrastructure, at collaboration models kasama ang academe,
communities, at PWDs.
Inilunsad din ang KABALAKA gallery,
isang interactive exhibit tampok ang disaster preparedness and survival, sa
ilalim ng CBARAD project.
“We hope that the Iloilo City
community-based disaster preparedness model will be sustained and adopted by
other LGUs,” dagdag ni Kurashina.
Sinundan ng CBARAD project ang
nauna ng tulong ng JICA sa flood control project sa Iloilo City kasunod ng pinsala
ng bagyong Frank noong 2008 kung saan 254,000 katao ang naapektuhan at umabot
sa US$16.41 milyon ang naitalang pinsala sa ekonomiya ng lungsod.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento